"Aatungal ka na lang ba habang-buhay Rein? "napapailing na tanong sa knya ni Chloe nang nadatnan siya nito sa kusina na tahimilk na umiiyak.
"Napakasakit ng ginawa nila sa akin Chloe, "daing niya. Akla ko si AJ ang kakampi ko pero ngkamali ako. Masakit ang ginawa niya sa akin".
"Bakit kasi ayaw mo pang Tanggapin na mukhang pera din ang boyfriend mong yon.? Malamang, napangakuan siya ng iba pang bagay bukod sa malaking halaga na gagastusin ng Papa mo sa pagpapagamot sa kapatid niya. Baka naisip niya na hindi sayo ipamana ng Papa mo ang Rancho Medel dahil ni hindi mo nga dala ang apelyidong "Medel" di ba? "
Kaya si Wendy ang gusto niyang pakasalan.
Muli siyang umiyak.
Kung ako sayo kalimutan mo na si AJ.
Imagine ha!?mhigit isang buwan ka nang nandito sa Baguio. Kung talgang gusto kang makita mg hudyong yon, sana pinuntahan ka niya rito. At ni hindi nga siya ngatangkang tawagan ka kahit minsan. Talagang gusto ka niyang kalimutan, Rein. Ilang libong beses mo na bang tinangkang tawagan uli siya pagkatapos ninyong mag-usap ng nanay niya. Pero laging naka -off ang cellphone niya. Malamang niyan, bka nagpalit na siya ng number para hindi mo na siya matawagan. "
Hindi siya kumibo pero nakita niya ang punto nito.
"Teka natawagan mo na ba ang Tita Dhez mo? " Tanong nito.
"Hindi ko siya makontak. Hindi ko alam kong bakit. Pakiramdam ko , umiiwas na rin si TitA Dhez sa akin. Bka nagsumbong na si Papa sa knya at naniwala siya sa kasinungalingang yon.
"Mas gusto ko pa ang simpleng buhay mo noon bago ka pa Kinuha ni Tita Dhez mo"."So ano ang balak ngayon? Mag-eermitanyo ka n lang ba dito sa loob ng bahay mo, o gusto mong sumama sa akin sa manila? "
"Anong gagawin ko sa Maynila? "
"Magtrabaho tayo doon .
"Saan namn? "
"S restaurant na pinagtatrabahuhan ni Min, " anitong ang tinutukoy ay ang boyfriend nito. Nakilala nito ang binata noong nkaraang taon.
"Pwede ba ako doon!?
"Oo naman no. Ako nga na hindi man lang nakatuntong sa college, pwede niyang ipasok bilang waitress eh. Kasi, supervisor siya doon kaya malakas siya
wika ni chloe.;
Hindi na siya ngdalawang isip na tumango.Pagkalipas ng isang linggo, bumiyahe na silang magkaibigan papunta sa maynila. Sinundo sila ni Min sa Terminal ng Victory Liner sa Cubao. Iyon ang unang paglakataon na nakaharap niya ang binata. Guwapo ito.
Naikwento ka na ni Chloe sa akin noon Rein, sabi nito noong nakasakay na sila ng bus na byaheng SM Fairview.
Pilit siyang ngumiti bago nagsalita. "Naikwento ka rin niya sa akin. Palagi kaming nagtetext noong nasa bahay ako ng Papa ko".
"Ngayong nandito ka na sa maynila, madali mo nang makalimutan ang salawahang boyfriend mo, Rein. Dadagsain ka ng manliligaw rito,sa gnda mong yan!? Nako..."Pagbaba nila sa SM, sumakay pa sila sa jeepney na biyaheng Almar at pumara sila sa dulo ng Zabarte Road. May naghihintay maliit na bordinghaws sa kanila roon. Malpit iyon sa nererentahan ni Min.
"Ok na ba ito sa inyong dalawa? "" Tanong ni Min
"Oo naman Min", tugon niya.
Ikinawit ni Chloe ang kamay niya sa bewang ng kasintahan."Basta ang importante, magkalapit lang ang tinutuluyan natin para lagi tayong nagkikita di ba?.

BINABASA MO ANG
STILL LOVING YOU
Storie d'amoreNaging nobyo ni Rein si AJ nang tumira sita sa poder ng kanyang estranged father, na hindi siya nito itinuring na tunay n anak. AJ was her fortress, hanggang sa sumulpot ang half sister niya n matagal nang may gusto sa lalaki. Pinagtulungan s...