CHAPTER 32

213 7 0
                                    

Mika Ella Fuentebella's P.O.V.

Minulat ko ang aking mata at tinignan ang aking paligid. Mabilis akong bumangon sa aking higaan at nagsimulang ginawa ang aking morning routine.Nagsuot ako nang isang blue shirt at shorts.

Pagkatapos ay lumabas na ako sa kwarto ko at pumunta ako sa kusina at nakita si lola na nagluluto nang adobong manok.Pumunta ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"Morning, La."sabi ko at tinulungan siya sa pagkuha nang utensils.

"Magandang umaga din, Mika."ngiti niyang sabi.

Umupo kami sa upuan at nagsimulang kumain, at sinabi ko din kay lola na hindi makapunta dahil malapit na din ang exams ni Michael, kaya kailangan niyang mag-aaral.Nalungkot si lola pero sinabi ko din sa kanya na dadating din naman ang mga pinsan namin galing abroad.

Nagulat ako nang biglang may yumakap sa likod ko kaya nabitawan ko ang kutsara ko.Nakita ko si Diego na tumatawa kaya tinignan ko ito nang masama.Umupo ito sa upuan at sumabay din na kumain sa amin ni lola.

Pagkatapos namin kumain ay sinabi ko kay lola na ako na ang maglinis nang kusina at pagkatapos nito ay pumunta ako sa labas at tinulungan si lola sa pagpakain nang mga manok at baboy.

Nang matapos kong tulungan si lola ay umakyat ako sa itaas at pumunta sa kwarto ko at tinignan ang oras.

12:00 p.m. na pala.

Naisipan kong magpaint don sa lake para naman hindi masayang ang oras ko. Kumain muna kami ni Diego at nagpaalam kami kay lola.

"Balik din kayo pag-alas tres na."sabi ni lola.

"Opo, lola."sabi namin dalawa ni Diego.

Nagsimula na kaming maglakbay ni Diego papunta sa lake na palagi namin pupuntahan noong bata pa kami.

"Ang tagal ko na pala hindi nakapunta dito."sabi ko nang makitang may nagbago na at marami na ang mga bahay.

"One year, eh."sabi ni Diego at ngumiwi.

"Ikaw?May girlfriend ka na ba?"tanong ko sa kanya kaya natigilan ito.

"Wala."tipid niyang sabi.

"Anong wala? 28 ka na, hintayin mo talaga na 40 ka na bago ka maghanap nang kasintahan."tawa kong sabi.

"Eh, ikaw nga eh!Lovelife mo complicated, sabihin mo nalang na inlove ka parin sa ex mo!"sabi niya.

"Move on na ako 'no!"

"Talaga lang ah!"sabi niya at tinignan ang kanyang paligid bago sumigaw!"KRIS!!!"kaya napatingin sa amin lahat ng tao dito!

"Hoy!Anong ginagawa mo?!"inis kong sabi kaya napangisi ang loko!"Tss."

Nang makadating na kami sa destinasyon namin ay naghanap ako nang lugar na komportable at magandang ipaint.Nang makahanap na ako ay nilagay ko ang mga gamit ko at pagkatapos non ay nagsimula na ako magpinta.

Napangiti ako sa artwork ko at nasimulang inayos ang mga brush.Pagkatapos ay pumunta ako kay Diego at kumunot ang noo ko nang makitang basa ito.

"Anong ginagawa mo diyan?"taka kong tanong kaya napakamot siya sa batok niya.

"May nakita kasi akong pera kaya nabasa ako."paliwanag niya

"Oh?nakuha mo?"sabi ko at pinigilan na tumawa.

"Hindi."tipid niyang sabi kaya nagsimula akong tumawa.Masama ang tingin niya sa akin at walang pahintulot ay binasa ako nang loko!

At siya nanaman ang tumawa sa akin at ako naman ang masamang nakatingin sa kanya.

No One Like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon