Chapter 37

302 10 1
                                    

I usually spend my time sleeping lalo na pag long flights. But then for this one, ni hindi man lang magawang pumikit ng mga mata ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pagkarating ko roon. Ni hindi ko nga alam kung saan siya hahanapin o ano. Alam b ani Naga kung saan kami pupunta? Alam ba niya kung saan si Rerra? Leche ni di ko alam kung anong ginagawa niya ngayon! Pati hotel na pinagsi-stay-han hindi ko rin alam!

Buong biyahe ay iyon ang nasa isip ko. Gusto ko nga sanang tanungin si Naga kaya lang tulog na tulog iyong kapatid ko. Wala tuloy akong choice kundi maghintay na lang kahit na gusto ko na talagang tumalon na lang ng eroplano at dumating ng Madrid.

Damn. Ito na yata ang pinaka-impulsive na desisyong nagawa ko sa tanang buhay ko! Kakaloka! Hindi ko alam kung paano ako pinagpaalam ni Naga kina Mama at Papa. May business venture naman kasi talaga siya sa Madrid pala. Napapikit na lang ako. Gosh. I need to sleep! This is a 25-hour flight! Depende pa iyan kung walang magkaka-delay. Baka pagdating ko roon, bangag ako! Nakakaloka. Bumuga ako ng hininga at saka pinilit ang sariling makatulog. Alas-kwatro ng hapon kami umalis kanina kaya for sure bukas na kami magla-land.

Thankfully, nakatulog naman ako. Via Turkey kami kaya may seven hours na waiting kami sa Istanbul. From there, four hours and more pa-Madrid. Napagod na yata talaga ang katawan ko kaya tulog na tulog na ako. Ginising na lang ako ni Naga nang nag-land na kami.

"Welcome to Madrid, sis," nakangising sabi ng mokong sa akin.

Sumimangot ako. Ginulo niya ang buhok ko at hinila na ako roon. May sumundo sa amin sa airport. Ewan ko kung paano o saan kinuha ni Naga iyon. Ah basta, wala na akong pake roon. I just want to go to him already! Para na akong mahihimatay na ewan!

"Alam mo ba iyong hotel? Nasaan ba siya? Convention? Saan?" sunod-sunod kong tanong habang nasa Limo kami.

"Tsk. Yeah, yeah. Alam ko nga, okay. Will you chill? Hindi ka ba na-jet lag? Baka bangag ka pagharap mo kay Tigrerra.

Umirap ako. Mas lalo akong na-stress at napamasahe na lang sa ulo ko. Nakakaloka! I just want to get this over with!

"Chill out, Mins. Chill. Let's rest first. Mamaya pa naman iyon." Prenteng nagdekwatro siya ng upo. Ngumuso lang ako at napabuga lang ng hininga. I kept my eyes outside as we went to our hotel.

Wala rin naman akong choice kundi ang magpahinga kaya sinunod ko si Naga. Isang suite lang ang kinuha niya pero dalawang kwarto iyon. Halos isang oras din akong natulog bago ako nagising at nag-overthink na naman. Nakatanga lang ako sa overlooking ng city sa labas. Napalingon lang ako nang marinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Naga. Humihikab siyang lumabas doon at nagkakamot pa ng ulo.

"Hindi ka natulog?" tanong niya pa. Ngumuso ako tapos ay tumayo na.

"Hindi pa ba tayo aalis?" tanong ko pabalik sa halip na sagutin siya. Umirap lang siya sa akin.

"Chill out, okay? We'll go after we eat," sabi pa niya. Napairap na lang din ako. Wala rin naman akong magawa, so I did it his way. Kumain muna kami tapos nagpagwapo ang loko. Kainis. Parang pinapatagal lang ng magaling kong kapatid!

"Hindi ka naman masyadong excited," asar niya pa habang nag-aayos ng tie.

"Che! Kainis. Bilisan mo!" bwisit na sabi ko. Dinadaga na nga ang dibdib ko sa sobrang pag-o-overthink, e.

"Chill out! May lines ka na ba? Baka gusto mong turuan pa kita?" Ngumisi ang mokong. Sa inis at irita ko ay hinampas ko ang magaling kong kapatid.

"Kuya nga!"

"Wow! Himala, may kuya!" Tumawa siya. Sinamaan ko siya ng tingin. Humalukipkip ako at pabagsak na umupo sa couch. Nasa may gilid siya at nakaharap sa salamin. Bagal!

Fermin Series #3: Playing Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon