Chapter 19

241 6 0
                                    

"What? She did that?" gulat na gulat na tanong ni Rerra sa kabilang linya. 

Sumimangot ako at umirap. Nasa kama na ako at naka-indian sit. Nasa hita ko iyong unan ko tapos nakapatong doon ang iPad ko. It's almost nine. Magka-chat kami ni Rerra kanina at nasabi ko sa kanya iyong ginawa ni Areena kaya ayan tinawagan ako agad. 

"Oo, iyong baliw na iyon. Pasalamat siya wala ako sa mood at ayoko ng gulo. Nakakaloka, ha!" Umirap ako. 

Kitang-kita ko kung paano niya namasahe ang kanyang ulo na para bang stress na stress siya sa pinaggagawa ng babaitang iyon. Seriously para siya nitong alalay or something an kailangan niya itong tingnan at bantayan. Napailing na lang ako. Gets ko iyong reaksyon niya, no. Kasi naman nakakaloka ang babaeng iyon!   

He heaved a sigh again. 

"Are you sleepy?" tanong niya pa. 

Natigilan ako at tinaasan siya ng kilay. "Huh? Anong connect?" 

"Nothing. I'll end the call now. I'll call you later."

"Ha? Teka bak-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinatay na niya ang tawag. Okay. Wew.  Weirdo talaga nitong si Rerra. Napailing na lang ako. Tiningnan ko pa ang wall clock ko. It's past 10 already, I should be sleeping now, but I can't. Hindi pa ako inaantok. 

Pabagsak na humiga na lang ako sa kama. Ito kasing si Rerra, e. Ano na naman kayang trip noon. Wala tuloy akong ka-chikahan ngayon. Tsk. Ngumuso ako at dumapa. Binaon ko pa ang mukha ko sa unan para lang makatulog na sana ako. Ilang minuto rin akong nakapikit, ha. Unfortunately hindi nakisama ang aking mata at dumidilat talaga siya. Pinatay ko na lahat ng ilaw at tumihaya. Naisip ko na ngang magbilang ng tupa kung hindi lang nag-ring ang phone ko. 

Kunot-noong tiningnan ko iyon. Si Rerra, tumatawag. "Hello?" takang tanong ko. 

"Are you asleep?" 

Sumimangot ako. "Hindi nga, e. Can't sleep. Wala ka na bang chika? Facetime muna tayo. Pampaantok." Bumangon ako at saka nag-indian sit. 

"Go down," sabi niya sa halip na sagutin ang tanong ko. 

"Ha?" weird na tanong ko. "Bakit?" sabi ko pa pero bumaba naman ng kama. Ay leche iyan. 

"I'm outside your gate." 

Agad akong napahinto. Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?! Anong ginagawa mo riyan, uy?!"

Narinig ko ang pagtawa niya sa kabila. Aba't nakakaloka naman ang isang ito! 

"Just come out. You can't sleep, right?" 

Ngumuso ako. "Fine." 

Madaling lumabas ako ng kwarto at halos tumakbo na ako pababa. Parang tanga tuloy akong tumatakbo habang nakatapat ang cell phone ko sa tenga. Sobrang dilim na ng bahay at iyong mga ilaw na lang sa parking at garden ang nandoon. 

Naabutan ko pa sina Kuya Guard na nagkakape. "Ma'am, si Mr. Legaspi nasa labas po," sabi pa niya nang makita ako.

Nakagat ko na lang ang labi at saka lumabas na. Doon ko na ibinaba ang tawag. Nakapamulsa si Rerra at nakasandal sa Ferrari niya. 

"Anong trip mo?" sabi ko pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya. Ngumisi ang gago at walang paalam na hinila ako payakap sa kanya. 

Namilog ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. Naitukod ko pa ang dalawang kamay ko sa kanyang dibdib para hindi ako masyadong mapalapit pero shet! Feel na feel ko iyong pagdidikit  ng mga katawan namin!

Fermin Series #3: Playing Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon