Chapter xi
Tumingin ako sa kanan at kaliwa. Lahat ng mga kaklase ko ay excited sa gagawin namin sa klase ngayon. Umiling ako at humikab ng napakalalim. Mag-uumpisa pa lang ang araw pero ang tangi ko na lamang gustong gawin ay umuwi at magkulong sa bahay.
Mga alaala mula sa mga nangyari kahapon ay muling nagbabalik sa isipan ko.
Ang bwisit na manyak na yun.
"Okay class, bring out your art materials and let's start our lesson for today."
Nagulat ako ng bigla na lang nagsilabasan ng kanya kanya nilang mga gamit ang mga kaklase ko. Ito ang mahirap sa lutang ang utak. Hindi mo alam kung ano ang nangyayari sa paligid.
Humusog ako ng konti at kinalabit ang katabi ko. Napakamot ako ng ulo at nahihiyang ngumiti sa kanya noong tumingin sya sa akin.
"Uhm. Excuse me? Ano raw gagawin natin? Pasensya na hindi ko kasi narinig eh."
"Ah wala yun ano ka ba okay lang." May magaan na ngiti sa mukha nya na nagpapalitaw ng maaliwalas nyang mukha. "Sabi raw ilabas yung mga art materials dahil yun daw ang gagamitin natin ngayon."
Oh. That. May sinabi ba ang teacher namin na magdala ng art material kahapon? Wala kasi akong maalala kahit anong hukay ang gawin ko sa utak ko. Kung meron man siguro hindi lang talaga ako nakinig.
Urgh. Ano bang nangyayari sayo Leira?
"Okay ka lang?" Tumingin ako sa kaklase ko. Nakita nya siguro kung gaano kumunot ang noo ko matapos nyang sagutin ang tanong ko.
"Ah eh, o-oo." Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. "Ano ba raw ang gagawin?"
"Project daw para sa bago nating lesson. Magpapaint tayo. Excited na nga ako eh!"
Magpapaint? Nakaramdam ako ng excitement dito sa puso ko na matagal ko ng hindi naramdaman. Bakit ko nga ba nakalimutan na may Art Class ako para sa taon na 'to? Malamang magpapaint kami at gagawa ng mga bagay tungkol sa sining ng pagpipinta, pagguhit, at marami pang iba. Simpleng pagguhit at pagkulay siguro sa papel ay pwede pa. Pero ang magpaint sa canvass? Hindi ko na nga maalala kung marunong pa akong humawak ng brush.
Lahat ng gamit na ginagamit sa art class ay provided na mismo ng school. Bale ang 'art material' na lang na tinutukoy ng teacher namin ay ang sketchbook at mangilan-ngilang lapis na gagamitin namin sa rough draft ng ipipinta namin sa bagong lesson ngayon.
Inilabas ko ang sketchbook mula sa bag ko at sinimulang magsketch-sketch. Sa tingin ko kailangan kong pumunta sa office at ipapalit ang subject na 'to sa iba. Lagot talaga ako kapag nalaman ni papa ang tungkol sa bagay na 'to.
"Art Class? Pagpipinta? Kalokohan. Wala kang mapapala riyan."
Iyan ang paboritong sabihin sa akin ni papa noon kapag inilalabas ko ang usapang ito sa kanya. Dati mahuli lang nya ako na may hawak na brush pinapalo na ako. Sa tagal na rin ng panahon natuto na ako. Ayaw ko ng mapagalitan. Ayaw ko ng masaktan. Ang gusto ko na lang ay ang makatakas kay papa at mabuhay ng malaya mula sa kanya. Kaya hanggat nasa puder pa nya ako, pipilitin kong sundin ang lahat ng gusto nya. Kahit na ba sa loob ko, gusto ko na lamang matapos ang yugto na 'to ng buhay ko.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa teacher namin na nakaupo sa mesa nya. Nagpeke-pekean ako ng ubo para makuha ang atensyon nya. Kabado akong ngumiti sa kanya.
"Ah sir? Pwede po ba akong pumunta sa office? May kailangan lang po kasi akong itanong at ipagpaalam, kung okay lang po?"
Nabura ang kaba sa dibdib ko noong makita syang tumango. Pagkatapos nito ay bumalik na sya ulit sa mga ginagawa nyang paper works. Nagmadali na akong lumabas ng classroom bago pa magbago ang isip nya.
BINABASA MO ANG
The Seventh Rose
Mystery / ThrillerWhat will you do if you have nothing to lose? First posted on Wattpad © 2013 Revised Version © 2017-2018 by Wistfulpromise.