Chapter iv
Alam kong simula na ito ng buhay ko. Buhay na malayo sa gulo na syang kinalakihan ko. Hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako makapaniwala na hinayaan ako ni papa na tumira sa Maynila ng mag-isa. Dati kasi pumunta na rin kami dito ang kaso kailangan ko pang tumakas mula sa mga gangmates ko para lang makapaglibot libot sa mga mall. Ang saya na sana eh, kaso may nangyari noong araw na yun. Naiinis ako at nabwibwisit sa tuwing maaalala ko ang mga nangyari noong mismong araw na yun. Grabe! Nakakapagpakulo ng dugo!
Naaalala ko pa, nagwiwindow shopping ako noong araw na yun sa isang mall. Maraming tao pero ang pinakamasaya roon ay walang nakakakilala sa akin. Sa probinsya kasi namin makita lang ako natatakot na akong lapitan. Hay buhay. Buti na lang talaga.
Dati pa lang ay mahilig na ako sa sapatos. Kaya pumunta ako sa shoes department. Grabe ang daming bagong labas! Naeexcite ako kaya pumasok ako sa loob. Sa totoo lang mas gusto ko pa ang mga design ng sapatos ng mga panlalaki kaysa sa mga pambabae. Para sa akin mas astig ito kaysa sa mga pambabae.
May kinuha akong new arrival ng sapatos at buong hanga na tiningnan dahil sa ganda ng disenyo at kulay nito. Pagkatapos ay isa isa ko pang tiningnan at pinagmasdan ang mga sapatos na katabi nito bago nahagip ng pangin ko ang isang sapatos na alam kong sa isang tingin pa lang ay sya na ang bibilhin ko. Parang first love kumbaga. Hindi mo pa man nakikita ng malapitan pero sa isang tingin pa lang alam mong mahal mo na at hinding hindi mo na bibitawan pa. I walked with gracefulness in each step. Papalapit na ako ng papalapit sa sapatos na ito at ramdam ko ang pasway-sway ng palda ko sa aking hita.
"Isuot mo 'to para hindi ka naman magmukhang lalaki sa pagshoshopping! Sayang ang pigura at ganda mo girl! At ito palang compact ko sayo na. Regalo ko na lang yan sayo para matuto ka namang magpolbo kahit papaano!"
I just rolled my eyes sa tuwing naaalala ko yun. Si Lauren. Nakababatang kapatid ni Hollis. Mas matanda ako sa kanya ng halos dalawang taon. Nakakahiya mang aminin pero mas marami pa syang alam na fashion thing kaysa sa akin na mas nakakatanda sa kanya. Sa tuwing nagkikita kami lagi syang napapailing dahil sa suot ko. And I swear, mas gugustuhin mo pang sundin ang gusto nya kaysa makinig sa ilang oras nyang reklamo. Napapapalo pa rin ako sa ulo ko sa tuwing naaalala ko yung compact na ibinigay nya. Sapilitan nya kasi itong inilagay sa bag nung hindi ko ito tinanggap. Itatapon ko na nga sana ito kanina pero nagdalawang isip ako. Nasa bulsa ko yata? Nasa bag? Ay ewan. Kung nasa bulsa ko man wala akong pakialam kung malaglag pa ito o mawala.
Isa pa, ayoko rin naman sa salamin.
Laking ngiti kong pinagmasdan ang sapatos na sabihin na lang nating 'na love sight ako' kaya gusto ko syang bilhin. Tiningnan ko ang presyo at napatalon sa saya dahil sakto lang sya sa budget ko. Aktong huhugutin ko na sa bag ko ang pitaka ko para mabili ko na ang sapatos ng bigla na lang akong may mapansin.
Nanlaki ang mga mata ko at biglang napatili ng "BASTOS!" bago sya sinampal ng napakalakas.
Nakayuko ba naman sa harapan ko at may hawak na salamin sa may baba! Nakapalda pa man din ako at nakasuot lang ng... Naramdaman ko ang pamumula ng aking mukha sa sobrang hiya dahil sa reyalisasyaon. Wag mong sabihin na... n-nakita nya ang suot kong... Crap!
Creeper, mamboboso, bastos! Tinawag ko na yata ang lahat ng pangalan na pwede kong sabihin sa walang modong nilalang. Walang hiyang lalaki 'to! Sino ba sa tingin nya ang kinakalaban nya?!
"Look, it's not what you think." ani ng lalaki na gulat na gulat dahil sa pagsampal ko sa kanya
"Look what you think ka jan! Mukha mo! Huli ka na nga sa akto eh! Manyak!"
Tinulak ko syang napakalakas bago sinipa sa lugar kung saan kahit sinong lalaki ay mapapa-aray sa sobrang sakit. Nasa amin na lahat ng atensyon ng mga tao at yun ang pinaka-ayaw ko. Wala na rin akong mapakitang mukha sa kanya dahil nakita nya ang isang bagay na kahit sino ay matatawa. Suot ko lang naman ang bigay ni Lauren na Dora na panty last christmas! Kung bakit kasi sa lahat ng araw yun pa ang naisipan kong isuot! Pambihira! Pagkatapos ng araw na yun sirang sira ang araw ko. Wala na nga akong balak bumalik sa Maynila eh sa takot na baka sa susunod na magkita kami ay mapatay ko ang lalaking yun.
Pero heto ako, nasa Maynila. Alam ko na isinumpa ko na hindi na ako babalik dito pagkatapos noong araw na yun pero ngayon ipinagpapasalamat ko na nandito na ako. Mag-isa. Wala si papa. Wala ang sino man.
Mag-isa lang ako at hawak ko ang buhay ko. Wala namang sinabi si papa na misyon ko o kahit ano bago ako pumunta dito so I guess its a good sign. Hindi pa man nya sinasabi kung sino ang huling anim na nasa listahan ko ay ayos pa rin ito kahit papaano sa akin dahil wala akong iintindihin. Eenjoyin ko na lang muna siguro ang mga araw kung saan wala akong responsibilidad at malayo kay papa.
Wag na wag lang sanang magkrus ang landas namin ng lalaking yun dahil kung hindi!
*Ding!*dong!*
Mabilis kong tinakbo ang pintuan ng tinutuluyan kong apartment. Dumating na kasi ang isang buong pizza na in-order ko kaya mabilis kong pinirmahan ang form bago malakas na isinara ang pinto.
"Ayos Leira. Bagong lugar, bagong buhay. May sarili ka pang lugar at isang buong pizza na ikaw lang ang kakain! Yay!" nagdasal pa ako sandali nagpapasalamat sa Diyos dahil sa biyaya na ipinagkaloob nya sa akin. At pagkatapos, ay nilantakan ko na ang pizza at ngumalngal ng ngumalngal na parang isang pulubi na hindi nakakain ng ilang buwan.
Bukas na bukas din ay papasok na ako sa bago kong school, ang Princeton Academy. Mababait kaya ang mga tao doon? Ano kaya ang itsura ng school na yun? Bakit kaya doon ako ipinasok ni papa at hindi sa isang Unibersidad malapit lang din sa amin? Matatanggap kaya nila ako? Nakakapagtaka man ang mga pinagkikilos ni papa tungkol sa bagay na ito hindi ko na kwinestyon. Sana lang nagbago na nga si papa for good at ang misyon na ginawa ko noon sa masquerade party ay ang magiging huling misyon na gagawin ko. May listahan man o hindi, sana nga nagbago na talaga si papa.
Napakaraming pang mga tanong ang umiikot sa isipan ko pero isinantabi ko na lang lahat ng yun at inenjoy ang pagkain ng pizza. Sabi nga nila 'Enjoy it while it lasts'.
###
Author's Note:
Sa mga susunod na chapter na magsisimula ang mga pagbabago. Kilalanin si Aaliyah Vila sa kwentong ito :)
Abangan!
© G. J. Dion (wistfulpromise)
BINABASA MO ANG
The Seventh Rose
Mystery / ThrillerWhat will you do if you have nothing to lose? First posted on Wattpad © 2013 Revised Version © 2017-2018 by Wistfulpromise.