Mika Ella Fuentebella's P.O.V.
Next day...12:00 p.m.
"Hindi makapunta si tita at Michael dito?Bakit naman?"tanong ni Megan habang nagluluto. Ang mga babae ay nandito sa kusina at ang mga lalaki naman ay nandon sa sala nananood nang basketball sa tv.
"Na-ospital kasi si Tita at si Michael, kailangan mag-aaral para sa exams niya."sabi ko habang nilalagyan nang cheese ang spaghetti.
"Oh."
"Bakit may hawak na blueprint sila kuya?"tanong ko at nakatingin kaila kuya na may hawak na blueprint at pati na din si Llama nakahawak din ito nang blueprint.
"Oh?Hindi mo alam?"tanong sa akin ni ate Elisa kaya napatingin ako sa kanya.
"Hindi."
"Dito na kami titira sa Pilipinas."masaya niyang sabi kaya nagulat ako.
"Paano ang business niyo sa America?"tanong ko kay ate Elisa.
"Pwede naman i-manage ni Kyle ang business niya dito sa Pilipinas."sabi niya habang naka-ngiti.
"Hmm.Kayo din?"tanong ko kaila Maxy at Megan at tumango naman sila.
"Yup!Dito din gaganap ang kasal namin ni Mark."sabi ni Megan at pinakita sa akin ang isang singsing na may puting bato.
"Oh my gosh!You're engaged?"gulat kong tanong at tumango naman siya.
"Yup!Ikaw, Mika?Kailan kayo maging married couple ni Liam?"tanong niya na nagpatigil sa akin.
"Ano ka ba,Megan!Bago pa ang dalawa!"tawang sabi ni Maxy.
"Oops!My bad!"she apologized and I just smiled."Kayong dalawa kasi, mukha na kayo matagal na mag-kasintahan."sabi niya kaya napatawa kami lahat.
Pagkatapos namin magluto ay umakyat na ako sa itaas upang magbihis, dahil pupunta kami sa sementeryo.Its a tradition, every birthday ni lola ay pupuntahan namin si lolo sa sementeryo upang mabuo ang kanyang kaarawan.
Pagpasok ko sa loob ay napatigil ako nang makita si Llama na nagbibihis na nang puting polo kaya napaiwas ako nang tingin.
"Sorry."mahinang sabi ko.
"It's okay."sabi niya. Kumuha ako nang towel at ang susuotin ko at pumasok sa loob nang bathroom.Pagkatapos kong maligo ay nagsuot ako nang off-shoulder dress.I was about to pull up the zipper when I couldn't reach it.I sighed heavily thinking why I couldn't reach it.
I decided to go outside the bathroom thinking that Llama is still there.
"Are you done?"he asked while he was putting his rolex watch in his hand.I turned around and I can hear him gasped."Oh.I-I should go ou-"
"No!Please, pakitaas."sabi ko.I can hear him coming through my direction and his heavily breathing.My brows furrowed thinking if he has an asthma."Ayos ka lang ba?"
"Yeah."He said and he accidentally touched my back which brought shiver into my spine and a heat that is forming into my cheeks. I think I'm red as a tomato right now!
I blinked as how he immediately zip it up and he averted his gaze. I was about to thanked him, but he hurriedly got outside.
Kinuha ko ang handbag ko at nagsuot nang flat shoes na kulay baby blue. Paglabas ko nang aking kwarto ay nakita ko si Maxy na nakasuot nang stripes na halter dress.
"Ang ganda mo, Mika.Sigurado akong mainlove ulit ang boyfriend mo sayo."sabi niya at kumindat at sinuklian ko lang siya nang ngiti dahil wala akong masabi sa compliment niya.
Pagbaba namin ay napatingin silang lahat sa akin at si Maxy,Megan at ate Elisa ay naka-ngisi sila sa akin.
"Tita Mika!"tawag sa akin ni Princess 3 yrs. old at anak siya ni Carson at Megan.I couldn't talk to her yesterday because she was sleeping with Raphael.Raphael is Kuya Kyle and Ate Elisa's older son.

BINABASA MO ANG
No One Like You
RomanceMika Ella Fuentebella had already planned on resigning from L&T company, because she wanted to enjoy her life that she missed out on those years of growing up too quickly and handling one of the biggest companies all over the world. She almost grasp...