Prologue

953 14 1
                                    

Agad akong napangiwi nang makakita ng mga naglalampungang mga magjowa sa field. 

"Hoy, Mina. Iyang mata mo na naman umiikot," sita ni Rose. Tinawanan ko lang siya.

"Oo nga, Mina. Why so bitter?" hirit naman ni Airen. Umirap ako. 

"Hindi naman ako bitter, guys. Sadyang naka-reality check lang ako. Pustahan tayo, ha. Iyang mga naglalampungang iyan," tinuro ko iyong mga nasa field na halos magkakapalit na ang mga mukha, "magkakahiwalay din iyan. Hmm give it two to three months." 

Nagkibit-balikat ako. Sabay na umirap ang dalawa. Napailing na lang ako. I cannot blame them naman kung ganyan ang reaksyon nila. Siguro nga basag trip ako sa mga pantasya nila. 

But it's not being bitter, really. Reality check lang naman kasi di ba? Fairytales are fiction. Hindi naman nangyayari ang mga happily ever after sa totoon buhay. Iyong mga kapatid ko nga ngayon, ayun sa una lang naman naging masaya. Noong lumaon ay naging problemado rin sa lovelife. Ang dami na nga naming problema, sasali pa ba ako sa kanila na namo-mroblema sa lovelife? Dobleng sakit iyan ng ulo. 

Kaya ako? Nah. I'd rather die alone,really. 

Napailing ako at sinikop ang mga gamit ko. 

"Hey, I'll go ahead na. May practice pa ako sa volleyball," paalam ko sa kanila. 

Kaming tatlo na lang palaging magkasama kasi graduate na naman si Toffer at Ate Nia. Sina Ced at Helios naman tsaka si Ate Wayven 4th year na at marami nang pinagkakaabalahan. 

I'm on my third year kaya kailangan kumayod. Medyo mahirap kasi sakit sa ulo ang mga prof namin at may varsity pa na parang si Miss Minchin ang coach, pero keri lang naman. Kinakaya para sa ekonomiya. 

Dumiretso muna ako ng locker room para ilagay ang mga libro ko at kunin ang gym bag ko. Magbibihis na rin ako ng pang-volleyball. 

Kasi naman bakit may uniform pa kami e samantalang iyong ibang courses wala. Sinabi ko na iyon kay Tita Elvira, ng nag-ma-manage nitong school pero wapakels naman. Lumipad nga sa Venezuela, e. 

"Mina, dalian mo diyan! Galit na si coach!" Umirap ako. 

"Oo na! Nagmamadali? May lakad ba siya?!" inis na sigaw ko. Kainis talaga iyong Miss Minchin na iyon. 

Mabilis kong itinali ang aking sintas tapos ay sinukbit ang aking gym bag at patakbong lumabas ng locker. 

Pagdating ko sa gym ay nakahilera na ang mga teammates ko. Pati nga mga basketball players ay nandoon din. 

Tumigil ako sa pagtakbo. Kunot noong pumasok ako sa gym. Sinenyasan pa ako ng isa kong teammate na magdahan-dahan sa pagpasok. 

Umirap ako at sa halip na magdahan dahan ay rumampa pa ako papunta sa kanila. 

"Fermin!" Ayan na si Miss Minchin!

"Coach!" Nilaparan ko ang aking ngiti at agad na lumapit sa kanila. 

"Late ka na naman, Fermin!" sigaw na naman niya. Napakamot na lang ako sa aking buhok. 

"Ilang beses ka na bang nali-late?!" gigil na gigil na naman si Miss Minchin. 

Huminga ako nang malalim at plastic na ngumiti kay Minchin. 

"Coach, mamaya niyo na ako pagalitan! Kita mo naman o, naghihintay sila! Tsaka, hello! Ayan nagkaka-wrinkles ka na kakasermon mo sa akin. Ano ba kasing announcement?" Ipinagkuros ko ang aking mga braso at itinaas baba ang aking mga kilay. Agad namang bumuga ng hininga si Miss Minchin at kinalmas ang haggard niyang face. 

Fermin Series #3: Playing Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon