NATALIA'S POV
Katatapos ko lang mag ayos ng sarili para sa lakad naming ngayon. Today is Sunday at ngayon naka schedule ang food tasting namin para sa magiging pagkain sa reunion.
I wore a red off shoulder top and a white mini skirt. Nagsuot lang ako ng ballerina flats para sa aking mga paa.
Nagdrive ako sa sinabi nilang mall. Doon ang meeting place naming apat bago pupunta sa isang sikat na catering services.
Nang makarating ako sa parking lot ng mall ay nakita ko agad si Nadia na nagse cellphone habang nakasandal sa kanyang pink Porsche. May space pa sa tabi ng kotse niya kaya doon ko na pinark ang Audi ko.
"Good Morning!" bati ko ng makalabas ako ng sasakyan. Sumandal din ako sa kotseng kaharap niya.
"Good Morning Natalia." Bati niya rin.
"Tayo palang?" I asked.
"Uh no. Alexander is already here. He's inside of his car. Iyong Aston Martin sa kabilang side." She said.
Napalingon naman ako sa kabilang side at meron ngang naka park na black Aston Martin doon.
Nakaharap ito sa amin pero di ko masilip ang tao sa loob dahil tinted ang salamin.
Binalik ko agad ang tingin kay Nadia dahil kung ako di siya makita, pwes siya nakikita niya akong nakatingin sakanya.
Maya maya pa ay may dumating na isang white BMW at nagpark sa tabi ng kotse ni Alexander.
"Finally! Czedric is here." Anunsyo ni Nadia.
Paglabas ni Czedric ng kotse ay lumapit siya samin. Nakipag beso siya sa amin ni Nadia.
"Where's Alexander?" he asked.
"Nasa kotse niya hindi bumaba." I answered.
Czedric chuckled at nilingon ang kotse ni Alexander.
"Let's go." Czedric said at tumalikod na. Siya kasi ang nakaka alam ng pupuntahan namin.
Nagsisakay na kami sa sarili naming kotse ni Nadia. Nakita ko pa sa side mirror ko na sumenyas si Czedric ng 'lets go' sa kotse ni Alexander.
Nang makaalis ang kotse ni Czedric ay sinundan agad ito ni Nadia. Nang mapansing di pa sumunod si Alexander ay ako na ang sumunod kay Nadia saka siya sumunod sa akin.
Kalmado lang ako nag nagda drive. Hindi mabagal at hindi rin mabilis. Panay ang lingon ako sa salamin para makita ang kotse ni Alexander dahilan kaya naunahan tuloy ako ng isang kotse na nag overtake sa kotse naming dalawa.
Medyo nahiwalay tuloy kami kila Nadia at Czedric. Dahil don ay nagfocus na ako sa pagmamaneho hindi na ako tumitingin sa kanya dahil baka sa isang iglap ay mawala sa paningin ko sila Nadia.
Sa kalagitnaan ng kalmado kong pagmamaneho ay may humarurot na nag overtake sa akin. Nang lingunin ko ay ang Aston Martin ni Alexander iyon.
'What the hell? Nababagalan ba siya sa akin?'
Ngayon ay nasa harapan ko na siya. Maya maya pa ay nag overtake siya sa sasakyang nasa unahan niya. Iyon yong nag overtake din sa akin kanina.
'Pabilisan pala ah.'
Nang makitang wala akong makakasalubong na ibang sasakyan ay nag overtake din ako at inunahan ang kotseng nasa harapan ko pati kay Alexander at Nadia. Ako na ngayon ang nasa likuran ni Czedric.
I chuckled. "I'm a race car driver."
Maya maya pa ay lumiko si Czedric at nag park. Pagkatapos naming magpark na apat ay nagsilabasan na kami sa aming sasakyan.
BINABASA MO ANG
Stupidly Inlove Again
RomanceMay mga tao talaga na kahit ilang beses lokohin ng taong mahal nila, mahal parin nila. Minsan kahit sinasampal na ng katotohan naniniwala parin sa kasinungalingan kasi mahal niya. May mga tao ding kahit hindi sila mahal ng taong mahal nila, mahal pa...