ISANG estranghero ang nadatnan ni Rein sa kusina, nagkakape kasalo sina manang Jhoymie at lianee.
"Rein, halika kape na tayo", yaya ni Lianee sa kanya. Naging close sila nito.
Ngumiti siya. " Magdadala muna ako ng pagkain kay Papa".
"At malulungkot ka na naman mamaya dahil sisimangutan ka na namn ng papa mo. Ikaw talaga. Ako na lang kaya ang magaakyat ng pagkain niya"?
Sa apat na araw na pamamalagi niya sa bahay na iyon, arw-araw ay siya ang nag-aakyat ng pagkain ng kanyang ama sa silid nito. Pero tuwina ay malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Parang laging mainit ang dugo nito kapag nakikita siya. Pero ayw niyang mawalan ng pag-asa. Hindi siya panghihinaan ng loob. Gusto kasi niya na mapalapit ang loob nito sa kanya.
"Baka naman pnsinin na niya ako ngayon, "sabi niya, saka npatingin sa lalaki dahil nakatingin din ito sa kanya. Guwapo ito. Artistahin ang mukha at maganda ang bulto ng pangangatawan. Medyo sunog nga lang ng kaunti ang balat nito.
"Magandang umaga Rein, bati nito.
Napatango lang siya." Magandang umaga rin".
"Siya ang bunso kong anak, Rein sabi ni manabg Jhoymie.
"Ah, ikaw ba c Athan Joseph, yong nag-aaral sa UP Los Banos? "
Napakamot ito ng batok habang nakangiti. "Sina nanay at Lianee lang ang tumatawag sa akin ng " Athan Joseph rito. At kahit na ilang milyong beses ko na silang pinagsabihan na tawagin na lang akong "AJ". Kaya tawagin mo na lang akong AJ sabi niya kay Rein.
Natawa siya. "Bakit ba nagagalit ka, eh, yon naman yata ang tunay mong pangalan, di ba? "
"Hindi sa nagagalit ako, pero mas mahirap bigkasin ang "Athan Joseph kaysa sa AJ. Kaya tawagino rin akong AJ.
"Mas gusto ko rin yatang tawagin kang Athan Joseph "".
Tumirik ang mga mata nito. "Naku, may isa pa palang kontrabida rito. "
Natawa siya sa reaksiyon nito.
Nabahiran na uli ng lungkot ang masiglang pakikipagkuwentuhan niya sa mag-iina nang pumasok siya sa silid ama at muli siya nitong sininghalan.
"Matigas talaga ang ulo mo, ano? Sinabi ko na sayong huwag ka nang mag-akyat ng pagkain dito di ba? "
"Pa, gusto ko lang hong tumulong sa mga katulong. Wala naman akong ginagawa at tatay ko naman kayo. Gusto ko kaung pagsilbihan para naman matuwa kayo sa akin. "
"Puwes, hindi ako natutuwa!!! Lalo lang bumibigat ang pakiramdam ko tuwing nakikita kita!!!!!! "
Shocked na shocked siya sa sinabi nito. "P-papa...
"Kaya kong ako sayo, umiwas ka na sa akin.
Magpasalamat ka nga at tinanggap pa kita rito sa pamamahay ko!!! " Kung ayaw mo na paalisin kita rito,puwes huwag mo akong buwisitin! ""
Hindi na niya napigilan ang pagluha nang makalabas siya ng silid nito. Bumaba agad siya at lumabas ng bahay. Sa likod bahay siya humantong at pasalampak na umupo sa malinis n Bermuda grass. Sa sulok niyon ay may maliit ma grotto. Doon ay tahimik siyang umiyak. Kung hindi pa niya narinig ang mga yabag na papalapit sa kanya, hindi pa siya titigil.
Iyakin ka pala, "
BINABASA MO ANG
STILL LOVING YOU
RomanceNaging nobyo ni Rein si AJ nang tumira sita sa poder ng kanyang estranged father, na hindi siya nito itinuring na tunay n anak. AJ was her fortress, hanggang sa sumulpot ang half sister niya n matagal nang may gusto sa lalaki. Pinagtulungan s...