Humikab ako at nag-inat-inat pagkatapos kong i-type iyong part ko ng Thesis namin. Bumaling ako kina Vera at Rose na seryosong nagta-type pa rin. Ngumuso ako at nilibot na lang ng tingin ang buong library. Halos lahat ng mga estudyante ay nakayuko lang at may kani-kanilang mga ginagawa at binabasa. I made a face and was about to mind my own business when I stumbled upon a familiar face.
Naningkit ang mga mata ko para siguraduhin kung siya ba talaga iyon. At tama nga ako. Tigrerra Legaspi was just four tables away from us. Hindi siya mag-isa, though. He’s with two other guys and three girls. Familiar iyong dalawang lalaki pero iyong dalawang babae, hindi. Iyong isa naman ay medyo kilala ko pero di ko sure.
Siniko ko si Vera na katabi ko.
“O, ano?” tanong niya pa, hindi inaalis ang tingin sa laptop. Kinalabit ko ulit siya at saka nginuso ang table nila ni Rerra.
“Sinetch iyong katabi ni Rerra at iyong mga kasama?” tanong ko. Tumigil siya sa pagta-type tapos ay nilingon ako. Tiningnan niya pa iyong mga tinuro ko.
“Di mo kilala si Areena?”
“Areena who?”
“Areena Valderama, sis.” Umirap siya.
Tumaas ang kilay ko at muling tiningnan ang babaeng katabi ni Rerra at halos kumandong na sa kanya. Nakanguso pa ito na parang nagpapa-cute. Nakagat ko ang labi para pigilan ang pagtawa. Langya.
“Kapatid ni Bella at Carol?” tanong ko pa.
Tumango lang si Vera habang patuloy sa pagta-type.
Bahagya akong natawa. Luhh tres marias nga pala ang Valderama siblings. Seryoso? Ano bang meron sa mga Legaspi at parang gahol na gahol sila? I mean, iyong si Carol kasi head over heels kay Gideon Legaspi. Iyong si Bella naman ay feeling girlfriend ni Drago noon before nagging sila ni Ate Wayven. O, di ba? Ang galing. Legaspi brothers lang ba nakikita nilang lalaki? Ay ewan. Natatawa lang ako na ewan.
Napailing ako at akmang matutulog na lang nang bigla namang mag-vibrate ang phone ko. Ngumuso ako at saka tiningnan iyon. Napaangat pa ang kilay ko pagkabasa ng text ni Rerra.
From: Rerra L.
Hey, you have class? I'll treat you.
To: Rerra L.
Bakit? May kasama ka naman, a.
From: Rerra L.
What?
To: Rerra L.
Hahahaha
Naitakip ko na lang ang aking kamay sa bibig para pigilan ang pagtawa. Naiiling na lang ako at sinulyapan pa siya na nakatingin na sa table namin. I stuck out my tongue a bit. Inirapan ako ng loko. Mas natawa ako at nailing na lang. Bahagya ko pa siyang kinawayan tapos nginisihan. Ang loko sumimangot pa.Mas lalo lang akong natawa. Umayos ako ng upo at pumangalumbaba. Nilingon ko si Vera.
“Hmm, so anong chika diyan kay Areena? Pareho sa mga ate niya?” curious kong tanong. Agad na lumingon si Vera at Rose sa akin.
“Ba’t ka curious na curious kay Areena?” si Rose.
Nagkibit-balikat ako. Naningkit ang mata ni Rose sa akin. Bumuntong-hininga naman si Vera at nilingon ako.
“Well crush na crush daw niyan si Rerra. Not sure lang kung na crushback.” Nagkibit-balikat din siya.
Umangat ang noo ko at nagkorteng - o ang aking bibig. Sabi ko na,e.
“Ewan ko nga riyan, halata namang ayaw siya i-crushback ni Rerra, habol pa rin nang habol. Just like her sisters, sis.” Ngumiwi si Vera. Napatango ako. Tiningnan ko ulit si Rerra sa kabilang table. Kitang-kita ko ang pagkainis sa mukha ng mokong habang may sinasabi sa kanya si Areena.
BINABASA MO ANG
Fermin Series #3: Playing Hearts (COMPLETE)
RomanceSeeing how dramatic the love lives of her two sisters and how love made her brother crazy, Lamina find it hard to take love and relationships seriously. Iisa lang naman ang gusto niya, ang maging chill. Ayaw na niyang makisabay pa sa ka-dramahan ng...