16: First move

20 3 0
                                    

"I remember now. You're the conceited drunk guy na nagpaconsult sa medical mission." Lakas-loob kong usal. Nakita kong namula ang kaniyang mukha at tenga at mabilis na umiwas ng tingin.

"Err. You remember everything now?" Nahihiya pa niyang sabi.

"Oo. Everything's coming back to me now. Lelouch Hiroshima, right?" Mahinang sabi ko sa kaniya. Bigla na lamang nanlabo ang paningin ko kaya kinusot-kusot ko ang mata ko.

"はい (Yes). That's the name I used in the past." Sagot ni Chris. Bigla na lamang akong nakaramdam ng lamig pero pinagpapawisan ako.

"Naalala kong sumalpok ang ulo ko sa parte ng rehas ng barko. Maybe that's the reason kung bakit ako nagkaroon ng temporary memory loss." Nanghihina kong sabi. Hinawakan ko ang parte ng ulo ko kung saan ay naalala kong tumama sa rehas.

"Sorry hindi ko sinabi sa'yo kaagad na ako si Lelouch na nakilala mo sa past."

"It's okay. I understand it whatever the reason is."

"Are you okay, Nimfa? Ang putla-putla mo." Narinig kong sinabi ni Chris. Hindi ko na nasagot ang tanong niya at bumigay na lamang ang katawan ko.


~

"No abnormalities are seen, Sir."

"Something is off. Napapadalas ang pagkawala niya ng malay. Do a neurological exam on her."

"Right away, Sir."

I'm not sure where I am pero sigurado ako na boses ni Chris at ni Raven ang naririnig ko. Ano ba 'tong nakadikit sa ulo ko at bakit ang lamig sa lugar na 'to?

"It seems you're finally awake." Usal ni Chris nang makita niyang gising na ako.

"Anong ginagawa n'yo sa'kin?" May halong kabang tanong ko sa kanila. Bukod sa kaba kong nararamdaman ay hindi ako komportable sa kinalalagyan ko ngayon.

"We're just running some test." Mahinahong sagot ni Chris.

"For what?"

"Don't panic. Hindi mo ba napapansin ang sarili mo? Ang pagsakit ng ulo mo at ang madalas na pagkawala mo ng malay."

"Pero o—

"Jarvis?" Putol niya sa sasabihin ko.

"Everything is normal, sir." Sagot naman ni Jarvis.

"Nakakapagtaka pero that's good to hear then. Mas mabuti siguro kung palaging nakamonitor ang lagay ni Ms. Fuertes."

"I don't think that this is necessary, Lelouch." Seryoso kong sabi kay Chris. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko'y hindi ko gusto ang ginagawa niya sa akin. Pakiramdam ko'y isa lang ako sa iniingatan niyang mga ebidensya upang mapatunayan na nagtagumpay siya sa kaniyang ginawang time travel operation.

"How can you be so sure? Hindi natin alam ang dahilan kung bakit madalas ang pagkawala mo ng malay. Hindi rin naman tayo sigurado na ang pagsalpok ng ulo mo sa rehas ang dahilan ng pagsakit ng ulo mo. Mas mabuti na ang sigurado, Nimfa. Hindi ako papayag na may mangyaring masama sa'yo."

Bahagya akong nagulat sa sinabi ni Chris pero mas pinili ko na lang na balewalain ito. Hindi na lang ako nagsalita at inayos ko ang aking pagkakaupo.

*growls*

"Pfft" Pigil na tawa ni Chris nang marinig niya ang pagkalam ng sikmura ko.

"What?" Angal ko sa kaniya pero sa loob loob ay gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa sobrang kahihiyan. Malamig ang temperatura ng paligid pero pakiramdam ko'y napunta lahat ng dugo sa mukha ko sa sobrang init nito.

Time Waits For No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon