"Seryoso ba? Talagang a-attend tayo doon? Akala ko pa naman water activities na ngayon." Napanguso ako at pabagsak na umupo sa kama ko.
"Bukas pa raw ata iyon, te," sagot pa ni Vera na nakaupo rin sa kanyang kama na katabi ng akin. Napabuga ako ng hininga at saka sumandal na lang muna sa headboard ng kama ko.
"So, mabubulok tayo sa conference room ngayon?" tanong ko pa. Nagsikibit-balikatan ang mga kasama ko. Para kaming mga tangaers na nakaupo sa mga kama namin at nagtititigan.
Sobrang aga kong nagising ngayon kasi ang aga ko ring nakatulog kagabi. Siguro kasi sobrang pagod ng katawan ko kaya plakda agad ako sa kama ko nang humiga ako kagabi. Bandang mga six yata ako nagising. Ako pa nga pinakauna sa aming lima. Naligo na lang din ako agad para makatulog pa ako nang walang istorbo. Kani-kanina lang nang magising ako dahil pumasok si Minchin para ibalitang 8:30 ang breakfast namin at na sa conference hall daw kaming lahat ngayon.
Nakakaloka naman, a-attend na naman pala kami ng seminar. Retreat lang talaga ang peg nitong Team Building na ito, e. Napasimangot na lang ako. Gusto ko nang mag-water activities! Ewan ko rin kung bakit ako biglang ginanahan magtampisaw ngayon. Ano naman kasing gagawin ko sa conference room? For sure matutulog lang ako kasi di talaga kami friends ng mga seminars na iyan. Antok na antok lang ako pag uma-attend.
So, mga two minutes kaming nakatanga lang doon at nakatingin sa kawalan nang marinig na namin ang bell ni Minchin hudyat para bumaba na kami for breakfast. Bumuga lang ulit ako ng hininga at saka tumayo na. Dala ko lang ang cell phone ko pababa. I was wearing a denim high-waist shorts tas loose na crop top since wala naman daw kaming gagawing strenuous activities ngayon. Naka-black sliders lang din ako. Naka-messy bun na ang buhok ko kasi ang init sa batok. Kahit na di siya gaanong kataas, naiinitan pa rin ako kaya nagba-bun talaga ako.
Nakaangkla ako kay Vera nang makasalubong namin ang mga basketball players na saktong pababa ng staircase nila.
"Hi, girls!" agad na bati ni Niko sabay ngisi.
Umirap lang ako sa kanya. Itong playboy na ito. Si Vera, parang tangang nagpabebe pa kaya sinundot ko.
"Pa-fall iyan. Wag kang papaya na masala sa trophy niya ng mga babae, no," sabi ko.
Sumimangot ang loka.
"Alam ko naman..."
Umirap lang ulit ako. "Alam mo naman pala. Wag kang pahalatang may crush ka sa kanya." Inilingan ko siya.
Ilag talaga ako sa mga basketball players na iyan – except ata kay Rerra – kasi alam ko na ang mga hilatsa nila. Isa pa, basketball players iyong barkada kong lalaki before sila nag-graduate. Kuya ko rin basketball players kaya alam ko ins and outs ng mga iyan sa mga babae. Kinukwento kasi nina Ced at Toffer noon kung kanino dapat mag-ingat at kung sino iyong medj na matitino. In my defense naman kay Rerra, kahit na napapabalitang playboy nga raw siya, di ko pa naman nakikita in person iyong pagka-playboy niya. Di nga kasi kami nag-uusap di ba? Lately lang noong nagkausap kami talaga. Cool naman siya tsaka di siya katulad noong mga kasama niyang nagpapa-cute sa akin – or baka di niya na kailangan kasi iyong ibang babae nagpapa-cute sa kanya. Basta, in short, di ko naman feel na pinopormahan niya ako at na gusto niya lang maka-score sa akin kaya siya lumalapit, so iyon. Okay sa akin iyon.
In-aad ko na nga siya sa list of boy na friends ko. Iyong iba kasi niyang kasama, amp, ang pabebe ng mga loko at halata namang pa-cute lang. Luhh. No thanks.
Sa usual table namin kahapon kami naupo ni Vera at ng mga roommate ko. Tumabi pa rin sa amin sina Rerra at iyong ibang friends niyang di ko pinapansin. Kumunot pa ang noo ko nang makitang humihikab si Rerra pagkatabi sa akin.
BINABASA MO ANG
Fermin Series #3: Playing Hearts (COMPLETE)
RomanceSeeing how dramatic the love lives of her two sisters and how love made her brother crazy, Lamina find it hard to take love and relationships seriously. Iisa lang naman ang gusto niya, ang maging chill. Ayaw na niyang makisabay pa sa ka-dramahan ng...