Chapter 40

455 12 0
                                    

"I'm so sorry about this, Senyora, I'm really sorry," panay ang paghingi ng tawad ni Mrs. Valderama kay Abuela (oo, nakiki-abuela na ako). Nasa mansyon na kami ng may-ari ng lupaing iyon at napakalma na rin naman nila si Areena.

Gosh, she was really pregnant, alright. Buti na lang hindi na ako pumatol talaga kahit na bwisit na bwisit ako kanina. Napabuga ako ng hininga. Mas niyakap lang ako ni Rerra. Mula kanina ay hindi niya na ako binibitiwan. Hanggang sa makapasok nga kami rito sa bahay ay hindi siya lumalayo sa akin. Siya pa nga ang nag-ayos ng buhok ko na nasira lang naman ni Areena.

Nasa living room kami ngayon. Napapagitnaan namin ni Abuela si Rerra pero nakatuon lang siya sa akin. Nasa tapat naman namin si Mrs. Valderama. Si Areena at ang Papa niya ay nasa kotse na ata nila.

Narinig kong bumuntong-hininga si Abuela. Tiningnan ko pa si Rerra pero tahimik lang siya, nasa akin pa rin ang atensyon. I heaved a sigh. Kinuha ko ang kamay niya at pinisil iyon. Hindi siya sumagot.

"Well, you better control your daughter. I don't like the way she behaves around my grandson. And please, I hate violence." Dinig na dinig ko mariing boses ni Abuela. Nakagat ko ang aking labi. Nang tingnan ko si Mrs. Valderama ay kitang-kita ko ang mangiyak-ngiyak na niyang mga mata. Bumaling siya kay Rerra kay nag-iwas agada ko ng tingin. "Hijo, I'm very sorry. I'm very very sorry. You know Areena is just...hurt...I-I mean, umasa lang talaga siya. I'm sorry for the way she acted."

Tiningnan ko si Rerra. Hindi siya nagsasalita. Nakatungo lang siya habang hawak-hawak pa rin ang aking isang kamay. Binalot kami ng katahimikan. Ang awkward, promise. Buti na lang nagsalita ulit si Abuela.

"What's done is done. It would be better if you just go home. I don't want any other breakdown from your daughter today." Napatingin ulit ako sa lola ni Rerra. Nakatayo na siya, malditang nakatingin kay Mr. Valderama na mangiyak-ngiyak na. "I'll see about the proposal of your husband. For now, I just want to rest," Dahlia Legaspi said dismissively.

Oh gosh. Ang maldita talaga ng tanders na ito! Feeling ko maiiyak na iyong Mommy ni Areena, e. Ang cold magsalita! Shems. Di ko alam kung good news iyon sa akin? I mean, sis, pasok na ba ako sa banga or something? Charot. Pinagtatanggol ba ako ng future grandma ko? Shet! Charot ulit.

"Y-Yes, senyora...t-thank you," mautal-utal na sabi ni Mrs. Valderama at tumayo na rin.

Bumaling sa amin si Abuela kaya napaiwas agad ako ng tingin. "We should eat. We'll still check in for tonight," sabi pa nito. Napalunok ako at napatingin kay Rerra.

Bumuntong-hininga lang siya tapos ay tumango na rin. Tumayo siya at hinila ako. Nakita kong dinaluhan agad si Abuela ng may-ari ng lupain at bahay. Inalalayan siya nito papunta sa dining. No, you cannot blame me for being the scared out of hell. Sobrang dominating ng aura niya kasi. Nakakaloka, parang mas senyora pa siya kesa sa mismong may-ari ng bahay!

Ngumuso ako at tiningnan si Rerra. Nakatingin na siya noon sa mommy ni Areena. I was about to say something when he suddenly spoke.

"Just to make this clear, Tita. I have never been involved with your daughter. She's close to me, and I see her as a little sister, nothing more. I hope you help me let her understand that cause seriously, I've been doing everything that I can, but she kept on lashing out. Your daughter needs help, Tita, not toleration." Hindi na niya hinintay pang sumagot si Mrs. Valderama at hinila na ako paalis doon.

Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya habang hila-hila ako pasunod sa lola niya. I could feel the tension around him. Parang napuno na talaga siya at nasabi niya iyon. I could imagine the frustration, though. I mean, college pa lang magkasama na sila ni Areena, and I even witnessed her craziness towards him. Oh god. Himala nga at ngayon lang nag-snap si Rerra, e. I mean kung ako iyon, nako matagal na akong nainis.

Fermin Series #3: Playing Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon