ALAS -SYETE ng gabi ay kumatok sa silid ni Rein ang katulong na si lianee.
"Rein, kakain na, sabi nito.
Bumababa siya ng kama at nginitian ito. "Matagal ka na bang nagtatrabaho dito lianee? "
"Oo. Pagkagraduate ko ng high school ,namasukan na ako rito. Pitong taon na ako rito. Si nanay halos thirty years na".
Napakunot noo siya." Sinong nanay? "
"Nanay ko si Jhoymie"
"Ah nanay mo pala siya. "
"Oo. "
"Kaya pala medyo magkahawig kayo."
Napangiti ito. "Kapag nakita mo yung bunso kong kapatid na si Athan Joseph, mas kamukha pa yon ni nanay. Male version siya ni Nanay, eh"
"Dalawa lang kami. "
Sabay na silang lumabas ng kanyang silid at naglakad sa pahabang pasilyo patungo sa hagdan. .
"Teka, kumain na ba si papa? "tanong niya.
"Dinalhan na siya ng pagkain ni Nurse Jane kanina ".
Tumango siya. Nakaharap na niya kanina ang kuwarenta anyos na nurse na si nurse Jane. Sa isang private hospital pla ng manila siya ngtatrabho ito bilang nurse. Isang buwan lang ito naninilbihan sa knyang ama.
Si Tita Dhez lang niya ang nakakaharap sa hapunan sa magarang dinning room.
"Pagpasensyahan mo muna ang papa mo, "sabi nito sa knya habang kumakain sila." Naging irritable siya mula ng madis-charge sa hospital. Minsan, nga eh, nabubulyawan niya si nurse Jane at mga katulong. "
"Ok lang po tita. Bukas, ako na lang ang magdadala ng pagkain ni papa. At kukuwentuhan ko siguro siya para hindi mainip".
"Sige. Iyan din sana ang gusto kong ipakiusap sayo".
"Tita ilang taon na po ba c Wendy? "
"Matanda ka lang ng isang taon sa knya,Rein".
"Kung nakaraang taon pa sila umalis dito at nagtungo sa Amerika, ibig po sabihin ay nahinto siya aa pag-aaral? "
"Oo, February sila umalis. Sayang nga eh,. Sana man lang pinatapos ni Pauline ang huling buwan ni Wendy sa klase. "
"Tita, may mga photo album ba si Wendy na naiwan dito? " Pra naman makita ko ang mukha ng kapatid ko. "
"Mayroon nasa living room. Bukas, ipapakita ko sayo".
"Mabait po ba si Wendy? Maganda po siguro sya ano? "
"Mabait? Siya ang pinakamalditang bata na nakilala ko, Rein. Manang-mana siya sa ina niya. Ang masasabi ko lang siguro na ang magandang ugali niya ay Yong kasipagan niya sa pag-aaral. Matalino rin siya kagaya ng ama ninyo. But the rest ? Ugh. Kahit na pamangkin ko siya, Hindi ko gusto ang ugali niya.. At kong maganda siya... Well, ang masasabi ko lang ay malayo sa ganda mo sa kanya. "
Ngayon palang ay parang nangingimi na siyang makaharap anf half sister niya.

BINABASA MO ANG
STILL LOVING YOU
RomansNaging nobyo ni Rein si AJ nang tumira sita sa poder ng kanyang estranged father, na hindi siya nito itinuring na tunay n anak. AJ was her fortress, hanggang sa sumulpot ang half sister niya n matagal nang may gusto sa lalaki. Pinagtulungan s...