CHAPTER 49

221 1 0
                                    

Mika Ella Fuentebella's P.O.V.

Its been 3 days, since I found out the truth, the past of me and Liam. My memories were starting to come back, the pieces were starting to be solve like a puzzle.

Lahat nang alala namin ni Liam ay biglang bumalik sa akin na parang bagyo. Mahirap idigest lahat at napasalamat ako dahil may oras na kinukwento ni Michael sa akin ang samahan namin ni Liam at binigay sa akin ang isang box na nakalagay lahat nang memories namin.

Ang sabi ni Michael ay nilagay ko dito lahat nang pagsamahan namin noong naghiwalay kami ni Liam dati. Speaking of him, palagi siya pumupunta dito at gusto akong kausapain, pero ayaw ko. Hindi ko siya kayang kausapin, dahil takot ako. Takot ako na baka maulit ang nangyari sa amin dati. Maraming 'what ifs' na pumapasok sa isip ko.

What if bumalik ang kanyang sakit?What if marealize niya na mahal niya pa pala si Angel at makipaghiwalay siya sa akin?

My overthinking thoughts makes my head hurt!Arghh!

Napatingin ako sa pinto nang biglang may kumatok nito."Ate?Nandito si kuya Liam, gusto ka niya kausapin."napapikit ako sa sinabi ni Michael. Bakit hindi pa siya tumitigil?Can't he see that I don't wanna talk to him?

"Alam mo na ang sagot, Michael."

He sighed."Opo, ate."

Narinig ko ang pag-alis niya sa pinto at bumangon naman ako para pumunta sa comfort room at maligo. Habang naghahanap akong susuotin ay narinig ko ang pagkatok sa pinto.

"Ate?May dalang pagkain si kuya Liam, gusto mo ba?"

"Wala akong gusto na pagkain na galing sa kanya, Michael."inis kong sigaw.

Nakakainis!Ginagawa niya ba ito para makausap ko siya?Tss, gumaga-hindi ito gumagana!Mas lalo lang akong nagalit!Anong tingin niya sa akin, matakaw?Walanghiya siya!

Padabog kong pumunta sa comfort room at sinira ang pinto. Pagkatapos kong maligo ay sumilip ako sa labas kung nandon pa ba ang kotse ni Liam. Nang makita wala na ito ay napabuntong-hininga ako, at binuksan ang pinto at bumaba.

Pagbaba ko ay nakita ko si Michael kumakain nang doughnut! Mabilis ko siyang pinuntahan at nang makadating na ako ay nilagay ko ang kamay ko sa beywang at tumikhim. Tumingin naman sa akin si Michael na inosenteng nagtatanong.

"Bakit hindi mo sinabi na ang pagkain ay doughnuts?"

"Sabi mo, hindi mo gusto. Edi akin na ito-Aray!"hindi natapos ang sasabihin niya nang bigla ko ito binatukan.

"Kung sinabi mo na masarap ang pagkain, malamang na kakain ako!"inis kong sabi at naksimangot naman siya habang hawak ang batok niya.

"Marupok ka!"sigaw niya sa aking mukha!

"Hindi ako marupok!Kung marupok ako ay kahapon ko pa siya kinakausap!"sabi niya at inarapan ako nang magaling kong kapatid.

"Eh, anong masasabi mo sa bulaklak at chocolates?"tanong niya kaya napangisi ako.

"Tinapon ko."confident kong sabi at tumawa naman ang loko.

"Eh, bakit ko ito nakikita sa kwarto mo noong maglinis ako?"tanong niya na napatigil sa akin pero hindi ko pinakita na nagulat ako sa tanong niya.

"Bumili ako."

"Hindi ka lumalabas sa bahay nang tatlong araw, ate. Sinong niloko mo?"tawa niyang sabi kaya inarapan ko ito.

"Edi lalabas ako ngayon!"sabi ko at naglakad papunta sa aking kwarto at rinig ko naman ang mahinang tawa nang aking kapatid. Nang makapasok na ako sa aking kwarto ay nagbihis ako nang simpleng t-shirt at shorts.

No One Like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon