Chapter xLi ~ The Devil

6.8K 248 40
  • Dedicated kay To My Listeners :)
                                    

Chapter xLi 

Katatapos lang naming kumain ni Nathan. Akala ko binibiro nya lang ako noong sinabi nya na manlilibre sya kaya ganun na lamang ang gulat ko noong tinotoo nya. Kung tatanungin ako kung anong pakiramdam ng kumain kasama ang isang lalaki, sa akin ayos lang dahil kahit noong nandoon pa ako sa lugar namin puro lalaki na talaga ang mga nakakasama ko. Pero sa totoo lang inexpect ko nang magiging awkward ang pagkain naming dalawa na kami lang, yun pala nagkamali ko. 

Ito ang unang pagkakataon na nakasama ko syang kumain at ang isa sa lang ang masasabi ko, ang kalat pala nyang kumain. Para syang bata! 

Naiinis ako sa sarili ko dahil bakit para yatang lahat napapansin ko sa kanya. Pati kung paano sumingkit ng konti ang mga mata nya kapag tumatawa. Ang lakas ng boses nya kapag nagsasalita. Pati na rin ang pang-aasar nya sa akin ay tila ba lahat nairerecord ng utak ko. Paulit ulit na umaandar, ipinapakita sa akin ang mukha nya na tila ba nang-aasar, nang-iinis. at iyon nga ang nangyayari ngayon. Hindi ako natutuwa. 

"Ugh! Leira! Ano ba ano ba! Tanggalan mo yan sa isip mo!" paulit ulit na pagtuktok ko sa ulo ko na akala mo kapag ginawa ko ito ay talagang mawawala sya sa isipan ko. 

Mali talaga yata ang pagsama sama ko sa kanya. Kung bakit pa ba kasi ako pumayag hindi magugulo ang utak ko na tulad nito. 

Sinukbit ko ang bag ko ng mas mahigpit sa balikat ko. Hinatid ako ni Nathan pero sabi ko ibaba nya na lang ako sa may kanto at iyon naman ang ginawa nya. Ayoko rin kasing malaman nya kung saan ako nakatira. Mahirap na. 

"Leira Dela Torre." Naging alisto ang katawan ko.

May mga lalaki ang biglang humarang sa dinaraanan ko. Nakaitim sila at nakashades. Hindi ko makita ang emosyon ng mga mata nila. 

"Bakit? Anong kailangan nyo?" 

"Sumama ka sa amin." Hihilain na sana nila ako sa loob ng isang kotse noong nagpumiglas ako. Aktong ilalabas ko na ang baril ko nang may isang panibagong boses akong narinig. Boses ng isang lalaki. 

"Bitawan nyo sya." 

Nanggaling sya sa loob ng kotse na pagkakargahan sana sa akin. Matapos marinig ito ay agad naman silang sumunod at maingat na yumuko sa kanya bilang paggalang. Iniwan nila kaming dalawa roon na nag-iisa. 

"Anong kailangan nyo sa akin?" tanong ko sa kanya. Wala akong tiwala sa mga taong ito lalong lalo na sa ngiti na ipinapakita nya sa akin. Ang lalaking ito ay mukhang mayaman. Sa bihis pa lang at tindig ay alam mo nang isa syang aristokrata. May dala syang baston kung saan nakapatong ang dalawang kamay nya. Ang buhok nya ang nasa kalagitnaan ng pagiging puti ngunit makikita mo na ang natural nitong kulay noong bata bata pa sya ay kulay mais. Tapos ang mga mata nya, kulay asul. 

Hindi sya taga-rito. Hindi sya Pilipino. Gayunpaman, nakakagulat ang pagkatatas nya sa salitang kinalakihan ko. 

"Leira my dear, I am a friend." Itinaas pa nya ang mga kamay na tila ba nais nyang ipakita na wala syang gagawin sa akin na masama. 

Itinaas ko ang hawak na baril gamit ang dalawang kamay ko. Itinapat ko ito sa kanya. 

"Hayaan mo akong makadaan sa lugar na ito at hindi ko ipuputok ito. Kung sino ka man wala akong balak na kilalanin ka. Maari ka nang umalis." 

"Hindi mo man lang ba papakinggan ang sasabihin ko sayo?" tumagilid ng konti ang ulo nya na tila ba tahimik nya akong tinatantya sa utak nya. 

"Wala akong kailangang malaman mula sayo. Umalis ka na." 

"It's about your mom." 

Bigla akong nabato sa kinatatayuan ko. Anong ibang nyang sabihin? Kilala nya ang mama ko? Pero hindi. Sinungaling sya. 

The Seventh RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon