"Hey, how are you, hmm," bati ni Rerra sa akin nang sunduin niya ako sa harap ng Clarke. Nguso lang ang sinagot ko sa kanya at yumakap lang ako. "You look so tired," sabi niya pa. Mahinang tumango lang ako. Mas hinapit niya ako ng yakap. Inayos niya pa ang buhok ko kasi sobrang gulo na noon at sure akong mukha na akong bruha.
Nakagat ko ang aking labi. "Gusto ko ng macaroni," sabi ko sa kanya. Ewan ko rin kung anong pumasok sa isip ko pero gusto ko ng sabaw.
"Hmm. Okay. We'll get some," sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. Hinila na niya ako papasok sa kotse niya. Iyong pulang Ferrari ang gamit niya. Naalala ko tuloy iyong una kong sakay papunta sa camp noon. Grabe, tagal na pala noon. And who would actually thought that we'd end up together. Gosh, ang weird ng buhay.
Sumakay ako roon. Umikot naman siya sa kabila. "Where to?" tanong niya.
Ngumuso ako. "Usual. Ayokong ma-stuck sa traffic. May exam ako bukas," nakasimangot kong sabi. All-nighters na naman ang peg ko ngayon. At iyong usual na kinakainan namin ay sa restaurant nila sa baba ng building namin.
"Hmm okay. You want me to be with you?" tanong niya pa. Minsan kasi sinasamahan niya akong mag-aral. He would just do his business thing habang ako nagha-highlight o nagbabasa. Parang sina Ate Wayven at Drago lang na ganoon din ginagawa minsan. Kulang na nga lang doon sa unit namin matulog itong magkapatid, e.
"Wag na, alam kong may meeting ka pa bukas. You need sleep," sabi ko.
Tiningnan niya ako. Ngumuso naman ako sa kanya at tumango. Ngumisi siya at ginulo ang buhok ko.
"Okay." Pinaandar na niya ang sasakyan.
Isinandal ko ang ulo sa headrest ng sasakyan at saka pumikit. Ilang minuto lang ay pumarada na rin siya sa basement ng building. Tumawag na siya kanina sa chef nila kaya pagdating namin ay may table na kami at naghahanda na rin daw ng pagkain namin. Umupo na kami roon. Humikab pa ako at inayos ang parang bruha ko ng buhok. Nasa tapat ko si Rerra at nakatingin lang sa akin. Pumangalumbaba ako. I felt him staring at me. Nakatulala lang din ako roon.
Pagoda na talaga ako, sis.
"Mins," tawag niya pa.
"Hmm?"
Hindi siya agad nagsalita pero ramdam ko ang titig niya sa akin. Tiningnan ko siya.
"Ano?" tanong ko. Saglit siyang bumuntong-hininga tapos ay kinagat ang kanyang labi.
"Abuela wants to meet you..."
Parang nawala ang pagod ko sa katawan at nabalutan iyon ng gulat.
"Ha?!" Muntik na akong masubsob sa lamesa sa sobrang gulat.
Rerra chuckled. "What? Why so shocked? And what's with the face?" natatawang tanong niya pa.
Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya.
"Anong what's with the face! Oh my gosh! Lola mo?! Si Dahlia Legaspi?! Lola mo yun! Tiger lola! Oh my gosh!" Nasapo ko ang aking bibig.
Shete, seryoso ba?! Seryoso talaga siya?! Nakakaloka! Hindi pa ako ready ma -meet iyong abuela niya bilang girlfriend niya, nakakaloka! Shems! Agad na nag-panic ang buong sistema ko. Kasi naman, sis! Nakakaloka! Oh my gosh!
Natawa lang siya at umiling na.
"So, what scares you more? Abuela or relationship?" nakangising sabi niya.
Ngumuso ako.
"Abuela mo, syempre..." mahinang sabi ko.
Mas tinawanan lang ako ng loko. Sinamaan ko nga ng tingin. Ayan, nang-aasar pa, e!
BINABASA MO ANG
Fermin Series #3: Playing Hearts (COMPLETE)
RomansaSeeing how dramatic the love lives of her two sisters and how love made her brother crazy, Lamina find it hard to take love and relationships seriously. Iisa lang naman ang gusto niya, ang maging chill. Ayaw na niyang makisabay pa sa ka-dramahan ng...