Chapter xL
Puno man nang reklamo ay wala nang nagawa si Nathan kundi sumagot. Sa matagal ko nang pag-iikot ikot dito sa Princeton Academy ay nakita ko na na ang field sa likod ng school ang pinaka the best na lugar upang mag-ensayo. Bukod sa ganitong oras ay nakauwi na ang mga estudyante, wala ring gaanong maingay. Kaming dalawa lang ang magkasama rito. Walang makakaistorbo sa gagawin naming ensayo.
"Tanggalin mo na ito ano ba!"
Tinanggal ko ang posas sa kamay ko. Nanlaki ang mata nya noong makita na may extra pa pala akong susi pero hindi ko ibinigay sa kanya.
Ipinosas ko ang posas sa may kalapit na puno kasama nya. Ngumisi ako bago ibinalik sa bulsa ang spare key na hawak ko.
"Sira ulo ka na ba? Kalagan mo ako Dora kung hindi!"
"Kung hindi ano?" hamon ko sa kanya.
Todo man ang pagkakalag na ginagawa nya ay wala itong epekto. I can see the frustration in his normally smirking face.
"First and foremost bago tayo magsisimula, I have three rules."
Suminghal sya sabay sabi nang, "Ayoko magtraining" pero ipinagsawalang bahala ko na lamang ito at ipinagpatuloy ang sinasabi ko.
"First, right after ng uwian ay dito ang diretso mo, same place, same time, wala nang iba."
Hindi nya ako pinansin. Ang buong atensyon nya ay nakatutok kung paano nya makakalas ang sarili sa posas na ipinosas ko rin sa may puno.
"Second, you will give me your number."
Bumalik ang pamilyar na ngisi sa mukha nya. "Sabi ko na eh, kaya mo gustong ipagpatuloy ito para makuha ang number ko. Excuse me, pero hindi ko kasi ibinibigay kung kani-kanino lang ang number ko. Mahal yun." Kindat nya sa akin.
Ang yabang.
"Mawalang galang na rin sayo pero hindi yun ang intensyon ko." I rolled my eyes at him. Bago pa sya makapagreklamo ay kinuha ko ang cellphone sa bulsa nya, sinave ang number ko bago tinawagan ang akin para masave ko ang number nya. Ibinalik ko agad ito sa bulsa nya.
"Wow ang bilis mo ah!"
Ipinakita ko ang cellphone ko sa kanya. "Kapag tinawagan kita dapat within the second ring ay sasagutin mo na dahil kung hindi, dadagdagan ko ang oras ng training mo. Maliwanag?"
"So anong huling kundisyon ang meron ka? Tatawagin kitang boss? Master?" Tinatamad nyang sagot while mocking me.
"Papasok ka na sa school regularly. No skipping. No late attendance."
"So ikaw ni principal Reyes ngayon?"
"Paano natin maisasakatuparan ang lahat ng iyon kung wala ka naman sa klase?" katwiran ko. "Isa pa, parte yun ng training mo, to be always be on time and to be always present in important things as much as possible." Sandali ko syang pinagmasdan. "Maliwanag na ba ang lahat? Simulan na natin?"
"Paano natin sisimulan kung nakaposas ako?"
"Pwede kang nakatraining ng ganyan."
"Mahihirapan ako." matter-of-factly nyang sagot. Walang emosyon. Parang nagbibigay lang sya ng opinyon.
"Problema ko ba yun?"
"As far as I know Dora, walang nagtratraining ng nakaposas ang kamay at nakadikit dito sa may puno." Aba kung makairap parang babae.
"Papakawalan kita tapos ano? Tatakbuhan mo ako?"
"Why not?" he lazily smiled. Tumigil na sya sa pagpupumiglas na ginagawa nya at sumandal sa may puno. Meron sa mga ngiti nya na tila ba hinahamon ako. Pero sa ikalawang banda alam ko na ang ngiti na ito ang isa sa mga bagay kung bakit nahuhulog ang mga tangang babae sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Seventh Rose
Mystery / ThrillerWhat will you do if you have nothing to lose? First posted on Wattpad © 2013 Revised Version © 2017-2018 by Wistfulpromise.