"You're weird."
"Huh?" Tinaasan ko ng kilay si Niccolas.
Umirap siya. "You're weirdly silent," aniya pa.
Ngumuso ako. Honestly, hindi ko na alam kung pang-ilang comment na ganyan na ang naririnig ko simula noong bumalik ako noong Christmas Break. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. It's like I'm in no mood para sa lahat. Gusto ko lang ng tahimik at palagi akong wala sa mood makipag-usap.
That's very unusual kasi sobrang ingay ko kaya. Ewan ko. Simula noong bumalik kami ng Manila at hindi na kami nagkakausap ni Rerra, ganoon na. Yep, di na kami nag-uusap. Sinusundo niya pa rin ako, though. Hindi ko nga alam kung bakit ganoon pa rin, e, hindi na rin naman kami nag-uusap. Para akong mahihimatay sa sobrang awkward. Hindi ko nga alam kung ako lang ba iyong nagtitiis o siya rin. Pero kasi he seems normal naman. Parang walang nangyari kahit na weirdly hindi kami nag-uusap every time nagkikita kami.
Ah basta! Ang weird at ang awkward. Ugh. Ito na nga ba ang sinasabi ko, e!
"I think something happened in your vacation," biglang sabi ni Niccolo. Nakatalikod siya sa akin pero alam kong ako ang sinabihan niya. Kami lang naman kasi ang tao rito sa lab at inutusan sina Brian at Mark.
Ngumuso lang ako. Hindi ako sumagot.
"Hmm. Fishy, Mins. Fishy," sabi niya pa. Sumimangot ako.
"Chismoso ka talaga." Inirapan ko siya at iniwan na roon. Narinig ko pa ang tawa ng mokong. Hay nako.
Buong araw ay focus lang ako sa OJT. I really tried hard not to think about anything other than my tasks kasi mas nag-iisip lang ako at naloloka lang din ako.
Nang matapos ang duty ay halos lantang gulay na akong lumabas ng hospital. I badly want to go home and just sleep. Iyon na lang din palagi ang routine ko.
Ewan it's really not the same anymore. Ugh. Kainis. Dapat talaga di ko na iniisip iyon, e. Erase na, Mina. Erase.
"Hey, sunduin ka ba o hatid ka na namin?" si Brian na bigla na lang sumulpot sa tabi ko. Nasa labas kami ng hospital.
Ito ang palaging pinaghihintayan ko kay Rerra. I knew I should've just asked him not to pick me up anymore. I should've just avoided him, pero kasi parang di ko kaya? I mean, I wanted us to still be friends and I know it's selfish pero sayang, e. Sayang kung iiwas na agad ako dahil lang nagtapat siya.
Now, this is why I don't like relationships. It affects everything! Nakakainis. Now, I'm contemplating whether I should just really avoid him already. Pero hindi niya naman sinabi. Hindi rin naman siya umiiwas. Sadyang tahimik lang kami pag magkasama. Normal siyang kumikilos pero awkward pa rin talaga.
Gosh ang gulo.
Baka pag sinabi na niyang lumayo ako, lalayo na ako? Or ako na lang ba? God. I freaking hate this!
"Hoy, tulala ka na naman."
Sinamaan ko ng tingin si Mark. Agad naman siyang nagtaas ng kamay tapos ngumisi. Umirap ako. I was about to answer but a black Mercedes Benz parked in front of us. Nakita ko agad si Rerra nang bumaba ang bintana ng front seat.
Napalunok pa ako at saka natatarantang nagpaalam sa dalawa.
"Bye!" pahabol ko at halos tinakbo na ang sasakyan. Nagmamadaling sumakay ako sa front seat.
Napabuga pa ako ng hininga at isinandal ang likod ko sa backrest.
"Uhm tara na." Nakagat ko ang aking labi. Damn it I hate this atmosphere!
"Okay. You wanna eat somewhere?"
Para akong natuod sa narinig. Napalunok pa ako at agad na napatingin sa kanya. Seryosong nakatingin pa rin siya sa harapan. Yumuko lang ako at bumuntong-hininga na. Akala ko makakaya ko iyong katahimikan pero habang tumatagal ay hindi.
BINABASA MO ANG
Fermin Series #3: Playing Hearts (COMPLETE)
RomanceSeeing how dramatic the love lives of her two sisters and how love made her brother crazy, Lamina find it hard to take love and relationships seriously. Iisa lang naman ang gusto niya, ang maging chill. Ayaw na niyang makisabay pa sa ka-dramahan ng...