Chapter 5

290 7 0
                                    

Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa pa-speaker nina Minchin doon. Hindi na kasi kami bumalik ni Rerra roon. Naghintay na lang kami ng lunch bago kami bumalik sa bahay. Sobrang relaxing talaga iyong hangin sa tabi ng dagat kaya ang ending tuloy ay nakaidlip ako. Nagising na lang ako na nakahilig na ako sa braso niya.

"You okay?" tanong niya pa noong nag-stretching na ako at medyo gising na.

Umayos ako ng upo at saka humikab ulit. Nilingon ko si Rerra. "Nakatulog pala ako. Ba't di moa ko ginising?" tanong ko sa kanya.

Nagkibit-balikat lang siya. "You were asleep, and I was enjoying the waves." Tiningnan niya ako tapos inilahad niya ang kanyang kamay. "Let's go, it's lunch," sabi niya pa at nauna nang bumaba ng bato na kinauupuan namin. Tinanggap ko iyong kamay niya at tinulungan nga niya akong bumaba. Dahan-dahan pa kaming dalawa sa pagpasok papunta sa bahay. Sakto namang pagkapasok namin ay ang paglabas din nila papunta sa dining kaya nakisali na lang kami sa agos ng mga tao.

Agad na sumalubong sa amin ang mga nanlalaking mata ni Vera na agad umangkla sa akin at nilalayo ako kay Rerra. Sinimangutan ko naman siya.

"Oh, bakit?" tanong ko pa. Pinaningkitan niya ako ng mga mata tapos ay sinundot pa sa tagiliran.

"Ano yern, te? Alam kong hindi niyo tinapos iyong pa-seminar dahil bigla na lang kayong naglaho sa likod. Ano, nag-date kayo?" Nanlaki ang mga mata ng loka. Inismiran ko lang siya at inirapan siya.

"Gaga, hindi ko na kinaya ang ka-boring-an doon kaya pumunta kaming dalampasigan para magpahangin. Di kami nag-date at walang nangyari," sabi ko.

Tumigil kami sa paglalakad tapos ay tiningnan niya ako, singkit na singkit na ang mga mata ng loka.

"Bakit ang defensive mo?" nagdududang tanong niya pa.

Umirap lang ulit ako. "Alam ko kasi ang hilatsa ng bituka mo. Tsaka naglalampungan kayo ni Niko kanina, paano namin kayo aayain? Edi nakita tayo. Ewan ko sa'yo." Iniwan ko na siya roon at nagtuloy na ako sa dining.

Kasi naman, kumakalam na ang sikmura ko!

Narinig ko na lang si Vera na sumigaw at tinawag ako. Di ko siya pinansin. Ilang segundo lang din naman ay nasa tabi ko na ang loka. Pumwesto na kami sa lamesa namin. Magkatabi kami ni Rerra as usual kaya iyong mga bebe girls namin sa tapat ay todo titig na naman. Siniko ko siya.

"What?" tanong niya pa at kinunutan ako ng noo.

Nagkibit-balikat lang ako tapos ay nginuso ang lamesa ng mga bebe girls. "Wala naman, iyong mga bebe girls lang parang kakainin na ako ng buhay." Ngumisi ako.

Inirapan niya lang ako tapos ay inilingan. Mas nginisihan ko pa siya. Bumaling na lang ako kina Vera para hindi na masaktan iyong mga bebe girls.

Sobrang bilis ng naging takbo ng mga araw. Well, ganoon talaga siguro kapag busy kami. After kasi ng pa-seminar nina Minchin ay balik na kami sa mga pa-activities. Nag-wate activities kami kinabukasan noon tapos noong mga sumunod na araw ay ibang land activities naman at mga workout. May pa-exhibition pa nga kami ng Seniors vs. Juniors. Hindi kami magkasama ng basketball team kasi may mga sarili silang activities. May mga times na pinagsasama-sama kami nina Coach at Minchin pero di naman ako nakikisali. Ang iingay kasi ng mga loko saka hindi ako marunong mag-basketball at ayokong makipagbasketball sa kanila.

It's the last day of the team building at iba naman ang trip nina Minchin at coach ngayon. Camping yata ang peg namin sa last night namin dito. Di naman talaga literal na camping ang everything since di naman kami mag-ti-tent naman. Bale, kami lang ang magluluto ng mga kakainin namin the whole day at sa dalampasigan kami tumambay. Maaga pa lang ay nandito na kami para maghanda ng breakfast namin. Luckily ay pinayagan naman kaming mag sanib-pwersa sa mga basketball players at as one naman daw kami. It's actually a free day kaya kung anong gusto naming gawin, push. Iyon nga lang, hindi kami pagsisilbihan at iyong dalawang coach namin nasa loob ng bahay lang.

Fermin Series #3: Playing Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon