Chapter xvi ~ Pinta

21.5K 346 22
                                    

Chapter xvi

Gabi gabi ay palagi na lang dumadalaw ang babaeng nakaputi sa panaginip ko. Paulit ulit na ganun ang nangyayari, paulit ulit kong nakikita ang mukha nya at paulit ulit nya akong binabangungot sa duguan nyang mukha. Paulit ding dumadalaw sa panaginip ko ang libro na naglalaman ng listahan ng 'The Seven Roses'. Ilang beses kong sinubukang buksan, maniwala kayo. Pero ilang beses din akong nabigo. 

Hindi ko alam kung bakit nagpapakita ang mga ito sa akin. May gusto ba itong sabihin? Gustong ipahiwatig? O sadyang ginugulo lang ako ng isipan ko sa lahat ng mga nagawa kong kasalan? 

"Leira sabay na tayong pumunta sa detention mamaya ah." boses ni Nyree na nakaputol sa tren ng mga posibilidad na umaandar sa utak ko. 

Kasalukuyang nasa labas ang mga estudyante ngayon para sa paglilinis ng garden ng mga bawat section. Sabi nila every year daw itong nagaganap. Nakikisabay na lang ako sa agos kahit wala naman talaga akong alam. Halos magkalapit ang section namin ni Nyree kaya habang nagpapahinga, umupo muna kami sa may tabi para magkwentuhan saglit. 

"Sige." sagot ko. Habang pinagmamasdan namin ang buong paligid, napansin namin si Kelly di kalayuan na nagdidilig. Tinawag sya ni Nyree. 

"Kelly! Punta ka rito!" Lumingon sya kay Nyree at kumaway pabalik. Sumenyas ito na 'teka lang' at wala pang ilang sandali, kumakaripas na ito ng takbo papalapit sa amin. 

"Masyado kang serious sa pagdidilig sis ah. Pwede mo ng palitan si ate Desi sa garden nya." biro ni Nyree. 

"Loka loka! Sa tingin mo ba nag-eenjoy ako? Eh ubod kaya ng tamad yung mga kaklase ko! Hindi sila nakikinig sa teacher namin kaya ako na ang nagkusa." 

"Dapat sinemonan mo sila isa isa! Kung hindi madaan sa santong usapan--" tumingin si Nyree kay Kelly na may nakakalokong ngiti at pagkatapos sabay silang nagsalita. 

"Idaan sa santong brutalan!" 

Humagikgik sila ng tawanan sa tabi ko. Sa tingin ko isang inside joke ang sinabi nila dahil grabe sila kung makatawa. Sana lang alam ko kung ano ang ibig sabihin nun para makasali rin ako sa kanila.

"Brutalan talaga?" nangingiting tanong ko. Nakakagulat lang na ito ang mga lumalabas sa mga bibig nila. Alam kaya nila ang ibig sabihin ng mga pinagsasabi nila? 

"Oo naman. Doon kami pinalaki eh. Lose or win. Fight or die. Kapag sumuko ka, talo ka. Ayun yun laging tinuturo sa amin ni maste--" 

Tinakpan ni Kelly ang bibig ni Nyree bago pa nya matapos ang sinasabi nya. Kabado syang tumawa sa harap ko. 

"Haha! Too much watching action drama Nyree! Baka maniwala sayo si Leira eh!" Tawa pa nya sabay patagong kurot sa kapatid. 

"A-aray!" Tinanggal ni Nyree ng kamay ni Kelly sa bibig nya. "Sabi ko nga eh." Pero noong nagkatinginan sila sa mata, sabay ulit silang natawa. Naguguluhan na tuloy ako sa kanilang dalawa. 

"So ano pa lang plano natin?" out of the blue ay tanong ni Kelly. "Nakausap ko yung ibang mga estudyanteng kasama natin na may detention at parehas din silang sinabihan ni Ms. Christina ng kundisyon na ibinigay nila sa atin. Do some artwork in the wall within seven days, and then we're free in our two weeks detention. But do you know what's the catch?" 

"Ano?" sabay naming tanong ni Nyree. 

"Ginawa itong contest ni Ms. Christina between their group and our group. Kaya ngayon, grabe na ang pag-aaligaga ng kabilang grupo para matapos at mapaganda ang ginagawa nilang artwork sa may pader. At sa nakikita ko, mukhang maganda ang idea nila." 

"Ano bang ideya nila sis?" 

Tumingin si Kelly sa kapatid. "Gumagawa sila ng mural painting." 

The Seventh RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon