"Let's go na, Ced, ang tagal!" inis na inis na sabi na ni Airen sa magaling niyang boyfriend na hindi pa yata tapos makipagchikahan sa ibang mga kasamahan nila. Nasa arena pa rin kami kasi hindi pa sila tapos sa pagka-catch up nila. Grabe, ang tagal mga bhie! Gusto ko na kayang kumain. Kanina pa kumakalam ang bituka ko.
Bumuga ako ng hininga at ikinalat ang tingin ko sa buong arena. Ang dami pa rin kasing tao, as in. Iyong mga players, nasa dugout na pero iyong audience at ibang mga students nandito pa rin. Gaya noong mga kaibigan ko na hindi na yata matatapos sa pagkukumustahan. Busangot na nga ang mukha ni Airen kasi kanina niya pa tinatawag iyong tatlo.
"Airen's pissed as fuck." Dinig kong sabi ng kung sino sa likuran ko.
Kumunot ang noo ko at nakita ko si Drago Legaspi na nakatayo malapit sa akin na nagda-dial ng cell phone. Ngumuso ako.
"Si Ate raw, exact 5 mo sunduin," sabi ko pa na sure akong narinig niya naman. Tipid na lumingon siya sa akin at saka tumango. Inilagay niya na sa tapat ng tenga ang cell phone.
"Kindly tell Rerra to answer abuela's call," balik niya pa sa akin kaya napakunot ang noo ko.
"Ha?" weird na tanong ko kasi, hello? Bakit ako ang uutusan niya?
"Just tell him," sabi niya ulit at saka ako tinalikuran. Narinig ko pa ang pagtawag niya ng 'babe' sa katawag niya na sure akong si Ate Wayven. Kasi kung hindi, lagot siya kay Naga na naman.
Hay nako, ang gulo nila. Gulo lang talaga ang love life, e.
"Mina, let's go na!" Agad akong napatingin kay Airen.
"O, tapos na ang chika?" tanong ko pa. Umirap lang si gaga. Tinawanan ko siya at inakbayan.
Madilim na nang lumabas kami ng arena. Ang aga naman namin kung pupunta agad kaming bar kaya nag-mall muna kami para kumain. At dahil may dress code pala sa The Ledge ngayon, ayun napabili kami ng outfit. Sinuot na rin naman iyon paglabas ng mall.
Iyong mga suot namin kanina sa sasakyan na lang namin iiwan. I was wearing a halter black fitted dress na plain. Two inches above the knee yata ang haba noon tapos stiletto na three inches. Lahat ng suot ko bago pwera sa bangles ko na buti naman at bumagay. Ayoko talagang nagmi-make up kaya dark lipstick lang ang nilagay ko tapos pulbo habang sina Rose at Airen may pa-smokey eyes pa. Ginawa lang naman nilang parlor iyong sasakyan ni Ced after namin mamili. Napanguso na lang ako habang tinitingnan ang mga resibo ng pinamili ko. Nasa second seat ang dalawang babaita at nasa front seat ako. Nasa parking lot kami ng mall habang iyong tatlong lalaki nasa loob pa.
Sana pala nagdala na lang ako ng damit di ba? Daming gastos. Patay na naman ako kay Papa pag dumating ang bill ng credit card. Di ako nagde-debit pag shopping kasi wala akong debit na panggastos. Savings ko iyon at emergency purposes. Kaloka. Agreement kasi namin ni papa na siya magbabayad ng credit card ko hanggang sa maka-graduate ako ng college. Wala, kuripot ang ate niyo.
"Ced!"
Agad akong napalingon nang marinig ang tili ni Airen. Nakita ko iyong tatlong lalaki sa labas at sinisilip na kami. Maya-maya pa ay bumukas na iyong pinto ng second seat.
"Seriously? Di pa kayo tapos?" reklamo ni Ced.
"Tapos na ako!" Tinaas ko pa kamay ko.
Nakapamulsa si Helios sa likod ni Ced at si Toffer naman may katawagan.
"Wait nga lang, pwede?" Umirap si Airen. Wala namang nagawa ang jowa niya at napakamot na lang ng ulo.
Natawa ako. Under yarn. Inilingan ko na lang sila at binalikan ang expenses ko ngayon araw. Hay nako, Lamina!
BINABASA MO ANG
Fermin Series #3: Playing Hearts (COMPLETE)
RomanceSeeing how dramatic the love lives of her two sisters and how love made her brother crazy, Lamina find it hard to take love and relationships seriously. Iisa lang naman ang gusto niya, ang maging chill. Ayaw na niyang makisabay pa sa ka-dramahan ng...