"Girls, double time! Ano ba naman iyan! Faster!"
Tinakpan ko ang aking bibiga para itago ang paghikab ko. Baka mapagalitan na naman ako ni Minchin. Padarag akong bumangon at saka dumiretso sa banyo ng kwarto namin. Dire-diretso nga sana ako sa shower room kung di lang sumigaw si Mira sa loob.
"Sorry!" sabi ko na lang tapos ay sumandal sa gilid ng shower room. Sakto namang lumabas si Vera sa cubicle na katabi ng shower room.
"Te, gulat naman ako sa'yo!" sabi pa niya. Umirap lang ako at isinandal ang ulo ko sa sinasandigan ko.
Humikab ulit ako. Nakita ko naman si Vera na naghuhugas ng kamay sa sink na nasa tapat ko.
"Antok na antok ka pa, a," sabi niya pa. Humikab ulit ako at saka tumango na lang.
"Ang tagal ko nakatulog kagabi. Anong oras na ba?"
"Mag-aalas-otso na, sis. Galit na naman po si Miss Michie at ang tagal daw nating bumangon."
Umirap lang ako doon. Whatever.
"Tapos ka na maligo?" tanong ko na lang kay Vera. Tumango naman siya. "Kaninang alas-sais pa ako tapos, no. Grabe naman kasi kayo, antok na antok pa. Bakit kasi ang tagal mo namang natulog?"
Ngumuso ako. "As if kasalanan kong hindi ako agad dinalaw ng antok, no. E, sa night owl talaga ako," sagot ko pa.
Hindi na siya sumagot. Sakto namang lumabas na rin sa shower room si Mira kaya sumunod na rin ako. Mabilis lang akong naligo tapos ay nagbihis na rin agad. Ayoko nang inisin si Minchin kaya sobrang bilis na ng kilos ko. Nag-settle ako sa isang black na leggings at isang gray na loose shirt. Nag-high ponytail lang din ako tapos nagheaband ng LV Scarf. Trip ko talagang ginagawang headband iyong mga scarf na binibigay ni Tita Elvira. Pinapagalitan nga niya ako kasi ang mahal daw ng mga scarf at branded tapos ginagawa ko lang ganoon. Alangan namang mag-scarf ako rito, e, ang init-init ng Pilipinas, hello.
Nang matapos na ako at tiningnan ko pa for the last time ang sarili ko sa may salamin namin sa kwarto. Naka-Nike ako na black para ternohan ang outfit ko.
"Mina, tara na!" Umirap ako at saka lumabas na rin ng kwarto.
"Ito na!" sabi ko kay Vera at saka kami bumaba na.
Saktong pagbaba namin ay ang pagbaba rin nina Rerra at ang mga kaibigan niya. Agad na bumati ang mga ito sa amin. Kumaway pa si Rerra kaya kinawayan ko lang din siya pabalik. Dumiretso kami sa dining area at nag-breakfast na muna kami. May pa-orientation pa si Minchin tungkol sa gagawin namin.
Magkahiwalay ang volleyball at basketball dahil hindi naman kami pareho ng drills at team building. Nang matapos ang breakfast namin ay nagsipuntahan na kami sa mga team namin. Nasa magkabilang dako kami ng beach front. Bukod kay Minchin ay nandoon din ang ibang mga coaches namin.
"Okay, girls, this is the time to strengthen our team work together. Sa team building na ito, mas palalakasin natin ang ating samahan. We are a team, we are Elites!"
"Elites!" sabay-sabay na sabi namin pagkatapos ng huddle.
After that, nagsimula na rin kami sa laro. Hinati kami sa dalawang grupo at ang goal namin ay lagpasan ang mga obstacles na nakahanda para sa amin. Masaya naman siya. Nakaka-refresh din. Para na rin kaming nag-eexercise at nagti-training dito pero mas masaya ito kasi parang adventure. Umabot pa kami sa garden part sa taas ng obstacles namin. Ang mananalo raw may premyo.
Hindi naman ganoon ka-bongga pero competitive kami ng team ko kaya syempre di kami nagpatalo.
"Go! Go! Go!" cheer pa namin ni Vera sa mga ka-team naming gumagapang sa lupa para makatawid sa second to the last obstacle.
BINABASA MO ANG
Fermin Series #3: Playing Hearts (COMPLETE)
RomanceSeeing how dramatic the love lives of her two sisters and how love made her brother crazy, Lamina find it hard to take love and relationships seriously. Iisa lang naman ang gusto niya, ang maging chill. Ayaw na niyang makisabay pa sa ka-dramahan ng...