A week later,nagulat na lang siya ng pag-uwi niya sa bahay galing eskwelahan ay nalaman niyang nakaalis na pala ang ama niya. Si Mang Taec ang nghatid dito sa airport.
Halos isang buwan itong nanatili sa ibang bansa. Pagbalik nito, bigo pa rin itong natagpuan ang asawa at anak.Pagka-graduate ni Aj sa kolehiyo at ganap na maging beterinaryo. Ito ang naging silbing vet sa rancho.
Isang taon na lang din at ga-graduate na siya sa kolehiyo kaya puspusan ang pag-aaral niya. Inspired siya dahil sa pagkakaroon ng mabait at mapagmahal na kasintahan sa katauhan ni Aj.Nang sumunod na taon, semestral break nila ng Oktubre, biglang dumating si Wendy. Kahit na first time niyang makita ito sa personal, nakilala agad niya ito dahil halos wala naman itong pinagbago kung tutuusin. Kung mayroon man, iyon ang medyo pagputi ng kutis nito.
"Who are you? "nakakunot noong tanong nito nang magkaharap sila.
Naumid siya saglit at matagal na napatitig Lang dito. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang lumapit dito.
"W-wendy kapatid mo ako..."Ako si Rein"
"What!!! Are you crazy!!!? Kapatid? Wla akong kapatid!!!! "
Napailing siya. "Kapatid mo ako Wendy. Ako ang unang anak ni Papa. Anak niya ako kay Imee".
Nagdilim ang mukha nito. "Pinagloloko mo ba ako?!!!!!
Saka naman lumabas mula sa dinning room si Nanay Jhoymie, "Wendy, tama si Rein, kapatid mo nga siya. Kinuha siya ng Tita Dhez mo sa Baguio noon para may makasama ang daddy mo rito.
Nagpalipat-lipat ito ng tingin sa kanilang dalawa tsaka wlang paalam na umakyak ng hagdan.
Walang nagawa si Rein kundi sundan na lang ito ng tingin. Napalingon siya sa malaking pinto nang nagmamadaling pumasok doon ang knyang ama.
Nakatingin ito sa hagdan.
"Wendy anak"!?!!!
"Daddy!!!! "
Kumirot ang dibdib niya nang magyakap ang dalawa. Kitang -kita niya ang matinding pananabik ng ama nila kay Wendy.

BINABASA MO ANG
STILL LOVING YOU
RomanceNaging nobyo ni Rein si AJ nang tumira sita sa poder ng kanyang estranged father, na hindi siya nito itinuring na tunay n anak. AJ was her fortress, hanggang sa sumulpot ang half sister niya n matagal nang may gusto sa lalaki. Pinagtulungan s...