NAGA CITY
Tama lang desisyon ni Rein na Tanggapin ang alok ni Sir Fredrik na sa Naga na nagtatrabaho. Nagustuhan niya ang lugar at bagong trabaho bilang supervisor sa restaurant. Sa loob ng kalahating taon ay marami na siyang kaibigan doon.
Isa na roon si Kim, ang may ari ng isang salon spa na kinaroroonan ng Roger's Place.. Twenty five anyos na ito, mestisuhin, gwapo at matipuno ang ktawan. Nagmula ito sa myamang pamilya sa karatig bayan ng CalaBanga ng Naga pero ang mga magulang nito ay permanente nang naninirahan sa Florida. Quarterly kung bumibyahe ito papunta sa Miami para bisitahin ang mga magulang nito roon.
"Rein bka naman nanliligaw na si Kim sayo ha? Sabi ni Ariane isa sa mga kaibigan niya sa Naga at kasma niya ito sa bhay.
"Sira hindi no? Wika niya
Halos kayo lagi ang magkasama pag pauwi na, eh. Inihahatid ka pa niya rito. At siya rin lagi mong kasama sa pamamasyal kapag day off mo. Ikaw rin ang madalas isinasama niya sa rest house nila sa Caramoan".
"Friends lang kami non. Malapit lang nman talaga si Kim sa mga kaibigan niya,wika ni rein.
"Kung sakaling manliligaw siya sayo, sasagutin mo ba? "
Pinandilatan niya ito." Parang kapatid lang ang turing ko kay Kim, Ariane ",sabi niya kahit siya mismo ang nagdududa rin sa sinabi. Sobrang close kasi ni Kim sa knya.
Nang muli silang magkita ng binata, lakas-loob na nagbiro siya rito. "May gusto ka sa akin, no? . In love ka ba s beauty ko ha Kim?.
Hindi man lang ito Ngumiti kaya nagulat siya nang magsalita ito ay sobrang seryoso. "Rein may ipagtatapat ako sa yo. Sana huwag kang mabibigla"
"Ano? "
"Im............I'm a gay"
Na-shock siya sa narinig. "Ano"" Bakla ito?!
" At may malaki akong problema ngayon Na ikaw lang ang makakatulong sa akin. Sabi ng Daddy ko, ipapamana niya sa akin ang rest house sa Caramoan Island kong may aswa na ako by the time I reach twenty five. Dahil kong hindi ibbgay niya ang rest house sa pinsan kong si Shin. "Nahigit niya ang kanyang hininga. "A-anong gusto mong palabasin? Anong Tulong ang puwede kong ibgay sa yo?
"Puwede mo ba akong pakasalan ,Rein?" diretsahang tanong nito.
"Ano?!!! "
"Now listen. ...Sa Amerika tayo magpapakasal para madaling magpadivorce. Hindi ko kasi pwedeng ipagtapat sa mga magulang ko na isa akong bakla dahil tiyak na kamumuhian nila ako at isusumpa nila ako. Kaya nga hindi ako pumayag na manirahan permanently sa Amerika ay dahil ayaw kong mabisto nila ang tunay kong pagkatao. Please, pumayag ka na, Rein. Hindi ka naman madedehado. Babayaran kita basta pumayag ka lang. Bibigyan kita ng malaking halaga bilang kabayaran doon.

BINABASA MO ANG
STILL LOVING YOU
RomansaNaging nobyo ni Rein si AJ nang tumira sita sa poder ng kanyang estranged father, na hindi siya nito itinuring na tunay n anak. AJ was her fortress, hanggang sa sumulpot ang half sister niya n matagal nang may gusto sa lalaki. Pinagtulungan s...