Nang magpaalam na si Nurse Jane sa kanila dahil tapos na ang isang buwang paninibilhan nito sa kanyang ama, medyo ikinatuwa niya iyon. Gusto kasi niya na siya ang magmonitor sa BP ng papa niya, pati sa pagpapainom ng mga gamot dito.
Pero wla pa ring pagbabago ang pagtrato nito sa knya. Para bang palaging nasisira ang araw nito kapag nakikita siya. At kapag ganoong nasasaktan siya, si Aj ang palaging takbuhan niya. Palagi siyang inaalo nito.
"Ngalit na naman ang erpat mo sayo.?"
Tumango siya.
"Anong sabi niya? "
"Hindi ko naman daw siya kailangang painumin ng gamot niya dahil may mga kamay naman dw siya. "
"Tama nga naman. Nakakalabas na nga siya ng kuwarto niya, di ba? "bka next week puwede na uli siyang magtrabaho",
Bumuantong-hininga siya. "Gusto ko lang naman ipakita sa kanya na nagke-care ako sa knya, eh".
"Pagpasensyahan mo na lang ang Papa mo Rein".
"Hanggang kilan ba ako magpapasensiya, Aj? " Umiiyak na tanong niya.
Bumuntong -hininga ito. "Masakit lang kasi ang ginawa ni ma'am pauline sa knya, lalo pa at pati si Wendy ay iniwan siya. "Pagsapit ng Hunyo, nalungkot siya dahil kinailangan nang bumalik ni Aj sa laguna para sa pagsisimula ng bagong school year. Mabuti na lang at nagsimula na rin siyang pumasok kaya kahit paano ay may napagtutuunan siya ng atensiyon. Naging regular ang kumunikasyon nila n Aj sa text at tawag.
Naging maayos na ang kalusugan ng kanyang Papa at bumalik na ito sa pagtatrabaho s Rancho. Pero gaya ng dati,matabang pa rin ang pakikitungo nito sa knya. Minsan ay parang hindi siya nag-e-xist dito. Wla pa siyang natandaan na nakasalo niya ito sa hapag. Tila ayaw tlaga siyang makaharap nito. Pero kahit na ganoon ang pagtrato nito s knya, pilit pa rin niyang inilapit ang sarili dito..
Puspusan ang pag-aaral nya. Wala siyang masasabing malpit na kaibigan sa La Salle dahil pagkatapos ng klase ay Dumiretso na siya ng uwi sa bhay. Hatid sundo siya ni Mang Taec kaya hindi siya nahihirapan na mag-commute.
"Kamusta ang pag-aaral mo?"tanong ni Aj nang umuwi ito ng rancho Medel noong semestral break.
"Okay lang namn. Mataas ang grades ko"..
"Good. Galingan mo para matupad mo ang pangarap mo.
![](https://img.wattpad.com/cover/34569515-288-k969271.jpg)
BINABASA MO ANG
STILL LOVING YOU
RomanceNaging nobyo ni Rein si AJ nang tumira sita sa poder ng kanyang estranged father, na hindi siya nito itinuring na tunay n anak. AJ was her fortress, hanggang sa sumulpot ang half sister niya n matagal nang may gusto sa lalaki. Pinagtulungan s...