Ikatlong Yugto: Peligro sa Pasyente

49 7 0
                                    

HINDI ko alam kung anong sasabihin ko sa mga salitang binitawan nya na nagpatigil ng mundo ko. Aalis na lang ba ako? Tatawa? Iiyak? O magkukunwaring hindi ko narinig? Anong sasabihin ko? Hindi ko alam kung paano magreact!

"Dr. Nimfa! Kanina ka pa hinahanap ni Ma'am Maria. Nandyan ka lang pala. Maghahanda raw para sa medical mission." Sabi ni Lucas na isa sa scrub nurse.

'Saved by you Lucas! Thank you, thank you! I owe you one, Lucas!'

Tumingin ako kay Alfonso at ngumiti sa kanya na sensyas ng pamamaalam. Tumayo na ako't nilapitan si Lucas.

"Salamat Lucas. Libre kitang lunch later." Sabi ko sa kanya.

"Ha? Birthday 'nyo Doc? Bakit ka manlilibre?" Takang tanong 'nya.

"Ayaw mo ba? Sige, huwag na." Sabi ko

"Naku! Naku! Syempre wala nang bawian. Libre mo 'ko lunch mamaya ha." Natatawang sabi niya

Pinalo ko ng mahina ang braso 'nya at sa huling pagkakataon ay tumingin ako kay Alfonso. Wala na siya sa pwesto niya kanina. Nagkibit balikat na lang ako. Umalis na ako't pumunta sa clinic.

'Ano na naman kayang pakulo ni Alfonso? Ano? Mahal niya ako? Ha! Kalokokan! Tapos ano? Pagkatapos kong maniwala sa kanya, aasa ako, at pagkatapos, iiwan niya na naman ako. O 'di kaya naman ay hindi na magpaparamdam at malalaman ko na lang na may ibang babae na pala. Pagod na akong magpakatanga! Hindi ko na alam kung maniniwala ba ako o iiwasan ko na lang siya.'

Kinuha ko ang mga vaccines na gagamitin para sa medical mission, gayundin ang kakailanganing mga gamot.

"Doc"

'E pano kung totoo ang sinasabi niya? Hindi naman masamang maniwala di'ba? Ngayon niya lang sinabing mahal niya ako after all these years! Nagbibigay siya ng motibong gusto niya ako noon pero hindi niya sinasabi ang nararamdaman niya para sa akin pero ngayon...ngayon lang talaga. Bigyan ko ba ng pagkakataon? O baka naman gusto niya lang makipaglaro ng damdamin? Di ko na alam gagawin ko! Mababaliw na ata ako kaiisip.'

"Doc Nimfa?"

'Kausapin ko kaya siya? Pero gusto ko nang magmove on sa kanya. Ayoko nang ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya. Siguro nasabi niya lang na mahal niya ako dahil nagi-guilty siya sa ginawa niya. Oo! Guilty siya. Tama! Huwag mo nang isipin, Nimfa. Be free and move on.'

"DOC NIMFAAAAAAA!!!" Pag-uga sa akin ni Lucas.

"Ano ba yooon?! Bakit kailangang sumigaw pa?!" Sigaw ko rin.

"Eh kanina ka pa nakatulala diyan eh. Para kang santo. Akala ko hindi ka na humihinga. Kanina pa kita tinatawag. Hindi ka gumagalaw ni kumukurap man lang." Paliwanag niya

"Eh ano nga ba kasi 'yon?" Naiiritang tanong ko

"Kakausapin ka raw ni Captain. regarding sa medical mission bukas. Tsaka 'wag mong kalimutan lunch ko ha. Sige na. Pumunta ka na. Ako na ang magtutuloy niyang inaayos mo." Sabi niya

Hindi na ako sumagot at umalis na lang ako. Umakyat ako para pumunta sa office ng kapitan. Kumatok ako sa pinto.

"Come in." Tugon niya

Pumasok na ako't hinarap siya.

"You're calling me Captain? Why is it, Sir?" Sabi ko

"Oh yes, right. Regarding to the medical mission you're about to conduct tomorrow in Japan. Where exactly do you want to conduct it?" Tanong niya

"If you will allow us Captain to conduct in Yokohama, Captain." Sagot ko.

"Since tomorrow will be our arrival in Japan, you will be given three days to conduct your medical mission. Just make it sure you won't be late because we will schedule our departure in Japan." Sabi naman niya

Time Waits For No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon