Chapter xiv
Noong mga bata pa tayo, maraming alaala ang hinding hindi natin makakalimutan. Mga alaalang nakatatak na sa puso't isipan natin. Palaging nandyan... hindi basta basta mawawala.
Masaya kong pinagmamasdan ang isang tuta na nakakulong sa kanyang kulungan. Napakacute nitong tingnan, tila walang pakialam sa mundo. Kumikintab sa ilalim ng artipisyal na liwanag ang balahibo nitong kulay tsokolate. Ang sarap sigurong pisilin at hawakan ng itim nitong tainga. Kung pwede lang sana akong magkaroon ng aso ulit...
"Maganda ang lahi nyan." isang tinig na nanggagaling sa may kanan ko. Lumingon ako rito at nakita ang isang lalaki na naglalabas ng sigarilyo sa bulsa nya. Ipinasok nya ulit ang kamay sa bulsa at nang makita ang hinahanap, sinindihan nya ang hawak na sigarilyo. Muntikan na akong maubo sa mabahong usok na lumalabas sa bibig nya pati na rin sa ilong.
Ang baho. Nakakahilo.
"Gusto mo?" Abot nya sa akin ng isang pakete ng sigarilyo. Umiling ako, natawa sya. Nangingitim na ang bibig nito sa kakahithit ng sigarilyo ngunit tila wala syang pakialam.
"Bilhin mo na 'yang tutang yan," turo nya roon sa maliit na tutang mahimbing pa rin sa pagtulog. Ibinuga nya ang isang makapal na usok mula sa mga labi nya. "minsan ka lang makakita ng ganyang lahi. Mabait yan at hindi masyadong magastos sa pagkain."
Gusto ko. Gustong gusto. Kailan na nga ba noong huli akong magkaroon ng alagang hayop? Six years ago... noong labing-isang taong gulang pa lang ako. Noon pa lang ay mahilig na ako sa mga alagang hayop lalo na sa aso at pusa. Nakakamiss ang magkaroon ng alaga. Nakakamiss ang laging mayroong kasama. Bigla ko tuloy naalala ang alaga kong asong si Aira noon. Mahal na mahal ko iyon. Kahit saan ako magpunta palagi ko syang kasama. Kasabay ko syang naglalaro, naliligo pati na rin sa pagtulog. Hindi man ako nagkaroon ng maraming kaibigan, sya ang palaging nasa tabi ko. Kung sana lang--
"Ano miss? Bibilhin mo na ba?"
Tumayo ako ng maayos at pinagmasdan sya. Nandito ako sa harap ng isang pet shop. Nadaanan ko ito habang pauwi galing sa school. Kung hindi ako nagkakamali, sya ang may ari ng pet shop na ito.
"Sige na, bilhin mo na." nagbuga ulit sya ng makapal na usok sa harap ko. Pinigilan ko ang huminga dahil ayoko sa amoy nito. Muli syang natawa, lumalabas ang malaginto nitong braces sa ngipin. "Para sayo miss, bababaan ko ang presyo."
Hindi na ako sumagot dahil dali dali na akong umalis doon. Hindi ko na kayang matagalan ang baho ng usok na nanggagaling sa bunganga nya pati na rin sa nakakapanindig na balahibong ngiti nya.
Sa tuwing uwian ay lagi na lamang akong napapahinto sa tapat ng pet shop na iyon. Lagi kong pinagmaamsdan ang tuta na nakita ko noong isang araw, ang cute cute nya, ang sarap hawakan. Napangiti ako noong nakita kong humikab ang napakaliit nyang bibig bago muling bumalik sa pagtulog. Ang dami pang ibang hayop sa paligid pero sya lang ang lagi kong pinagmamasdan. Ang cute cute nya at tulad na rin ng sabi ng lalaki noong isang araw, maganda ang lahi. May naaalala tuloy ako sa kanya. Pero bakit ngayon nag-iisa pa rin sya? Walang nagmamay-ari.
Hindi tuloy mawala sa isip ko kung saan sya nanggaling. May mga kapatid kaya sya? Nasaan ang mama nya? Pinakamasakit siguro sa lahat ng mga magulang ay ang malayo sa mga anak nila, kahit pa aso. May damdamin pa rin naman sila tulad nating mga tao. Sapilitan kaya syang kinuha sa mama nya o ipinamigay ng may-ari dahil sa dami nilang magkakapatid? Napulot kaya sya? Nanggaling pa sa ibang bansa dahil mixed breed?
Napakaraming posibilidad.
Gayunpaman, hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot para sa tutang ito. Paano kung walang umampon? Paano kung walang tao ang magwawaldas ng pera para kupkupin sya? Mananatili na lamang ba syang nandito? Nakakulong? Mag-isa? Napakaliit pa man din nya. Kailangan ng aruga. Kung sana lang--
BINABASA MO ANG
The Seventh Rose
Mystery / ThrillerWhat will you do if you have nothing to lose? First posted on Wattpad © 2013 Revised Version © 2017-2018 by Wistfulpromise.