Chapter 30

268 10 1
                                    

"Oh my gosh! Look at that! Iniwan tayo ng train! Tigrerra!" halos pumutok na ang litid ko nang isigaw iyon sa mukha ni Rerra. Pakiramdam ko ay binalot na ng inis ang buong katawan ko tapos itong isang kasama ko ay relax na relax na nakatayo lang doon at habang nagpipigil ng tawa. Pinanlakihan ko siya ng mata. "I cannot believe you! Ang harot-harot mo kasi!" Nagpapadyak ako s ainis at saka mabilis siyang winalk-outan doon.

"Hey! Mins! Teka!" Naririnig ko pa rin ang tawa ng mokong habang hinahabol niya ako. Bwisit na bwisit akong nag-martsa palayo sa kanya. Nakakainis! Kanina pa siya!

Hindi ko na alam kung saan ako napunta. Bahala siya roon, Now we have to wait another hour for the next train to Tokyo! Inis! Kasi naman, kung hindi siya makulit kagabi at hindi niya ako hinarot nang hinarot, maaga kaming makakatulog at magigising. It's been days since we arrived here in Japan. We enjoyed the countryside for how many days kahit na wala talaga kaming ginagawa roon at tumatambay lang kami sa place ko. Mga five days din kami roon I think then ngayon nga, we're about to go to Tokyo at magpapaka-turista na kami pero itong si Rerra ayan napakakulit! Maghihintay na naman kami ng susunod na biyahe!

Napahinto ako nang may isang kamay na pumigil sa akin. Busangot ang mukhang nilingon ko siya. Nakakagat siya sa kanyang labi na tila nagpipigil ng ngiti. Nasa right side niya iyong mga maleta namin. Napairap ako. Di ko alam kung paano niya ako naabutan habang dala-dala niya iyong dalawang maleta. Well, athlete nga pala siya. Whatever.

"Ano?" inis na sabi ko Nakapamulsa ang isa kong kamay sa trench coat ko.

Bumuntong-hininga siya at saka umayos ng tayo. Kinuha niya pa ang dalawang kamay ko at tiningnan ako sa mata. "I'm sorry. Sorry na." Kinagat niya pa ang labi at pinamungay ang mga mata. Napasinghap ako at inilingan siya.

"Seriously? Di ka cute." Tinanggal ko ang hawak niya at humalukipkip ako. "Di niyan mawawala ang inis ko! Naiwan tayo ng train!" bwisit at mariin kong sabi para idiin sa kanya kung gaano ito kaseryoso. Kainis kasi.

Nakakagat pa rin siya sa kanyang labi habang nakatitig sa akin. Sumeryoso na ang mukha niya at saka marahang nagtaas ng mga kamay.

"Sorry na. Sorry," mas seryoso niyang sabi. Tiningnan ko ang maigi ang mukha niya. Sa huli ay bumuntong-hininga na lang ako. Kinuha niya naman ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya.

He leaned into my ear. "Sorry. Let's just wait for the next train. I'll buy food," bulong niya pa. Umirap ako at tiningala siya. Seryosong nakatingin pa rin siya sa akin. Bumuga ako ng hininga at saka tinulak siya.

"Tara na," sabi ko at kinuha ang maleta ko.

Ngumisi siya. "Let's go," aniya pa at kinuha at pinagsaklop ang kamay namin.

Napaismid ako habang nakangisi pa rin siya. We walked hand by hand until we reached a ramen shop. Nawala agad ang pagkabwisit ko sa kanya kasi nilibre niya akong ramen. After that, tumambay na kami sa station at baka maiwan na naman kami mga sis. We took pictures to kill boredom.

"Okay, go over there. Pose ka." Tinuro niya ang may wall ng station at pinasandal ako roon.

I did what he said and did different poses. Syempre kailangan ibida ang OOTD ko, no! I was wearing a knitted cream sweater, black tight jeans, black ankle boots with 3 inches heels yata then a brown trench coat. Naka-cream-ish na beanie rin ako. Rerra, on the other hand, was wearing a cream turtleneck sweater, black jeans, and also black boots.

Ni-picture ko rin siya tapos nagpa-picture kami. Nang dumating na ang train namin ay agad kaming sumakay. Nakangiting nagba-browse ako ng mga pictures namin habang nasa train. Si Rerra naman ay busy rin sa phone niya. I even took a peek on what he was doing and I saw that he was looking at some documents yata na hindi ko naman alam kung ano.

Fermin Series #3: Playing Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon