Chapter xLiv ~ Balatkayo

7.5K 276 44
                                    

Chapter xLiv

Gabi na noong nakauwi ako sa apartment ko. Kasalukuyan ko pa lang na tinatanggal ang sapatos ko noong marinig kong magvibrate ang cellphone ko. Iilang tao lang naman ang may alam ng number ko kaya alam ko na kung may tumawag man, importante ito.

"Rose, ito na ang pang-lima."

Marinig pa lang ang boses nya sa kabilang linya, napapaalisto na ako ng tayo.

Heto na... Heto na ang pang-lima kong rosas.

Ibinaba ko ang cellphone na nakatulala sa kawalan. Sa wakas malapit na, sa pang-lima na ako. Malapit na rin akong matapos. Dalawang pangalan na lang Leira makakalaya ka na.

Pumasok ako sa may bandang sala ng apartment ko. Bubuksan ko pa lang sana ang ilaw noong may nagsalita. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko.

"Katatawag lang ng papa mo hindi ba? Sinabi na nya sayo ang ika-lima mong rosas."

Dali dali kong kinuha ang baril ko, kinasa sabay tutok nito sa direksyon nya. Mula sa bintana kung saan may liwanag ng buwan mula sa labas, naaninag ko ang isang lalaki na nakadekwatro ng upo.

Hindi ganun kalinaw ang lugar kung nasaan sya pero kilala ko ang boses na yun. Hindi ko sya basta basta makakalimutan.

"Marcus." tiim baga kong sambit.

Ramdam ko ang pagsilay ng ngiti sa labi nya noong nagsalita sya.

"My oh my, my dear Leira remembers my name. It is such an honor."

"Anong ginagawa mo rito? Umalis ka na."

"Why so fast? I just got here." May narinig akong parang may ginagalaw sya sa may gilid. Mas lalo akong naging alisto. Hindi ko inilayo ang baril sa direksyon nya. "And I just saw your paintings. They are incredible."

"Anong ginagawa mo rito? Nagtretrespass ka!" Sino sya para pakiaalaman ang mga gamit ko. Kumukulo ang dugo ko sa kanya.

"Hmm.. the last time I check, bukas ang pintuan mo dear. I just let myself in."

"Wag na tayong maglaro. Anong. Ginagawa. Mo. Rito." nawawalan na ako ng pasensya sa mga laro nya na akala mo isa kaming matalik na magkaibigan.

"May sasabihin sana ako sayo pero narinig ko na ang usapan nyo ng papa mo kaya hindi ko maiwasang makinig ng konti. I just learned from today na kabibigay lang pala ng papa mo ng pang-lima sa listahan mo. Which is awesome! Two more left Leira then you're free!"

Sino ba talaga sya? Bakit ba alam nya ang tungkol sa listahan na ibinigay sa akin ni papa?

"I'm just here to offer something. Something about your fifth rose dahil alam kong mahihirapan ka sa kanya."

"Hindi ko kailangan ng tulong mo."

"I don't think so. Gusto mo bang panatilihan yang pride mo at habang buhay na sunod sunuran sa papa mo? O papayag ka sa plano ko at magiging malaya ka ng mas mabilis pa sa inaasahan mo?"

Hindi ako sumagot.

"Maria Jenna Avana hindi ba? Sya ang ika-lima mong rosas."

Hindi na ako tuluyang nakasagot sa gulat dahil hindi sya nagkakamali sa sinabi nya.

"Tsk, tsk. She's notorious don't you know that? An incredible, talented and a gifted lady when it comes to fighting. At hindi iisang simpleng assassin lang na tulad mo ang makakapagpabagsak sa kanya."

Sino ba ang babaeng yun at mukhang kilalang kilala nya? Gayunman, kahit pa puro positibo ang sinabi nya tungkol sa kanya, naroon sa boses nya ang pagkasulasok sa pagbanggit pa lamang nung ika-lima kong rosas. I can hear his hatred. I can feel his despise about this woman.

The Seventh RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon