"Lamina, ito na ang baon mo. Mag-iingat ka roon okay? And please, hija, wag mo na namang pasakitin ang ulo ng coach mo. Nakakarating iyan sa papa mo."
Agad akong ngumuso nang marinig iyon kay Mama.
"Grabe, sumasakit din naman ulo ko kau Minchin, pa." Lumingon ako kay papa. Nakita ko pan umiling lang ang ama ko.
Sumbungerang Miss Minchin iyon, a. Tsk.
"Just behave in there, Mina," sabi pa ni papa.
Umawang naman ang labi ko at napahawak pa ako sa aking dibdib.
"Grabe, a! Para talagang ang pasaway ko ha!" sabi ko pero tiningnan lang ako ni papa na para bang sinasabing talagang pasaway ako.
Napairap na lang ako. Grabe ha! Hmp.
"Sige na, ma. Male-late na ako sa call time," sabi ko na lang at sinukbit na ang backpack ko.
Humalik lang ako sa pisngi ng parentals tapos ay nagmamadaling umalis na. Actually, late na talaga ako pero kiber ko. Alam kong hindi lang ako ang late no. At saka, asa naman akong aalis kami agad. Filipino time din yung mga yun, e.
Napailing na lang ako at saka sumalampak ng upo sa backseat ng family van namin.
"Tara na manong!" sabi ko pagkasara ko ng pinto.
Isinandal ko na rin ang ulo ko sa backrest tapos ay ipinikit ang aking mga mata. Sa Fermin University kami magkikita tapos may dalawang van lang na susundo sa amin papuntang venue. Hindi ko alam kung saan kami actually. Either hindi sinabi or di ko lang talaga narinig .
Well, whatever.
Ilang minuto lang ay nakarating na rin naman kami ng campus. Hindi ko na pinapasok si manong sa parking at nagpa-drop na lang ako sa may gate.
"Thank you po!" sabi ko pagkakuha ko ng luggage ko.
Isang malaking maleta at iyong tote bag ko na Dior lang ang dala ko para dire-diretso lang din ako sa paglagay ng gamit.
"Hi, manong!" Kumaway ako sa guard pagkapasok ko.
Nasa kaliwang kamay ko nakasabit ang tote ko at sa kabila ko naman ay ang trolly ko. Dumiretso ako sa may field kung saan kami dapat magmi-meet. Pagkarating ko roon ay nakita ko na rin ang dalawang van na nakaparada sa gitna. Yung mga athletes ay nagsipasukan na rin doon.
"Morning!" sabi ko nang makalapit ako. Agad na kinuha ng driver yata ng van yung trolly ko.
Agad namang lumingon si Miss Minchin sa akin at tinaasan na naman ako ng tingin. Grabe siya. Maagang maaga pero yung vibes ha, pahapon na.
"You're late again, Fermin,"mariing sabi niya pa.
Ngumiti lang ako at saka nag-peace sign.
"Traffic po. Sige!" Sumunod na ako sa mga team mates ko. Narinig ko na lang ang inis na pagbuntong-hininga ni Miss Minchin.
Nakagat ko na lang ang aking labi para pigilan ang pagtawa. For sure namumula na naman ang mukha ni Miss Minchin. Napailing na lang ako at sinundot si Vera para bilisan. Ang bagal kasi.
"Mina naman!" reklamo niya pa. Umirap lang ako.
"Bilis kasi, te!" sabi ko. Umirap lang din ang gaga. Umupo siya sa pinakalikuran. Pumasok naman ako. "Usog ka," sabi ko pa.
"Shet, te wala ng space!" sabi pa ni Vera. Agad kong tiningnan ang buong van. The freak?
"Para sa whole team tong van, di tayo kasya? Usog kasi, te! Wag bumukaka!" Tinapik ko yung hita ni Vera. Inirapan pa niya ako pero umusog din naman.
BINABASA MO ANG
Fermin Series #3: Playing Hearts (COMPLETE)
RomanceSeeing how dramatic the love lives of her two sisters and how love made her brother crazy, Lamina find it hard to take love and relationships seriously. Iisa lang naman ang gusto niya, ang maging chill. Ayaw na niyang makisabay pa sa ka-dramahan ng...