Chapter viii ~ Intertwined

27.1K 434 35
                                    

Chapter viii

"EIGHT STUDENTS FOUND DEAD. MAEDA MORA HIGH IS FORCED TO BE CLOSED."

Ito ang balitang bumungad sa akin pagkadating ko sa apartment na tinutuluyan ko. Pinulot ko sa may door mat ang dyaryo bago pumasok. Sandali pa akong nagtimpla ng kape bago ito muling tiningnan at binasa. Walang emosyon ang mukha ko. Ganyan talaga ang buhay; lahat nagtatapos, lahat nagwawakas. Ibinaba ko ang dyaryo at saka binuksan ang bintana. Tahimik kong pinagmasdan ang paunti unting pagpatak ng ulan habang humihigop ng mainit na kape na katitimpla ko lang.

Ang walong estudyante na yun at ang isang buong gang na tinutukoy ni papa na kailangan kong tapusin ay iisa.

Hindi ko makakalimutan ang araw kung kailan iyon nangyari dahil iyon ang pinaka-unang beses na naranasan kong matrap at makipaglaban sa isang tao na halos kayang tapatan ang lakas ko. Ni minsan hindi pa nangyari sa akin na nahirapan akong makatakas sa isang misyon-- ito pa lang ang una.

Habang humihigop ng kape ay bigla akong napangiwi. Hanggang ngayon ay humahapdi pa rin kasi ang tagiliran ko pati na rin sa may bandang hita. Bahagya kong iniangat ang damit ko at nakita ang isang malaking pasa rito. Napapikit ako sabay iling. Noong tiningnan ko ito wala pa 'to tapos ngayon meron na. Hindi nga ako natadtad ng sugat o pasa sa mukha pero ang katawan ko naman ay halos bugbog sarado. Buti nga nakapasok at nakapaglakad pa ako ng maayos kanina sa school. Wala naman sigurong napansin si Nyree na masakit sa akin noong tinitirintas nya yung buhok ko diba? Sana lang wala. Mukha namang normal ang inakto ko sa isang buong araw. Kahit na ba ang totoo nyan, mas nanaisin ko pang humilata sa higaan at magpagaling ng mga sugat na natamo.

Muli tuloy nagbalik sa akin ang araw kung kailan ko nakuha ang mga sugat na 'to.

Pagkatapos tumawag ni papa, kinabukasan pagkasapit ng gabi ay ginawa ko na ang misyon ko- ang tapusin ang isang buong gang tulad na rin ng inutos nya. Ayos na sana ang lahat dahil malinis ko na itong naplano pero hindi ko akalain na bukod sa gang na pakay ko ay may iba pang gang na naroon. Bago ko pa mabago ang plinano ay huli na ang lahat. Natapos ko na ng walang kahirap hirap ang misyon ko bago ko pa nalaman na naroon lang pala sila. Hinabol nila ako at pinagtulungang huliin. Medjo nahirapan pa ako noong una lalo na't napagtanto ko na hindi sila basta basta.

Meron pang isang lalaki na tila ba tumatawag pa ng back-up pero inunahan ko sya at saka pinaputukan ang cellphone na hawak.

Hanggat maaari bukod sa misyon na pakay ko ay wala na akong gustong patayin. Ang misyon ay misyon at ayoko ng mandamay pa ng wala namang kinalaman sa misyon ko. Tinakbuhan ko sila dahil ang tanging gusto ko na lamang ay makauwi at makatakas. Pero may isa pang dumating na sobrang bilis kung gumalaw at hinabol nya ako. Ang bilis nya, ang bilis bilis. Buti na lang agad akong nakaliko at nakapagtago dahil kung hindi baka nahuli nya ako ng wala sa oras.

Wala pang ilang sandali biglang may isa na namang dumating at muli akong hinabol. Sa pagkakataong ito hindi na ito yung nauna dahil sigurado akong isang lalaki ang humahabol sa akin kanina. Sa mahaba nitong buhok at maliksing paggalaw, nagulat ako ng nahablot nya ang suot ko kaya nagpagulong gulong kami sa lupa. Ilang beses ko syang pinaputukan ng baril pero mabilis nya itong naiiwasan. Sa bawat suntok at bawat sipa na binibitawan nya, agad ko itong naiiwasan. Nababasa ko ang ikinikilos nya kaya alam ko kung saan dapat sanggain at saan ang dapat hindi. Sa tagal ng panahon sa ganitong larangan, masasabi kong bihasa na ako at wala ng makakatalo sa akin. Pero nagulat ako sa sumunod nyang atake, umilag ako at tinakpan ang mukha ko pero laking gulat ko na lamang ng mabilis na nag-iba ang direksyon ng paa nya sabay sipa sa tuhod ko ng napakalakas. Napaluhod ako at napa-aray sa sobrang sakit pero hindi ko pinahalata.

Wala pa ni isa sa tana ng buhay ko ang nautakan ako ng ganun. Sa lugar namin ako lagi ang panalo. I'm undefeatable and I never loss any fight before. Sa bawat laban umuuwi ako ng walang daplis ni sugat.

The Seventh RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon