Pasado alas dyes na ng gabi ng patungo si Rein sa kusina para kumuha ng tubig nang marinig niya na umiiyak si Nanay jhoymie. Kinabahan siya kaya binilisan niya ng hakbang patungo sa kusina. Bgo pa siya nakapasok doon ay nalingunan niya si Aj na kabababa lang rin ng hagdan..
" Nanay jhoymie bkit? "Nag-alalang tanong niya.
"Si Lianee namimilipit sa sakit ng dibdib.
"Bakit nay tanong din ni Aj na nkalapit na rin sa knila.
"Aj, isugod na natin sa hospital ang ate mo.!
Kanina pa siya dumadaing sa sakit.! "
Mabilis na kumilos sila. Ginising niya si Mang Taec at si Aj namn ay ngtungo sa servants quarter at binuhat si Lianee palabas ng bahay. Sumama rin sina Rein ay Nanay jhoymie sa van. Halos paliparin ni Manong Taec ang sasakyan patungo sa hospital. Panay ang iyak ni Nanay jhoymie habang nasa ER si Lianee.
Pagkatpos ng ilang araw, ay ikina-shock nila ang resulta ng pagsusuring isinagawa rito. May Breast Cancer si Lianee at nasa stage two na iyon. Iminungkahi ng doktor na tumingin dito na mas mabuti pang dalhin na ito sa hospital sa manila dahil mas makabago ang mga kagamitan dun..
"Paano na ngayon yan anak?" Tanong ni Nanay jhoymie kay Aj. "Paano natin matutulungan ang ate Lianee mo? "
"May kaunti akong naipon nay pero hindi pa rin sasapat iyon. Lalapitan ko si sir Hyun Nay" sagot ni Aj. "Baka sakaling mapautang niya tayo . ""Sige, dadalhin na ntin sa hospital s manila si Liane ," sabi ni Sir Hyun nang makausap nito si Aj at ako ang gagastos sa pagpapagamot niya".
Nakahinga siya ng maluwag. Kung hindi lang akward, bka nayakap na niya ito para iparamdan ang matinding pasasalamat niya sa kabutihan nito.
Kinabukasan ay ibiniyahe nila si Lianee patungo sa St. Luke's Medical Center sa Quezon City.Gusto sanang sumama ni Rein sa paghahatid kay ate Lianee sa St. Luke's pero Sinabihan siya ni Wendy na magpaiwan na lamang para may kasma ito sa bahay. Inakla niyavna umpisa na iyon ng pakikipaglapit nito sa kanya pero ngkamali siya. Malamig pa rin ang pakikitungo nito sa knya. Nakasabay niya itong kumain pero nagkulong na agad ito sa silid nito pagktapos.
Bandang alas-nuwebe ng gabi ay nasa pa tin siya nanonood ng TV. Hindi nagtagal ay nakarinig siya ng igong ng sasakyan. Kilala nitmya ang tunog ng makina ng Starex ng kanyang ama.
Paglabas niya ng bahay para salubungin ang mga dumating, ang kantang ama at si Manong Iko lang ang nakita niya. "Kamusta po si Ate Liane Papa"? Tanong agad ni Rein.
Hindi ito sagot sa halip ay Dumiretso lang ito sa loob ng bahay. Kahit na nakasanayan niya ang ganoong pagtrato sa kanya.,tuwina ay nasasaktan pa rin siya.
Akmang isasara na niya ang pinto nang marinig niya ang malakas na paghagulhol ni Wendy. Napatingin sita sa hagdan. Pababa ba roon ang kpatid niya.
"Anak ,bakit?" Nag-alalang tanong ng kanyang ama.
Daddy nawawala yong pera at mga alahas ko
""What!!! "
Nagulat si Rein at napatakbo rin siya patungo sa hagdan. "Paanong nawawala Wendy ?""
"May nagbukas ng drawers ko, nawawala ang forty thousand pesos na cash ko pati ang three thousands dollars, pati na yong diamond set ko!Sumama na ito paakyat sa silid ni Wendy.
Hinalughog nila ang drawers at closet nito,pati na ang dresser at iba pang sulok ng silid nito. Pero hindi nila matagpuan ang nawawalang pera at mga alahas nitio.
"Umalis ba kayo ng bahay mula kaninang umaga tanong ng ama nila.
Sabay pa silang Umiling ni Wendy.
"Kung ganun, imposibleng hindi ninyo napansin kung may pumasok na magnanakaw dito sa loob ng bahay.
Tiningnan siya ni Wendy, . May alam ka b dito Rein? " Matagal akong nakatambay sa veranda after dinner. Baka naman may kinalman k dito? " Sabi ni Wendy.
"Ano? Gulat na gulat siya ng muling magsalita seryoso ang mukha niya. "Hindi pa ako umakyat pagkatapos nating kumain, Wendy. Ako ang naghugas ng plato at naglinis ng buong kusina bgo ako nanood ng TV sa sala". Hinarap ni Wendy ang kanilang ama. "Daddy Mabuti pa na halughugin natin ang kwarto ni Rein. May hinala ako eh. Nabanggit niya sa akin nong unang isininugod si Lianee sa Hospital ay kailngan nina Aj ng mlking pera.Kumunot ang noo ng knilang ama at pumayag na rin ito sa pakiusap ng paboritong anak.
Para wala ng gulo sumama na rin pati siya sa loob ng silid niya.
Mgkasabay na nagahalughog ang dalawa sa mga closet niya.
Nanlamig ang buong katawan niya nang my inilabas si Wendy n isang maliit na paper bag mula sa may pinakaibabang drawer.
Hindi pamilyar sa knya ang paper bag na iyon.
Sinilip nito ang laman niyon,saka walang sabi-sabing ibinuhos ang laman sa ibabaw ng kama. Parang literal na tumigil ang tibok ng knyang puso sa nakitang mga lilibuhin at dolyares, pati ang kumikinang na mga alahas doon. Npamaang na lamang siya. Pra siyang binuhusan ng pagkalamig-lamig na tubig.

BINABASA MO ANG
STILL LOVING YOU
RomanceNaging nobyo ni Rein si AJ nang tumira sita sa poder ng kanyang estranged father, na hindi siya nito itinuring na tunay n anak. AJ was her fortress, hanggang sa sumulpot ang half sister niya n matagal nang may gusto sa lalaki. Pinagtulungan s...