Chapter xxxix
Hinanap namin ni Rico si Nyree pero hindi namin sya mahanap. Hanggang sa nagutom na rin ang loko sa kanina pa namin na paglalakad sa school. Iniwan nya akong mag-isa dahil kakain muna raw sya.
Tulad ng madalas kong ginagawa, pumupunta ako sa art room ni Ms. Christina para tulungan sya. ang pag-aayos at pagvovolunteer na tumulong sa klase ay isang maliit lang na bagay kasi dahil dito hindi nila ako sinumbong ni Principal Reyes kay papa noong ginawa ko yung Lotus Flower painting.
Kasalukuayn akong naghuhugas ng mga ginamit na brushes ng mga estudyante noong nakita ko na napadaan si Souta sa classroom kung nasaan ako. Tatawagin ko sana ang pangalan nya pero nakita na nya ako.
"Kamusta? Long time no see!" bati nya sa akin. Sumandal sya sa may pintuan. Nandoon ang pamilyar na ngiti sa kanyang labi.
"Ayos lang. Ikaw ba? Anong ginagawa mo rito sa Princeton?" Ang pagkakaalam ko kasi ay hindi sya estudyante rito.
"May hinahanap lang ako."
"Sino?"
"Isang babae."
"Ang daming babae rito sa school. Wala man lang bang specific answer?" taas ko ng kilay. Pinupunasan ko na ang mga brushes ngayon bago sila maayos na iniligay isa isa sa paglagyanan.
"Basta."
"Sabi mo eh."
Gayunpaman, sa nakikita kong pagningning ng mga mata nya tingin ko alam ko na kung anong sagot sa tanong ko.
"Alam kong hindi ka estudyante rito pero buti nakakalabas pasok ka ng walang problema." Kundi lang siguro ako nakausap si Serene at binigyan ng pagkakataon upang mapatunayan ko ang sarili ko, tiyak matagal na akong wala rito.
"Well, kaibigan ko ang may-ari eh so I'm free to roam around as much as I please."
Natawa ako ng konti sa kayabangan ng boses nya. Tumunog ang cellphone nya at mabilis nya itong kinuha mula sa bulsa.
"Uh-oh, I have to go kundi may magagalit na dragon. By the way, nice talking to you Leira." kumindat pa sya sa akin bago umalis. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na makasagot dahil masyado syang mabilis. Natatawa akong napailing habang bumalik ako sa ginagawa ko. Binigyan ko pa ng isang huling tingin ang kanina lang ay kinatatayuan nya. Bakit kaya ang gaan ko ng loob ko sa kanya?
Pagkatapos ng klase ay hinanap ko agad kung nasaan si Nathan. Hindi sya pumasok sa mga klase namin. Nasaan na naman kaya yung isang yun? May training pa kami na kailangang gawin. Hindi nya ako pwedeng basta basta na lang takasan.
Naglalakad ako noong nakasalubong si Nyree. Sa pagkakakita pa lang sa kanya ay bigla na akong natuwa dahil naalala ko si Rico. Kung alam lang nya kung gaano sya kaswerte. May nagmamahal sa kanya ng hindi nya alam. Isang lalaki na kalog man ang ulo, masaya namang kasama.
Kumaway ako sa direksyon nya. "Nyre--" salitang hindi ko na naituloy. Kapansin pansin kung paano nya ibinababa ang tingin bago nagmadali na naglakad palayo. Nalulungkot ako pero ayokong ipakita iyon sa mukha ko. Hindi ko akalain na minsan na nga lang ako magkaroon ng kaibigan ay mauudlot pa. Hindi ko gaanong nakakasama si Nyree ngayon. Hindi ko na rin sya gaanong nakakausap. Alam ko na magmula ng malaman nila na parte ako ng gang ay may nagbago. Sigurado na sinabi sa kanya ni Kelly na hindi ako isang magandang impluwensya kaya kailangan na nya akong layuan.
Ayos lang. Sanay na ako. Pero alam ko rito sa puso ko, nalulungkot ako.
May humawak sa balikat ko mula sa likod at biglang naging tense ang katawan ko.
"Leira," Humarap ako at nakita si Serene sa harap ko. "Gusto mong mag-hot chocolate?" May magaan na ngiti sa labi nya.
Magtatanong sana ako kung bakit biglaan na lang pero noong napagtanto ko na napatingin sya sa dinaanan ni Nyree kanina marahil nakita nya... nakita nya ang lungkot sa mata ko noong iniwasan ako ng taong tinuturing ko nang kaibigan.
BINABASA MO ANG
The Seventh Rose
Misteri / ThrillerWhat will you do if you have nothing to lose? First posted on Wattpad © 2013 Revised Version © 2017-2018 by Wistfulpromise.