Chapter 14

249 8 2
                                    

"Nakanguso ka na naman." Agad na sinamaan ko ng tingin si Tigrerra. Tumawa siya. Pumangalumbaba naman ako sa lamesa at tinanaw iyong nagi-grill sa may di kalayuan.

Sunday ngayon at Monday na naman bukas. Ang akala ko magchi-chill ako ngayon kaya lang kinailangan naming i-speed iyong Thesis namin kaya nakakaloka at wala pa akong pahinga talaga. Mula kaninang umaga pa kami nina Vera at Rose sa cafe shop namin sa tapat ng Fermin U. Nagsiuwian kami ng mga bandang five na at ngayon pa-six na nga.

Wala sa plano na magkikita kami ni Rerra ngayon. Aksidente lang kaming nagkita paglabas ng cafe kasi galing pala siyang training. Agad niya nga lang akong hinila paalis doon kasi nakasunod pala sa kanya si Areena. Seriously, nasi-stress na rin ako sa ka-obssess-an ng babaeng iyon. First hand kong nakita iyon kanina na kulang na lang talaga ay dumugin niya si Rerra. Itong si loko pinaparinig pa sa akin ang mga voice mails ni Areena sa kanya.

Sis, hindi ko kinakaya!

Kung di lang fried ang braincells ko ngayon, malamang inasar ko na itong loko kaya lang wala te, super nakaka-drain at nakakapagod iyong mga nangyayari sa akin. Duty ko pa nga lang sarap nang maglupasay, e. Tapos may subject pa kami na dalawa at seminar pa. Wala na ataw akong pahinga.

"Did you inform Tito already?" tanong pa ni Rerra at pumangalumbaba na rin. Pareho na kaming nakatingin sa nagi-grill ngayon. Nakakatakam iyong amoy!

Ewan ko ba, nagsi-stress eating na yata ako. Super takaw ko na this days. Gusto ko lang matulog o di kaya kumain. Kalerkey ha.

"Hmm." Tumango-tango ako. Wala namang problema kay Papa na sa labas ako mag-dinner ngayon. Nag-crave talaga kasi ako ng sinugba kaya nagyaya ako kay Rerra na kumain kami rito sa bagong bukas na resto sa may Manila Bay.

"What's wrong?"

Agad ko siyang tiningnan at kinunutan ng noo. "Ha?"

"You look problematic." Nagkibit-balikat siya. Sumimangot ako.

"Stress lang. Gusto ko nang mag-graduate," reklamo ko pa.

Ngumisi siya. "Why? Excited for med school? Thought you're tired."

Umismid ako tapos ay sumubsob na sa lamesa namin. "Mamaya ko na iintindihin ang med school. Ito muna gusto kong matapos, no. I wanna graduate already!" Umungot ako.

Narinig ko pa ang pagtawa niya kasabay ang paggulo niya sa buhok ko. Mabilis akong nag-angat ng tingin. Wala na akong pake kung haggard ang mukha ko. Si Rerra lang naman iyan.

Nakangiti pa rin siya sa akin, titig na titig na para bang sinusuri ang mukha ko. Jina-judge na siguro ako ng mokong na ito.

"Ano? Makatitig ka naman parang grabe na ang judgement mo sa akin, a," sita ko pa. Tinaasan niya lang ako ng kilay tapos tinawanan. Tingnan mo ito!

Umirap ako at sumubsob na ulit sa lamesa. Naririnig ko pa rin ang paghagikhik ng mokong. Umangat lang ako ng tingin nang mas maamoy ko ang inihaw na isda.

"Here's your order, Ma'am, Sir," sabi noong waiter.

Nakagat ko ang aking labi at mas natakam na sa pagkain.

Mabilis akong umayos nang upo. Nagpasalamat lang si Rerra sa kanya tapos ay kumain na kami.

"Infairness, sarap ng sauce nila," sabi ko. Maarte kasi ako sa sauce lalo na sa ihaw. Iyong sauce kasi iyong mas nagpapagana sa aking kumain kaya medyo pihikan ang ate niyo.

"You want to stay with me after?" sabi pa ni Rerra.

Nangunot ang noo ko at napatingin sa kanya. "Bakit?"

Fermin Series #3: Playing Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon