Chapter 15

264 6 0
                                    

Sobrang big deal ng naging opening ng Inter-Collegiate that week. Sabog na sabog ang notification ko sa Twitter at sa Facebook. Halos lahat yata ng nadadaanan ko sa feed ko ay tungkol sa opening. At dahil nga super talino ng mga pinoy, lahat ng nakikita sa opening ginagawan na naman ng kung ano-anong kalokohan. Napapairap na lang ako. 

Iyong group chat namin ng barkada ko ayun sabog din. Itong mga CEO - wannabes namin parang walang mga trabaho kung makapagyaya manood ng games, e. Si Airen lang naman nadagit nila kasi nga may duty kami ni Rose. 

Rose Lee:

Sunday lang kami ni Mina 

Lamina Fermin:

Yahhhh! 

Napailing ako at in-off na ang phone ko. Naramdaman ko pang nakatingin sa akin ang three idiots kong kasama. Tinaasan ko sila ng kilay.

“O? Bakit?” sabi ko pa. Tumawa si Mark at Briann na parang may nakakatawa. Napangiwi ako. “Hoy grabe na iyang tama niyo, pa-check up na!”  sabi ko pa. 

Wala kami masyadong ginagawa ngayon sa lab. Naghihitay na lang kami ng ipapagawa sa amin kaya nandito lang kami sa lab. Si Niccolo, busy sa ginagawa niyang hindi ko alam. Itong dalawa ay panay ang chika tapos maya-maya titingin sa akin. Mga walang magawa. Napailing na lang ako. Sabog pa rin ang cell phone ko at rinig na rinig ko ang vibration nito sa pants ko. Kukunin ko nga sana iyon nang biglang pumasok iyong superior namin ay may pinagawa na sa amin. 

Whole day kaming nasa lab lang. Minsan pinapalabas kami at inuutusan ng paperworks. It was just like the ordinary duty day naman. Nang mag-lunch, nasa canteen kami ng tatlo. Doon ko lang din nakita pa ang phone ko. 

Napairap na lang ako nang makita ang group chat namin na super sabog na naman. Nanood ng game sina Toffer at Ced. Si Helios naman ay susunod daw. Ay wow, parang walang mga trabaho,a. Itong si Toffer kasi, dakilang gala. Invest-invest lang ang loko tapos chill-chill na habang naghihintay ng mga returns ng investments niya. Sana all di ba. 

“Sali rin pala kayo sa Inter-collegiate?” tanong ko sa mga Clarke Boys.

Nag-angat ng tingin si Briann sa akin. “Dati kasali kami ni Mark.” Ngumisi pa siya tapos nag-appear sila ni Mark. 

“Baka umiyak yung school niyo pag nandoon ako,” yabang pa ni Mark.

Umirap ako.  “Luh, kapal mo bruh.”

Hindi naman sa pagmamayabang pero last seasons, university namin palaging top sa inter-college. Lalo na sa basketball noong hindi pa-graduate batch nina Ate Nia at Tyrone. Yabang talaga ng isang to. Napailing na lang ako. Nagtawanan pa ang mga mokong. Umirap lang ulit ako at saka binalik ang tingin sa phone ko. Kagat-kagat ko pa iyong sandwich ko habang nagso-scroll sa Facebook. 

Nag-first game na kahapon iyong Basketball Team namin against Enduren International. Player of the Game pa pala si Rerra. Luhh sana all talaga. Halos lahat ng affiliated pages ng campus iyon ang mga laman. May publication pa iyong school paper namin about it. Ngumuso ako at saka ni-chat siya. 

To: Tigrerra Legaspi

Naks! Grats, bro! POG o!

Ni-send ko iyon at saka bumalik na sa pag scroll. Sinulyapan ko pa iyong mga kasama ko na busy rin sa mga ginagawa nila. Nakita ko rin iyong pagkapanalo ng team namin sa Volleyball sa first game. Naks naman. 

Nag-type ako at ni-screenshot ang pa-congratulatory post school paper namin kay Vera. 

Lamina Fermin:

Congrats pips!

Ni-send ko iyon sa GC namin ng Volleyball team. Maya-maya pa ay nag-reply si Rerra sa akin.

Fermin Series #3: Playing Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon