Chapter 10

269 8 1
                                    

"I feel like may galit iyong isang nurse sa amin. I mean seriously? Kung nakakamatay lang ang tingin, Mins. I would’ve been dead na.” Umismid si Rose at saka sumipsip na sa frappe niya. Bored na ininom ko na lang din ang Java Frappe ko. 

Pumangalumbaba ako sa lamesa at hinintay siyang matapos sa pag-rant doon. Kung ano-anong mga pinagsasabi niya tungkol sa nararanasan ng group niya. She was talking about some nurses na maaarte raw tapos iyong iba rin niyang mga kasama ay medyo nakaka-grr ang ugali. Wala naman daw silang ginagawa pero kung tumingin parang ang laki ng kasalanan daw nila. Basta dami niyang issue. Buti na lang talaga at wala namang drama sa post ko. Halos kaming tatlo lang ng three musketeers ko ang magkasama, e. Kami-kami lang din nag-uusap. Guess swerte ako sa napabilang kong team. 

Ngumuso ako at kumuha sa slice ng chocolate cake na kasama sa order ko. Nasa Starbucks kami sa first floor ng mall. Linggo kaya chilling muna ang peg namin. Grabe naman kasi, no. Swamped ang Monday to Saturday namin, hindi lang sa OJT kundi pati na rin sa Seminar at iyong iilang subjects namin. Kakaloka. Gusto ko na lang talagang maging patatas. 

Wala si Vera at pagoda ang beauty niya, hindi na kinaya na magliwaliw. Sa kaso ko naman, maloloka na ako sa bahay kung panay lang ang tulog ko. Tsaka lumilipas ang utak ko sa mga gagawin ko pa sa school kaya mas nasi-stress na naman ako. Buti na lang nagyaya si Rerra na mag-mall kami at itong babaita na si Rose. May date daw kasi ang magaling niyang kapatid na si Airen kaya kami na lang magkasama. 

Ka-miss din infairness ang mga galaan namin ng barkada noon first few years ng college. Sina Airen, Ced at Toffer kasi ang mga promotor ng galaan kaya game na game kami. Ngayong graduate na sila at may mga trabaho na, bihira na lang talaga. Super good timing na naging bespren ko si Rerra. May nahihila na tuloy ako kapag nabo-bored. 

Speaking of sa lalaking iyon. 

Sumipsip muna ako sa frappe ko tapos ay tiningnan ang cell phone kong nasa gilid. Ngumuso ako at in-open iyon. May chika pa si Rose kaya hinayaan ko lang siya roon. Saktong pagkabukas ko ng phone nang bumungad sa akin ang message ni Rerra. 

From: Rerra L.

On my way. Have you picked a movie?

Umayos ako ng upo at saka ipinagkuros ang mga hita ko. Sumandal ako sa likod ng upuan. 

To: Rerra L.

Wala pa. Sa starbucks ako kasama si Rose. Text mo na lang ako pag nandito ka na. Meet tayo sa cinema. Ibinalik ko iyon sa lamesa tapos ay nag-angat na ng tingin. 

“Ugh, as in, ang annoying lang talaga!” rant pa ni Rose tapos umirap. Di ko na alam kung saan na itong babaeng ito, pero tumango lang ako at sumipsip na sa frappe ko. 

Bumuga siya ng hininga at nagkuros ng mga braso. “Anyway, saan ka pa after? It’s almost lunch na rin,” sabi niya pa. 

Bahagya kong nakagat ang labi tsaka tipid na ngumiti sa kanya. “Hmm movie. Magkikita kami ni Rerra.” Nagkibit-balikat ako. 

Nagbilang ako ng three seconds sa isip ko at viola! Agad na naningkit ang mga mata ni Rose. 

“Ahuh...Tigrerra...Really?” Umawang ang bibig niya at parang di makapaniwala sa sinabi ko. 

Kusang umikot na lang ang mga mata ko.

“Mukha mo parang tanga,” sabi ko at inilingan lang siya. Grabe! Ang iisyu talaga ng mga tao! Friends na naman family namin ever since, a! Anong nakakagulat na magkaibigan kami? Itong isang ito, parang si namin kaibigan si Sky. 

Iyong dalawang kuya talaga nila may kasalanan, e. For sure naman kung walang history iyong dalawa at kung di sila jowa ng dalawa ko ring kapatid, walang iisyu itong isang ito. Ay ewan. Kaloka sila. 

Fermin Series #3: Playing Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon