Chapter xxiii
"Pwede bang pakidalian mo jang maglakad? Ang bagal!"
"H-hoy! Sandali! Haist!"
Ipinagpatuloy ko ang maglakad. Ngumisi ako pero hindi ako huminto. Para akong modelo na naglalakad sa gitna ng mall kung nasaan kami ngayon-- sa mall kung saan kami unang nagkakilala.
This day is totally perfect. Pinabuhat ko sa kanya ang dose dosenang libro na binili ko sa National Bookstore kani-kanina lang. Kanina pa kami naglalakad lakad pero wala kaming kibuan sa isa't-isa. Puro senyas lang ang ginagawa ko sa kanya sabay taas ng kilay sa tuwing nagrereklamo sya. Blanko man ang tingin ko kapag nakaharap sa kanya, kapag nakatalikod na hindi ko na mapigilan ang ngisi na namumutawi sa mga labi ko. Ngisi ng pagkapanalo.
Senenyasan ko sya na ibaba ang mga gamit ko. "Pakilagay na lang jan at may bibillhin ako sandali."
Sa itsura na ipinapakita nya sa akin ngayon, alam ko, pinipigilan nya ang sarili na wag mainis. Turo jan, turo dito. Utos doon, utos jan. Sa nakalipas na magkasama kami iyon lang ang ginagawa ko sa kanya. Ginawa ko syang alila habang ako ang nagsasaya.
"Okay ka lang? Paghihintayin mo ako rito habang bitbit-bitbit 'tong dose-dosena mong bag? Ha. Swerte mo naman." Kung nakakapagsalita lang siguro ang mga mata. Sa tingin na ipinapakita nya sa akin tiyak, isinusumpa na nya ako.
"Wow thanks. Napakagentleman mo talaga kahit kailan. Wag kang mag-alala kapag natapos na ang araw na ito, kanya kanya na ulit tayo."
"Oh hell! How I wish that to happen."
Tinaasan ko sya ng kilay. "Baka nakakalimutan mo, ikaw ang naglagay sa sarili mo sa posisyon na ito."
"Yun nga eh. The greatest mistake of my life." Tumingin sa ibang direksyon na parang tinatamad na marinig ang sasabihin ko. He practically rolled his eyes in front of me.
"Well too late." Pero ang totoo nyan, gustong gusto ko ng kutusin ang lalaking nasa harap ko ngayon. Wala naman syang ginawa kundi magreklamo. Buhay mayaman nga naman oo.
"Anyway, naaalala mo ba itong lugar na ito? Itong mismong mall na ito, ito yun eh. Kung ano man ang nangyayari sayo, bagay na bagay naman sayo, parusa na rin yan ng kamanyakan mo nung una tayong nagkita."
"Hindi nga kasi ganun yung nangyari!- ugh! I hate this. Why don't you even listen to me?"
And I won't really listen to him because he is talking nonsense. Sinadya kong isara ang dalawa kong tenga sabay kanta ng 'Lalalalala' na akala mo walang naririnig. Sa tingin ko, iyon ang unang pagkakataon na nakita kong umusok ang ilong nya sa inis. Malayo sa palagi nyang mapang-asar na itsura. Sabi ko na nga ba sa huli, sa akin ang huling halakhak.
"Oh God, you're impossible!" sabi nya noong nawalan na sya ng pag-asa sa akin.
"I know right. I am."
Matapos ang ilang ulit na paikot-ikot sa mall ay huminto rin kami. Sa totoo lang sa bawat pag-iikot ikot na iyon ay sinadya ko talagang piliin ang mahahabang daan. Dala dala pa rin nya ang mga libro na binili ko. Sya lang ang nagbubuhat at hindi ako naaawa sa kanya. Sa probinsya namin noong bata pa ako sa puder ng striktong pagtuturo ni papa, higit pa riyan ang binubuhat ko. Kaya wag nyang sabihin na hindi nya kaya. Magdusa sya.
"Kita mo nga naman o, sa dinamirami ng pagkakataon magkikita rin pala tayo ulit." ngisi ko habang umiinom ng juice na inorder. Hindi ko talaga kalain na sa dinami rami ng paaralan na papasukan ko ay sa paaralan pa kung saan sya nag-aaral. Akala ko talaga hindi ko na muling makikita ang pagmumukha nya pero heto, nasa harap ko ang lalaking nagpakulo na ng ulo ko unang beses pa lang kaming nagkakilala.
BINABASA MO ANG
The Seventh Rose
Mystery / ThrillerWhat will you do if you have nothing to lose? First posted on Wattpad © 2013 Revised Version © 2017-2018 by Wistfulpromise.