NALINGUNAN ni Rein si AJ kaya mabilis na pinahid niya ang kanyang mga luha.
Umupo ito sa tabi niya. "Mga bata lang ang umiiyak, no', sabi nito na bhagyang tumagilid para makaharap sa knya.
Lumabi siya. "Sino naman ngsabi sayo niyan? Lahat ng tao, mapabata man o matanda, umiiyak. Hindi naman natutuyo ang luha ng tao kapag tumanda na siya".
Tumawa ito. "Kunsabagay. Bakit ka ba umiiyak? Kanina lang, tumatawa ka habang nakikipagkuwentuhan sa amin sa kusina, ah. Saka bakit nga pala Hindi ka doon Dumiretso? Maghahanda na sana si Ate Lianee ng agahan mo".
Yumuko siya. "Nagalit na naman sa akin si Papa. "
Nagkibit-balikat ito. "Naikwento nga nina Nanay at Ate sa akin ang tungkol sa hindi magandang pakikitungo ni Sir Hyun sayo. Nagtataka nga ako, eh. Ang mukha pagkakakilala ko sa kanya ay mabait at mahusay makisama, lalo't nasa politika siya. Pero sa sarili niyang anak ay hindi maganda ang pakikitungo niya?"
Tinitigan niya ito. "Mabait ba talaga ang Papa ko? "
"Oo naman. Hindi ba naikwento sayo nina Nanay na si Sir Hyun ang nagpapaaral sa skin? Siya ang nagbabayad ng tuition ko at iba pang gastusin at si Ate Lianee naman ang ngbibigay ng allowance ko buwan-buwan. "
"Oo nga raw. Teka, kadarating mo lang ba ngayon galing ng Los Banos? .
"Hindi. Kahapon pa ako dumating. Dumiretso lang muna ako sa bahay. Last week pa Natapos ang klase ko".
"Ano ba ang kursong kinukuha mo?"
"Veterinary Medicine. "
"Ilang taon ka na ba Rein? "
" Twenty na ako!
"Twenty ka lang ba?
"Oo. Ikaw? "
"Twenty -one".
"Matagal pa ba bago ka G-um-raduate sa kursong kinukuha mo? "
"Dalawang taon pa. Tuwing bakasyon, ngtatrabho ako dito sa rancho. Ang papa mo nga pala ang Pumili ng kurso ko. Animal breeding ang specialty ng course ko. Para ako na mismo ang magiging vet dito sa Rancho. Alam mo na, nandito sa Rancho Medel ang pinakamalaking bentahan ng mga baka at kalabaw.
Teka, nakapasyal ka na ba sa kabuuan ng rancho? "
"Hindi pa. "
"Mamayang Hapon, ipapasyal kita ."
Na-excite siya sa narinig. "Sige! "Aniya, pero bigla ring bumawi. "Ay, sasama nga pala ako sa paghahatid kay Tita Dhez mamayang hapon sa airport. "
"Ganoon ba? Okay lang. Bukas na lang kita ipapasyal. "
"Sige. "

BINABASA MO ANG
STILL LOVING YOU
RomanceNaging nobyo ni Rein si AJ nang tumira sita sa poder ng kanyang estranged father, na hindi siya nito itinuring na tunay n anak. AJ was her fortress, hanggang sa sumulpot ang half sister niya n matagal nang may gusto sa lalaki. Pinagtulungan s...