"Dinner or straight home?"
Ngumuso ako kay Rerra. "Straight home. Wala na akong planong mabulok sa traffic," sabi ko.
Tinawanan lang niya ako. Nilagpasan ko siya at tumuloy na sa kanyang kotse. Pagakasara ko ng pinto ay agad kong isinandal ang ulo sa likod. Inilagay ko ang tote bag ko sa may paanan at nagtanggal din ako ng sapatos para makahinga naman ang paa ko.
Pumikit ako. Narinig ko na lang ang pagsara ng kabilang pinto tapos naramdaman kong may nag-aayos ng seatbelt ko. Hindi na ako na ako nagreklamo pa at hinayaan na lang siya roon. Te, pagod na pagod na talaga ako. Gusto ko na lang din talagang humiga agad. Hindi ko alam kung ilang oras ang tinagal ng biyahe namin, basta pagkagising ko ay nasa tapat na kami ng gate namin. Nag-inat ako at saka tumingin kay Rerra.
"Gusto mong pumasok muna?" sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko.
Ngumiti lang siya at saka umiling na. "It's fine. Go ahead. Pagod na pagod ka na." Ginulo niya ang buhok ko. Ngumuso ako at tumango na rin.
"Bye! Salamat ulit!" Kumaway ako sa kanya. Dumiretso ako sa loob ng bahay pagkatapos. Humihikab pa nga ako habang naglalakad papunta sa hagdan. Nilingon ko ang dining namin at naghahanda pa sina Manang at iba pa naming mga kasambahay.
Siguro nasa office si Papa at Mama habang ang mga kapatid ko ay nasa mga mundo nila. Pagdating ko sa itaas nakita ko pa si Ate Nia na nasa may living room namin na kaharap ng terrace. Nakaupo lang siya sa sofa tapos nagla-laptop. Sinilip ko pa kung anong ginagawa niya pero agad din akong umiwas. Kasi naman umiikot ulo ko sa mga nakita kong numbers, ati! Kaloka!
Dumiretso na lang tuloy ako sa kwarto at hinayaan na lang siya roon. Tinapon ko iyong bag ko sa may sofa tapos ay pabagsak akong humilata sa kama. Tamad na inabot ko iyong remote ng aircon sa may bedside table at in-on iyon. Humikab ulit ako at saka pumikit. Hindi ko alam kung ilang minuto bago ako nakaidilip basta naalimpungatan na lang ako na may yumuyugyog na sa akin. Pagdilat ko naman nasa paanan ko na si Ate Nia, nakapamewang.
"Kain na tayo," sabi niya pa. Humikab lang ulit ako at saka nag-inat.
"Anong oras na, te?" sabi ko pagkabangon. Humikab pa ulit ako.
"Past seven. Tara na." Tumalikod na siya tapos ay lumabas ng kwarto ko. Ngumuso ako at saka tumayo na rin. Torn pa ako kung magbibihis pa o bababa na.
Well, gutom na rin naman ako tsaka medyo nakakatamad na rin kung ngayon pa ako magbibihis or what kaya dumiretso na rin ako sa ibaba.
"Hello, fam!" bati ko sa kanila sa dining.
"Hindi ka pa nagbibihis? Akala ko kanina ka pa dumating, Mina?" Si Mama.
Ngumuso lang ako at saka umupo na sa upuan ko.
"Nakatulog po ako, Ma kaya dumiretso na lang ako rito. Laters na ako magbibihis," sagot ko. Mama lead the prayer then kumain na kami.
Wala naman masyadon ganap sa dinner. As usual, si Papa at Ate Nia lang ang nag-uusap about business then kinukumusta kami.
"Pa, pag med school ko ba, condo na rin ako?" sabat ko pa nang magkatanungan na sila ni Merian about law school, since papasok sa law ang bunso namin. Naks, may abogado na sa pamilya if ever. May mag-aasikaso na ng mga controversies, char.
"Bakit pa kailangan kang mag-condo?"
Agad na sumimangot ako. "Pa, unfair! Nag-condo si Ate Wayven, pareho kami ng papasukan, no!" sabi ko pa. Tinawanan ako ng mahaderang bunso namin.
"Wala kang Kuya Drago to convince Papa, ate." Sinamaan ko ng tingin si Merian.
"May Rerra siya, though." sabat naman ni Daisy na agad kong pinanlakihan.
BINABASA MO ANG
Fermin Series #3: Playing Hearts (COMPLETE)
RomanceSeeing how dramatic the love lives of her two sisters and how love made her brother crazy, Lamina find it hard to take love and relationships seriously. Iisa lang naman ang gusto niya, ang maging chill. Ayaw na niyang makisabay pa sa ka-dramahan ng...