Chapter 8

252 10 1
                                    

“Ba’t parang zombie ka, te?” Agad kong sinamaan ng tingin si Merian sa sinabi niya. Kinagat niya naman ang labi para itago ang pagtawa. 

I groaned in frustration. Nasapo ko ang aking ulo at saka sumubsob na lang sa lamesa. 

“Lamina, nasa harap ka ng pagkain,” agad naman sita ni Mama. 

Napanguso ako at tamad na umayos ng upo. Nakakaloka naman kasi feel na feel ko iyong eye bags ko tapos ang hapdi pa ng mata ko, sis. Jusko, ha. Wala pa kaming ginawa talaga last week kundi mag orient at ayusin ang mga dapat naming ayusin for our OJT tapos iyong Thesis na rin namin pero, shems, pagoda na pagoda ang katawan ko. Para tuloyng wala ako sa kondisyon ngayon, e ngayon pa naman talaga ang start ng laban. 

It’s Monday, so sa school ako ngayon para sa Thesis ko at isa ko pang subject. Bukas hanggang Friday ang OJT ko, meaning sa Clarke Hospital ako mamamalagi then sa Saturday naman iyong seminar namin which is sa campus pa rin. 

"Sige na, kumain na kayo. Si Wayven ba hindi pa bumaba?" Rinig kong tanong ni Mama. 

Inabot ko iyong rice tapos ay kumuha ako ng hotdog at ham. Heavy breakfast ang peg ko ngayong mga araw na ito dahil sa nakakaloka kong schedule. 

“Kanina pa po yata umalis, Ma,” sabi pa ni Merian. Natigil sa ere ang pagsubo po ng kanin.

“E? Ang aga pa kaya!” sabi ko at saka tiningnan ang relo ko kasi baka naduling na ako at late na pala ako. Jusko. 

Pero seven AM pa naman talaga. Anong oras gumising si Ate?

“Ayaw niyang ma-late. Last time muntik na raw siya ma-late. Sinundo siya ni Kuya Drago kanina.”

Ngumiwi ako at nagkibit-balikat na lang din. Stress na stress na siguro iyong si Ate Wayven sa biyahe. Hindi kasi talaga siya pinayagan ni Papa na mag-condo. Mag-iilang buwan na niyang kino-convince si Papa na mag-ko-condo na siya. Ay ewan ko. Mabilis ko na lang kinain ang pagkain ko tapos ay nagpabalot din ako ng ham at egg sandwich kay manang. Dalawa lang naman class ko ngayon 

I was just looking at my phone as I left our service. Tini-text ko si Rose kung nasa classroom na ba namin siya. Nag-reply naman siya ng oo kaya ngumuso ako at saka naglakad na ulit. Feeling ko para akong bangag habang naglalakad papunta sa classroom namin. Kaloka. Inaantok pa talaga ako. Burnout na burnout na ang mga braincells ko at gusto ko na lang humilata sa kama ko at matulog. Bumuga ako ng hininga at tamad na pumasok ng classroom namin. Dumiretso ako kina Rose at Vera.

“Kasali ka na sa walking dead, Mins?” Agad kong sinamaan ng tingin si Vera. 

“Wag kang mang-asar, inaantok pa ako.”

Sumalampak ako sa upuang nasa kanyang tabi. Lord, sana matapos na itong araw na ito. Gosh. Sa hospital na nga pala ako bukas. Grabe naman, kafo-fourth year ko lang, e! Clinical Lab Management ang subject namin ngayon tapos mamayang hapon naman ang thesis namin. Halos isubsob ko na lang ang mukha ko sa lamesa habang nagti-take notes kuno. Buti na lang at di naman terror iyong professor namin at sa likod kami nakapwesto kaya hindi naman kami napagalitan. 

Para kaming mga lantang gulay pagkatapos ng lecture na iyon. Umangkla ako kay Rose habang palabas kami ng classroom. Nasa gilid ko si Vera na panay ang tingin sa kanyang cell phone. Humikab pa siya. 

“We barely have an hour before Thesis guys, saan tayo mag-lunch?”

Nagkibit-balikat ako. “Kahit saan basta makakakain at makakatulog tayo after.”

Narinig kong umungot ang dalawa. Umirap lang ako. Sa huli, si Rose ang nag-decide sa isang business ad building na cafeteria kami kumain. Ayaw na raw nila lumabas, e. Tsaka iyon ang pinakamalapit sa building namin na wala pa masyadong students. 

Fermin Series #3: Playing Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon