Chapter xLixGumising ako ng madaling araw na halos hindi makahinga. Ang panaginip ko kasama ang babaeng yun... Habang tumatagal mas lalong lumalala ng lumalala.
Ang babaeng duguan na iyon.. Lumalabas sa salamin at halos abutin na ako. Mayroon pa syang sinasabi. Parang ibinubulong nya ang pangalan ko. Ano ba... ano na ba talaga ang gusto nyang mangyari?
Halos wala akong tulog noong pumasok ako sa school. Sa klase ay nakapatong lang ang ulo ko sa may braso. Ipinikit ko ang mga mata habang nakasandal sa may mesa. Nakakabagot ang klase namin dahil wala ang adviser namin kaya subsitute lang ang narito.
Ang sabi ko sa sarili ay ipipikit ko lang ang mga mata ko sandali. Akala ko sandali lang talaga ang lumipas kaya ganun na lang ang gulat ko noong may yumuyugyog sa akin sa may braso. Sisigawan ko pa sana na hayaan ako sa ginagawa ko ngunit noong nakita ko ang oras, tapos na pala ang unang klase!
"Hala, hala." mabilis kong inayos ang mga gamit ko. ang masaklap pa ay nagsilaglagan sila mula sa mesa ko. Inis ko itong pinulot sa baba. Sa may tabi ko ay may narinig akong pamilyar na pagtawa.
"Sinong..." inilipat ko ang tingin sa may gilid ko at nakita ang pang-asar nyang ngiti na kinaiinisan ko.
"So clumsy. Natulog ka na nga sa klase, ikaw pa ang may ganang magalit at mainis kapag may nang gising sayo. Ayos ka rin ah." Nakahalukipkip ang mga kamay ni Nathan habang nakasandal sa may upuan sa gilid.
Teka, kanina pa ba sya nandito? Huwag mong sabihing nakita nya ang mukha ko habang natutulog?
Inirapan ko sya. Mas lalo kong binilisan ang pag-aayos ng gamit ko. Noong nakuha ko na ay nagmadali akong lumabas ng pinto. Nahawakan nya ang bag ko.
"Teka lang, hinintay kitang magising. Hindi mo man lang ba ako hihintayin na lumabas?"
"Ewan ko sayo." hinila ko ang bag ko para bawiin ito. Sa labas ay hinabol nya ang bilis ng paglakad ko.
"Ang sungit nito. Alam mo Dora mas lalo kang nagmumukhang matanda kung ganyan ang mukha mo. Ikaw naman nang-iiwan ka, may gagawin pa tayo diba? Tutulungan mo pa ako kay Nyree."
Nyree. Nainis lang ako. "Sino ba nagsabing pumapayag ako?"
"Hindi pa pero malapit na. Alam ko namang hindi mo ako matitiis eh."May pangiti-ngiti pa syang nalalaman sabay taas-taas ng kilay. Grabe ang yabang ng lalaking ito. Masyadong mataas ang bilib sa sarili. Inis ko syang hinarap.
"Bakit hindi ka na lang magpatulong kay Kelly? Siguradong matutuwa yun kapag sya ang kinausap mo. Mas matutulungan ka pa nya dahil kapatid nya ang gusto mong pormahan."
Iniwan ko sya roon ng hindi nakakasagot. Nadaanan ko pa si Nyree na kasama si Rico na masayang nakikipagkwentuhan. Paano ko ba maaatim na sirain ang ganung relasyon? Si Rico na ang nauna, mukhang masaya na rin si Nyree sa tabi nya, sisirain ko pa ba yun?
Nakasalubong ko rin si Kelly na noong makita ako ay agad ding akong inirapan. Sa totoo lang wala na akong pakialam kaya binigyan ko rin sya ng masamang tingin sabay bigay ng pinakamatalim na irap na kaya kong gawin. Wag sana syang sasabay sa kawalan ko ng mood dahil kapag ako naubusan ng pasensya baka magsisi sya.
Noong sandali akong tumingin sa likod ay nakita ko na hinahabol pa rin ako ni Nathan kaya mas lalo kong binilisan ang maglakad. Sakto naman na nakita ko si Serene na dumadaan, may dala dala syang mga libro sa braso nya.
"Tulungan na kita jan," sabi ko sa kanya. Halatang nagulat pa sya sa pagdating ko. May sasabihin pa sana sya pero hinila ko na ang braso nya papasok sa isang kwarto sabay sara ng pinto.
BINABASA MO ANG
The Seventh Rose
Misteri / ThrillerWhat will you do if you have nothing to lose? First posted on Wattpad © 2013 Revised Version © 2017-2018 by Wistfulpromise.