CHAPTER 22

132 3 0
                                    

Mika Ella Fuentebella's P.O.V.

Natigilan siya bigla at malapit na pumreno, mukhang hindi inaasahan ang tanong ko.

"Anong sinasabi mo?"tawa niyang sabi, pero halatang kinabahan siya.

"Pwede mo naman akong sasagutin ng oo o hindi."sabi ko at nagkrus ng kamay.

"H-hindi a-ako n-nagseselos."nauutal niyang sabi.

"Weh?Sigurado ka?"

"Oo nga.Ang kulit!"

"Weh?Sure na sure?As in sure na sure?"

"Hindi nga!"

"Weh?"

"If yes, so what?!"sabi niya habang naka-tingin sa akin."F*ck!"sinandal niya ang ulo niya sa manobela at nagmumura.Halatang pinagsisihan ang sinabi.Ang gusto ko lang naman ay aasarin at pipikonin siya, hindi ko akalain na aamin talaga siya.

"Na-"

Naputol ang sasabihan ko na may kumatok sa bintana ng kotse ni Llama.Napatingin ako sa paligid at nakita na nandito na pala kami sa mansion ng Timberlake Family,kanina pa pala kami dumating,bakit hindi ko napansin iyon?

Lumabas sa kotse si Liam at sumunod din ako, baka may trip ang Llamang 'to na ilock ako sa loob.

"Good evening, Sir Liam."bati ng lalaki kay Llama at nag-bow pero tumango lang ang Llama.Ang sama talaga ng lalaking 'to, sabagay dapat masanay na ako, dahil palagi naman siyang ganito sa opisina.Napabaling ang tingin sa akin ng lalaki kaya nginitian ko siya."Good evening, Miss."

"Her name is Mika."seryosong sabi ni Llama habang abala sa pagce-cellephone.

"Good evening, Ma'am Mika."bati niya at nag-bow din.'Wow, sosyal!'

Umuna lumakad si Llama at sumunod naman ako.Bilisan ko ang paglakad ko, para makapantay kami."Alam mo naman, Llama.Walang masama kung bumati ka ng isang tao."sabi ko sa kanya.Napatingin naman siya sa akin, naguguluhan sa sinabi ko.'Ang slow naman ang peg ni Llama!'

"Bakit kailangan ko silang batiin?"naguguluhang tanong niya.

"Para naman hindi sila mukhang tanga."sabi ko at tumawa."Char lang.Joke lang iyon!"

Tumingin si Llama sa akin, may sasabihan sana siya,pero biglang bumukas ang pintoan.

"Nandito na pala kayo!"masayang sabi sa amin ni Mrs.Timberlake, sa likod naman niya ay si Mr.Timberlake at isang babae na hindi ko kilala.Bumeso sa akin si Mr.Timberlake at bumeso naman ako sa kanya.

"Good evening po."ngiti kong sabi, at binatian naman ako ni Mr.Timberlake pero iyong babae na hindi ko kilala ay tinanguan lang ako."Hey Mom."hinalikan ni Llama ang kanyang ina sa pisngi.

Pumunta si Llama sa akin at hinawakan ang kamay ko, pakiramdam ko ay biglang lumakas ang pintig ng puso ko.

"Wow!Parang pinag-iisipan niyo talaga ang susuotin niyo ngayon!"masaya na sabi ni Mrs.Timberlake.Ramdam ko nag-iiba ang paghawak ni Llama sa akin, napatingin ako kay Llama pero nakatingin lang siya sa harapan, wala pang ilang segundo ay nasa beywang na ang kamay ni Llama kaya mas lalong nakalapit ako sa kanya.

"Yeah, mom.Natagalan nga kami, dahil gutong-gusto ni Mika na magkapareho kami ng susuotin ngayon."tawang sabi ni Llama, napataas ang kilay ko sa sinabi ng llamang 'to!'Since when ko sinabi iyon?Diba siya ang bumili nito?!'

Tumingin naman sa akin si Llama at binigyan ako ng makuhulugang tingin."Narinig ko kasi na ang sweet tignan kapag magkapareho nang susuotin ang couples, diba ang sweet, hubby?"tanong ko kay Llama parang gusto ko tumawa sa itsura niya pero kailangan kong pigilan dahil nag-aacting kami ngayon.'Pfft!Halatang hindi niya inaasahan ang sinabi ko!'

No One Like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon