THIRTY ONE

392 10 2
                                    

Two yeara ago ay namatay si Wendy. Tinamaan siya ng ligaw na bala sa mismong pagsalubong ng bagong taon. Sa Maynila kasi siya nag new year noon. Nakulong naman ang pulis na may kagagawan non.
Pakiramdam niya ay nanlamig siya sa narinig
Masyadong dinibdib ng papa mo ang pagkamatay ni Wendy, lalo pa at may inulila siyang anak na babae.
Natilihan siya. Inaasahan na niya na magkakaroon ng anak sina AJ at Wendy. Natural lang iyon dahil mag-asawa ang dlawa. Pero masakit pa rin sa pandinig niya sa kaalamang ngbunga ang pagmamahalan ng dlawa.

Biglang tumunog ang cellphone ni Kim. Nag-excuse ito para sagutin ang tawag. Pagbalik nito ay nagpaalam n ito sa knya." Babalikan na lang kita rito. "Okay lang ba? "
Tumango siya. "Sige. Magtetext na lang ako pag uwi ko.
Nang makaalis si Kim ay pinakiusapan uli siya ng tiyahin niya." Rein, sana ay huwag mo akong tanggihan sa pakiusap kong ito. Alm kong galit ka sa ama mo, pero sana nman ay mapatawad mo ba siya. Nagsisisi na diya sa lahat ng nagawa niya sayo. Siya nga ang nakiusap sa akin na puntahan kita rito.

Alas-otso ng gabi nang sunduin ni Kim si Rein sa Regent Hotel. Inihatid siya nito sa apartment niya. Hindi muna niya iniwan ito. Nagtimpla ito ng kape para sa kanilang dlawa.
"Ano ang desisyon mo? "wika ni Kim. Pupunta ka ba sa manila? "
Matagal bago siya sumagot. "Hindi na ako makahindi kay TiTa Dhez. Siya na lang ang iniisip ko kaya pagbibigyan ko ang hiling niya na pumunta ng maynila.
"Ibig sabihin sasabay ka na bukas pagbalik sa maynila? "
"No. Sabi ko, bigyan muna niya ako ng isang linggo para maisaayos ang iiwan ko rito. Alam din niya na may business ako kaya pumayag siya.
"Magtatagal ka ba sa maynila, if ever? "
"No. Two weeks lang. Sapat na iyon para mapasakitan ko rin ang ama ko. Ako naman ngayon"
"What? May binabalak ka ba Rein? "
"Hindi ko siya papatyin, kung iyon ang iniisip mo. Pero wla siyang mapapala sa akin. Iiwan ko rin siya pagkatapos kong sabihin sa knya na kalimutan ko nang may ama ako noong ipagtabuyan niya ako sa Rancho. Ilang beses niya akong itinakwil. Hindi pa ako isinilang, tinalikuran na niya ako. Sumosobra na siya"
"War pala ito ha"
"Kim, puwede ba akong humingi mg pabor? "
"Ano yon? "
"Samahan mo ako roon. Isang araw lang kasi si Tita Dhez sa rancho pagdating ko ron, tapos babalik na siya ng Canada. Ayoko naman na mag-isa lang ako don. Maloloka ako
"What? Paano namn ai Jaejin noh? "
"Kahit three days ka lang doon, tapos pwede mo na akong iwan.
Gusto ko lang kasi ipakita sa kanila na asawa nga kita.
Maarteng Bumungtong-hininga ito, pero pumayag na rin ito. "Sige sasamahan kita.

STILL LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon