Chapter vi
Papasok na ako sa cafeteria ng bigla na lang itong dahan dahang sumara. Hala! teka! Hindi pa ako nakabili ng lunch!
"Wait! Sandali lang!"
May isang babae na katulad ko na tumatakbo rin papunta roon sa direksyon ng malaking pinto ng cafeteria na pasara na. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkabangga pa kami kaya parehas kaming natumba sa sahig. Tiningnan namin ang pinto at sabay na napabuntong hininga ng makita na sarado na ito. Tinulungan ko syang pulutin ang mga nalaglag na krayola at lapis sa bag nya mula sa pagkakabangga namin. Nagkalat na kasi ito at hindi na sya magkanda-aligaga na pulutin ito.
"Naku hindi mo na kailangang pulutin yan. Nakakahiya naman sayo."
Sinubukan nya akong pigilan pero nagpumilit ako na tulungan sya at pulutin ang mga nagkalat nyang gamit sa sahig.
"Okay lang. Kasalanan ko rin eh hindi kita napansin. Nagkabangga tuloy tayo."
May pinulot akong lapis sa may bandang paanan nya at napakunot noo ng mapansin na nakaconverse sya imbes na black shoes na tulad ng suot ng lahat ng estudyante tulad ko. Di ba bawal ang hindi sumunod sa dress code? Yan ang alam ko na ilang beses na sinermon sa amin ng lahat ng teacher ko. Eh bakit sya nakakapagsuot ng ganun? Weird.
"Salamat ah." Inilagay na nya lahat ng gamit nya sa bag. Nakita ko syang napabuntong hininga ulit bago tumingin sa pinto ng cafeteria na ngayon ay nakasara na.
"Hindi naman madalas isinasara ang cafetria tuwing lunch. Ngayon lang nangyari 'to."
May naririnig kaming malakas na ingay, hiyawan at tilian mula sa loob. Noong tumingin ako sa paligid halos dalawa na lang kami ng babae ang nandito sa labas ng cafeteria. Ano kayang nangyayari sa loob at kailangan pa nilang isara ang pinto?
"Ganun ba kasikat ang Princeton Band na yun dito?" maya't maya ay tanung ko, puno ng kyuryosidad sa aking tono. Mula sa pinto ay nilingon nya ako. Nagulat ako dahil sa sobrang ka-cute-an ng babaeng nasa harap ko. Maganda sya, oo. Pero para sa akin mas nanalaytay ang kacute-an kaysa sa kagandahan. Bukod pa roon ay napakasimple nyang manamit, walang burloloy sa katawan at kahit make-up wala. Sa tingin ko hindi nalalayo ang edad namin sa isa't isa. Pwede ko kaya syang maging kaibigan?
"Bago ka rito?" ngiti nya. Ganun nga ba ako ka-obvious? Kung sabagay, lahat ng estudyante rito lalaki man o babae kilala ang bandang yun at ang mga 'Prinsipe' na tinutukoy nila samantalang ako walang kaideideya kung sino sila.
Tumango ako bilang sagot.
"Kung ganun welcome to Princeton Ellipses Academy! Siguradong mag-eenjoy ka rito."
Meron sa mga ngiti nya na napakagaan ng loob ko. Parang feeling ko sa mga ngiti na yun, sya yung taong pwede mong mapagkatiwalaan. Hindi ko namamalayan na may gumuguhit na rin palang ngiti sa mukha ko dahil sa pinapakita nyang ngiti sa akin. Isang bagay na hindi ko madalas gawin.
"Hmm..." tumingin ulit sya sa pinto tapos pabalik sa akin "Gutom na ako. Bibili ka rin ba sana ng lunch?"
"Sana. Pero sinara na nila bago pa ako makapasok eh."
"Last year hindi naman sila ganyan eh. Masyado lang yatang namiss ng mga schoolmate natin ang mga 'Prinsipe' nila kaya nagkakaganyan sila. Nagseselos na tuloy ako. Sinosolo nila sila eh."
"Wag mong sabihing fan ka rin?" Ganun ba talaga kasikat ang mga lalaking yun? Nacucurious na tuloy ako sa mga itsura nila.
"Fan? Malayo na ata ako sa level na yun. Mahal ko sila eh. Lalo na yung sungit na yun."
BINABASA MO ANG
The Seventh Rose
Mystery / ThrillerWhat will you do if you have nothing to lose? First posted on Wattpad © 2013 Revised Version © 2017-2018 by Wistfulpromise.