Ikalimang Yugto: Ang Muling Pagkikita

44 7 1
                                    

IKALAWANG araw ngayon ng medical mission namin. Mahimbing pang natutulog si Maria. Gumayak na ako para maaga akong makarating sa medical mission at para hindi ako matambakan ng mga pasyente. Nag-iwan na lang ako ng note kay Maria at lumisan na sa hotel na tinutuluyan namin.

Lumipas ang ilang oras at nakarating na rin ako sa health clinic. Iilan pa lang ang tao rito kaya tumulong na rin ako para maghanda ng mga kailangan. Tiningnan ko ang ibinigay ni Lucas na listahan ng mga pasyente kahapon na nakalagay sa table ko. Hindi ko na nakuha kahapon kasi nagmadali na rin kaming umalis.

Lelouch Hiroshima

Ah so Fil-Jap pala ang isang 'yon. Lakas ng loob niyang pumunta rito ng lasing at pagsalitaan ako ng kung anu-ano.  'Wag na 'wag ka nang magpapakita pa sa'kin.

Nagdatingan na ang mga kasamahan kong health workers at may mga pasyente na ring dumarating kaya sinimulan na namin ang medical mission.

Naging maayos naman ang takbo ng medical mission kahit na nakikita ko si Alfonso sa paligid ko. Paano ako makakamove on sa'yo kung lagi kitang nakikita?

Natapos ang araw at nagpaalamanan na kaming mga health worker volunteers at mga health workers ng clinic. Nakakabagbag sa damdamin na makatulong sa kapwa na walang hinihinging kapalit. Nagbigay naman ng mga souvenirs as a thank you gift ang ilang health workers ng clinic. Hanggang ngayon lang kasi ang medical mission dahil bukas ng gabi, kailangang nasa barko na kami  kaya may panahon pa kami para mamasyal rito sa Japan.

Umuwi na kami sa hotel para makapagpahinga. Chineck ko ang phone ko at tinadtad ako ng missed calls at messages ni Leandro. Ang kulit talaga ng lalaking 'yon.

Leandro: Good morning asawa ko!

Leandro: Kumusta naman ang medical mission mo?

Leandro: Ang boring dito sa tinutuluyan kong condo. Saan ba ang hotel nyo? Dun muna ako.

Leandro: Hoy. Bakit ba hindi ka nagrereply?

Leandro: Ang ganda rito sa Tokyo. Ang daming tao.

At kung anu-ano pang kalokohang text messages. Hindi ko na binasa lahat dahil pagod na rin naman ang mata ko.

Reply: K lang. Kauuwi ko lang.

Bago ko pa isend kay Leandro ay bumungad sa akin ang pangalan niya. Napakaconsistent sa pangungulit talaga nitong si Leandro.

"Oh?"

"Sungit naman nito. Red days mo ba ha? Daig mo pang nasa menopausal stage." Reklamo ni Leandro. Panigurado nakanguso na naman 'to.

"Eh bakit nga?"

"Kumusta araw mo?"

Napairap naman ako sa tanong niya. Ano bang klaseng tanong 'yan? Akala ko naman kung anong kailangan niya.

"Okay lang naman. Nakakapagod pero fulfilling."

"Hanggang bukas ka na lang ba rito sa Japan?" Malungkot na tanong niya.

"Oo at kailangan ko nang matulog dahil may tour pa kami bukas. Sayang naman yung pagdayo ko rito sa Japan kung hindi ako makakapamasyal kahit ilang oras."

"MAGTU-TOUR KAYO BUKAS?!" Masiglang sigaw niya dahilan para mailayo ko ang phone ko sa tenga ko. "SAMA AKO! PASAMAAAA!" Dagdag pa ni Leandro. Kalalaking tao ang daldal at ang ingay.

"Oo na nang matahimik ka na. I'll call you. Bye." Hindi ko na hinintay pa na magsalita si Leandro at in-end call ko na. Antok na antok na talaga ako at pagod na rin.

Time Waits For No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon