Chapter Liii
Leira.
Kanina pa ako kinakausap ni Sync. Madalas puro kalokohan at kapilosopohan lang ang pinagsasabi nya. Lutang ang utak ko kaya hindi ako nakikinig sa kahit anong sinasabi nya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na pinatay nila si mama.
Paano nila yun nagawa sa kanya? Paano?
Pinunasan ko ang tumulong luha sa mga mata ko bago pa ito mapansin ng kahit sino man. Tama si Marcus. Dalawa pa ang tatapusin ko sa listahan ko. Mabibigyan ko na rin ng hustisya si mama. At ang pang-anim sa listahan na iyon ay sisiguraduhin kong matatapos ngayong gabing ito.
"Mamaya sumali ka sa amin ah. We will going to have a really exciting night!" sabik na saad ni Sync. Kadarating lang namin sa harap ng apartment building ko.
"May gagawin pa ba kayong iba?"
"May plinaplano sina Dal. Isa ang nanay ng bagong gangster queen kung bakit nawala ang nanay mo hindi ba? Ito na ang oras mo para makabawi ka."
"Bakit? ano bang plano nyo?"
"Plano naming kunin ang isa sa pinaka-importante sa kanya. A tooth for a tooth. An eye for an eye." kindat nya sa akin. "This will be a hell of a night!"
"At sino ang target nyo?"
Ngumiti muna sya sa akin bago nagsalita. "Sikretong malupit! Kaya nga sumama ka di ba? Para makita mo."
"Ang pang-anim na rosas ko... iyon ang sadya ko roon wala nang iba."
"Wow. Wala ka man lang bang kaexci-excitement dyan sa katawan mo? Paano ang paghihiganti?"
"I have my own ways."
"Hindi mo kami isasama?"
Malamig ang tingin na ipinukol ko sa kanya.
"May misyon ako. May misyon kayo. Hiwalay na daan ang tatahakin natin."
"Hiwala na daan, pfft. Parehas lang."
Binuksan ko na ang pinto at lumabas.
"Sunduin kita mamaya-maya. Sabay sabay na tayong pumunta sa target place."
Kumaway na lang ako sa kanya para umalis na sya. Wala akong panahon na makipagchikahan pa dahil marami akong kailangang gawin.
Inilabas ko ang lahat ng natatago kong baril pagkapasok sa kwarto ko. Nagpalit na rin ako ng damit. Itim ang kulay ng suot ko mula ulo hanggang paa. Ipinasok ko isa-isa ang mga baril sa isang itim na bag. Pagka-zipper nito ay isinukbit ko na ito sa balikat ko.
May ilang beses nang tumawag sa akin si Hollis. Tinitigan ko lamang ang cellphone ko hanggang sa tuluyan itong namatay mag-isa mula sa kaka-ring na ginawa.
Hindi ngayon. Hindi nya kailangang madamay sa laban na ito.
Hindi rin nagtagal noong sinundo ako ni Sync sa eksaktong lugar. Ang sabi sa akin ni Marcus ay may mangyayari raw na pagsugod. Isang gang war na matagal na nyang pinaghahandaan na mangyari noon pa man. Ito raw ang pagkakataon ko upang matapos ko ang ika-anim kong rosas. Bibigyan nya ako ng oras upang magawa ko iyon. At ito, ang oras na iyon.
Sa isang kakahuyan ang naging destinasyon namin. Sinabi ni Sync sa akin ang ilan sa mga plano nila ngunit hindi ganun kadetalye. Iniwan nya akong mag-isa pagkatapos. Pumasok sya sa isang abandonadong gusali kung saan daw naghihintay ang iba sa mga kasama nya sa loob.
Sobrang tahimik. Liwanag lamang mula sa buwan ang nagsisilbing liwanag sa paligid.
Umakyat ako sa isa sa mga puno na naroon. Mas mataas, mas maganda. Doon ako umupo at pumwesto. Nag-iisip kung ano ang mga hakbang na gagawin ko para sa gabing ito.
BINABASA MO ANG
The Seventh Rose
Mystery / ThrillerWhat will you do if you have nothing to lose? First posted on Wattpad © 2013 Revised Version © 2017-2018 by Wistfulpromise.