Chapter xLvi ~ Deal

7K 265 31
                                    

Chapter xLvi


Magkapatid sina Nathan at Jace....

Sa tuwing naiisip ko silang dalawa hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.

Kambal sila... kambal sila...

Pumapasok sa isipan ko ang mukha ni Jace noong una ko syang nakitang nagsalita sa harap ng klase namin noon. Yung mga mata nya... yung mga tingin nya... 

Naaalala ko ang mga mata ni Nathan noong una kong nalaman na kaya nya palang makipaglaban, na hindi pala sya basta basta, na hindi ko pa pala nakikilala ang tunay na Nathan sa likod ng sarili nyang maskara.

Nathan...

Kung kapatid nya si Jace kung ganun, ang totoo nyang pangalan ay binubuo ng dalawang apelyido, and Rodriguez at Alvarez.

Dalawang makapangyarihang pangalan sa Gangster Society. Hindi na nakapagtataka kung bakit takot sa kanila si The Highest. Dahil sa oras na nagbuklod sila at ipinakita sa mundo na magkapatid sila, isa ang Rodriguez-Alvarez Clan sa hinding hindi na nya mapupuksa kahit kailan.

Pero bakit nga ba nya sinasabi sa akin ito? Ngayong nalaman ko na ay pakiramdam ko mas lalong bumigat ang responsibilidad na nakaatang sa balikat ko. Panibagong sikreto na kailangang itago.

Huminto ako sa paglalakad at ginulo ang buhok ko.

"Ano bang dahilan at kailangan kong malaman ang lahat ng ito?" Hindi ko namalayan na napalakas na pala ang boses ko. Tumingin ako sa paligid. Mabuti na lang at walang gaanong tao.

Bumuntong hininga ako.

Umuwi ako sa bahay, kumain, naligo at saka humiga sa higaan ko na akala mo isang zombie na gusto nang sumuko sa buhay.

Sa pagpatak ng alas nwebe ng gabi, may narinig akong kumatok sa pintuan.

Daglian akong napaupo.

Tama. Si Marcus.

Binuksan ko ang pintuan ngunit wala akong naabutang tao. Gayunpaman, isang papel ang nakita ko sa paanan ko. Binasa ko ito.


'LUMABAS KA NG BAHAY MO. 

ANIM NA HAKBANG PAKALIWA. 

SIYAM NA HAKBANG PAKANAN. 

SA LIKOD NG MGA PUNO AY ANG SIKRETO

MAGPAKITA'T MALALAMAN

TUMANGGI AY ISANG MALAKING KAWALAN.'


Tuyo at tahimik ang hangin noong lumabas ako ng bahay. Bawat hakbang na tinatahak ko ay parang ang bigat bigat sa pakiramdam. Malalaman ko ang sikreto tungkol sa kung ano nga ba ang nangyari kay mama pitong taon na ang nakalipas. Pero bakit ganun? Sa bawat paghakbang ko ay tila ba inililibing ko ang isang paa sa ilalim ng lupa?

"Leira, oh there you are!"

Nakita ko si Marcus ngunit hindi sya nag-iisa. Sa paligid nya ay may anim syang kasama.

Nanlamig ang buong katawan ko noong hinawakan ako ni Marcus sa magkabilaang balikat. Ipinakilala nya ako at ipinapakita sa mga kasama na akala mo isa syang ulirang ama na bilib na bilib sa anak nya.

Ngayon pinagsisihan ko na kung bakit pa ako pumunta rito. Gusto ko nang umalis, gusto ko ng umalis! Bulong ng utak ko. Pero bakit ganun? Hindi ko maigalaw ang mga paa ko?

May tatlo sa kasama nya ang ngumiti sa akin. Samantalang ang iba naman ay nakasandal lang sa puno at walang pakialam kung naroon man ako o hindi.

"May mga bago akong kaibigan na ipapakilala sayo Leira. Mga kaibigan na makakatulong sa atin para sa misyon mo."

The Seventh RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon