Chapter xxx ~ Tibok

14.1K 374 53
  • Dedicated kay To My Listeners
                                    

Chapter xxx

Nagising ako sa isang napakalakas na kulog. Bumangon ako sa higaan na punong puno ng pawis sa noo. Isinuklay ko ang mga nanginginig kong mga daliri rito. Isa na namang panibagong panaginip kung nasaan naroon ang babaeng patuloy na gumugulantang sa pagtulog ko. 

Alas tres ng madaling araw at patuloy pa rin sa pag-ulan. Balita ko may bagyo raw na paparating. Hindi na nakapagtataka kung bakit ganun na lamang ang lakas ng ulan ngayon. Bumalik ako sa pagtulog pero hindi ko na magawa. Habang tumatagal ay pakiramdam ko nasasanay na ako sa presensya ng babae sa panaginip ko. Pakiramdam ko unti unti na akong nasasanay sa kanya. Gayunpaman hindi ko maitatanggi na hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng takot lalo na sa tuwing paulit ulit kong nakiikita ang duguan nyang mukha. 

May itinatawag syang pangalan, paulit ulit, ngunit hindi ko ito maintindihan. 

Pinunasan ko ang tumutulong malamig na pawis sa noo ko. Bumangon ako para magtimpla ng mainit na kape. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. 

Bakit ba kailangang mangyari sa akin ito? Bakit ba? 

***

"Dora ano pang ginagawa mo? Tara na!" 

Hinila ako ni Nathan papasok sa loob ng library. Kanina pa kami palakad lakad. Kanina pa kami pabasa pabasa. at mas along kianina pa kami research ng research para sa project na meron kami. Hindi ko alam sa kanya pero parang hindi sya nawawalan ng energy. Ilang araw na naming ginagawa ang research project na ito. Ilang araw ko na rin syang nakakasama at sa awa naman ng Dyos matino naman syang kasama. Inaatake ng kabaliwan kung minsan pero, kaya pa naman ng utak ko. Mabuti na lang talaga at ipinanganak ako na may mahabang pasensya. 

"Ikaw ang magsulat nyan ngayon. Tapos ako rito." May itinuturo syang libro pero wala ang tingin ko rito. Napansin naman yata nya ang kawalan ko ng focus ngayong araw na ito. 

"Ano bang nangyari sayo? Lowbat ka yata ngayon ah. May sakit ka ba?" 

"Wag mo na akong pansinin. Ituloy mo na yan." 

"Eh paano ko matatapos ito kung yung kasama ko walang ginagawa? Kanina ka pa nakatunganga. Ano ba hinihintay mo, pasko? Baka nakakalimutan mo isang linggo lang ang ibinigay sa atin para sa project na 'to. Tatlong araw na ang lumipas kaya ngayon may apat na araw na lang tayo. Wala pa tayo sa kalahati. Hindi ka ba natatakot? Babagsak tayo!" 

Kung may isa mang bagay akong nalaman tungkol kay Nathan, sa isang maikling sagot mo lang, grabe sya kung manermon. 

Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Masyado lang siguro talagang maraming bumabagabag sa utak ko. Yung pitong rosas ko, yung babae sa panaginip tapos dumagdag pa sa isipan ko ang tungkol sa nalaman ko kanila Nyree. 

Hindi ko na sila gaanong nakakausap ngayon lalo na si Nyree. Pilit ko kasi silang iniiwasan hanggat sa makakaya ko. Kahit nga si Rico na kinukulit ako tungkol kay Nyree iiniwasan ko na rin. Kailangan kong mag-ingat. Kailangan kong maging mas mapagmatyag. Kung totoo nga ako sa hinala ko na hindi sila basta basta, kailangan kong mas ibayuhin pa ang pagtatago ng tunay kong pagkatao. Hindi nila pwedeng malaman na isa akong assassin. Lalo na kung ang school na ito ang belwarte nila. Madidiskaril ang lahat ng plano ko lalo na ang paglaya ko sa kamay ni papa. 

Sa totoo lang ngayon dito sa Princeton ay hindi na ako mapakali. Kung dati pakiramdam ko ligtas ako sa kahit na anong panganib, ngayon, hindi na. Pakiramdam ko nga pumasok ako sa isang kuta ng kalaban. Mahina... at walang laban. 

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa mga dalang libro at folders. Yakap yakap ko sila sa dibdib na animoy pananggalang sa magulong mundo na ginagalawan ko. 

The Seventh RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon